"I love you, sa nakasuot ng blue pants with white shirt! I love you talaga—'' shit! Naputol ang sinabi ko nang lingunin niya ang kinaroroonan ko. Agad akong lumingon sa ibang direksyon.
"I love you John Paul! K-kaibigan talaga kita, I love you!" Hinablot ko ang kaibigan kong bading. Yeah, I know this is ridiculous, pero wala na akong ibang paraang maisip. Sabagay hindi niya naman alam na bading itong niyayakap ko ngayon. I'm not also sure if he knows me.
"Dinamay mo na naman ako girl!" Bulyaw niya sa'kin nang makitang wala na si Yuan—ang lalaking gusto ko, matagal na. Yes, you may think I'm one of those crazy girls seeking for attention, yes you're right. I'm seeking for Yuan's attention. Pero hindi na uso Maria Clara ngayon. Kung hindi ka lalandi, wala kang love life, nganga ka 'te!
"Oh c'mon! Best buddies tayo sa ganito. Sabayan mo na lang ako, just go with the flow! This is for Yuan babes!" Sabi ko sabay palakpak sa ere at gumiling-giling pa ako sa harap niya. Kumunot naman ang noo ko nang bigla siyang sumeryoso.
"Hoy, may multo ba sa likod ko?"
"So, are you saying I'm a ghost?" Halos lumipad sa Jupiter ang kaluluwa ko nang maulinigan ang tinig na 'yun. Kahit isang salita lang sabihin niya, kilala ko kung sino ang nasa likod ko.
Pinandilatan ko ng mata si John Paul, pero tulala lang siya. Oh yeah! Speak out dude, I'm dying here! "Si Yuan?" Bulong ko at tumango naman siya. Ghad! Ibong Adarna, ilipad mo na ako!
Unti-unti akong lumingon at si Yuan nga! This is trouble! Big trouble! Pwede na ba akong tumakbo ngayon at pumunta na lamang sa Mars? Ayokong mapahiya sa harap ni Yuan! Bakit ba siya nandito?!
"H-i Y-yuan babes—este Zamonte," utal kong bati sa kanya. Kita ko naman ang lapad ng ngisi niya at halos malusaw ako sa ngiting 'yun. Pwede na ako kunin ni Lord.
Isang daang baso ng dugo na yata ang lumabas sa ilong ko. Hindi lang pala ingles ang nakaka-nosebleed, pati kagwapuhan na pala. Pati baga ko yata ay dumudugo na!
"So, are you pertaining—''
"Oo, ikaw! Ikaw Yuan Zamonte! Gusto kita!"
Pumikit ako at ayokong makita ang reaksyon ni Yuan. What the heck! Bakit ko sinabi 'yun? Yuan might think that I'm such a desperate woman! For Pete's sake, lumalandi lang ako kapag wala siya sa harap ko! At ngayong kaharap ko na, tumitiklop na ako.
"Aray!" Napadilat ako sa gulat nang may biglang humablot sa'kin. Buong akala ko ay si John Paul ang humihila sa'kin papalayo, pero hindi pala. Agad uminit ang dugo ko nang makita ko siya.
"Arkel! What are you doing?!" Sigaw ko nang halos madapa na ako sa kahihila niya.
Patuloy pa rin siya sa paglalakad. "Saving you?" Sarkastikong sabi niya at umirap naman ako.
"Again? Ang epal mo talaga sa love life ko!" Nakaka-bwiset talaga ang lalaking 'to.
Tuwing napapahamak ako ay siya lagi ang sumasagip sa'kin. He's not my hero nor savior! He's freaking spoiling my moment! 'Yun na e, hinila niya pa ako! Hindi ko tuloy narinig sinabi ni Yuan. Kainis!
Tumigil siya sa paglalakad at nakahinga naman ako ng maluwag. "What was that move Ayeka? Pinapakita mo lang sa kanya na katulad ka lang ng ibang babae diyan!" Sigaw niya at tumaas naman ang kilay ko sa kanya.
"What?! And why the hell you care? Hindi naman ikaw ang mapapahiya. Just back off will you?!" Napipikon na talaga ako sa kanya. Parati niya na lang ako pinapakialaman and I hate that! He should mind his own monkey business.
Marahas siyang bumuntong hininga. "I'm just protecting you, I just care about you..." Mahinang usal niya at nasapo ko na lamang ang noo ko.
"You're not my boyfriend Arkel, manliligaw lang kita. Stop acting like I'm your girl, co'z I will never be your girl." He's so irritating and I'm freaking tired of saying no to him. Gusto niya ba talagang isampal ko sa mukha niyang binasted ko na siya? I can't believe him!