Tatlong araw na ang nagdaan mula nang makausap ko si Hell. Tatlong araw na pero sadyang hindi pa rin ako makapag-isip ng tama.
Papakawalan ko na lang ba siya?
Mahal ko si Hell, nandoon na ako. I love him so much but, --yes. I have but's. A lot of but's and what if's, that's why I stayed with Jaze.
Matapos kong kumuha sa drawer ng mga swimsuit na gagamitin ng barkada para sa swimming, sa kwarto naman ako ng kuya ko dumiretso para sana kumuha ng boxer shorts at sando na hindi pa gamit. Nakaka-ilang hakbang pa lang ako nang mahagip ng mga mata ko si Hell na nakasandal sa railing ng hagdan. Nilapitan ko siya at mukhang narinig niya ang yabag ko papalapit, kaya tumingala siya saka ako matamang tinitigan.
"May kailangan ka?" Kumunot ang noo niya sa tanong kong iyon.
"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko Light," madiin na pagkakasabi nito at saka niya ako itinulak sa balikat at isinandal sa pader. Nahulog ko tuloy ang hawak kong bathing suits kaya naman napakunot ako ng noo.
"What the heck?" Inis na asik ko.
"What the hell are you doing to me? Bakit lagi ka na lang sumusulpot sa isip ko? Bakit Light? Bakit?" asik niya.
He rested his elbows on the wall, dahilan para magkalapit ng sobra ang mukha namin. Wala akong kawala dahil na-korner na niya ako. Kitang kita ko ang pag-taas baba ng balikat niya na para bang naghahabol siya ng hininga. Hindi ko mapigilang magtaka sa inaakto niya. Mukha siyang galit na galit.
"Anong bang pinagsasabi mo?" Pahina ng pahina ang pagbigkas ko ng mga salitang iyon dahil sa lapit nga ng mukha niya.
"Stop torturing me. Get out of my life. Get out of my head Light. Get out! And quit making my heart pound like crazy!"
Nang sabihin niya iyon ay kitang kita ko ang kalungkutan sa mga mata niya at sa 'di malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Na sa sobrang bilis ay hindi ko mapigilang mapahawak sa dibdib niya at bahagya siyang itulak ngunit, bigo ako. Mas lumapit pa siya sa'kin at saka niya ipinatong ang noo niya sa noo ko.
"Stop these feelings Light. . . I don't like this. I don't even want it. I don't need it!" Halos pabulong ngunit mariin niyang sabi.
Tagos sa puso ang bawat salita ni Hell. Tila karayom iyon na tumutusok sa dibdib ko. Idagdag pang may kung anong parang bumara sa lalamunan ko kaya naman hindi ko siya masagot. Kahit naman sagutin ko siya ay anong sasabihin ko?
Huwag? Mahalin mo ako Hell dahil mahal na mahal kita? Yeah right. Kahit sabihin ko iyan ay walang mababago sa sitwasyong meron kami, dahil boyfriend ko na si Jaze.
"Light. . ." bulong niya saka niya unti unting iniatras ang kanyang ulo. "Light, I don't wanna love you, but I'm falling. I know you're not gonna catch me, but I can't help it. Not you. Not again. With the same heart as Ella. No. . . Ayoko nang masaktan. Ang sakit sakit Light. . . Ang sakit!" Tukoy niya sa babaeng donor ng puso ko na dati niyang minahal. Ang babaeng muntik nang makasita sa pagkakaibigan nila ni Jaze.
Kitang kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ni Hell habang nakatitig siya sa akin ng sandaling iyon. Nagbabadyang tumulo dahilan para makaramdam ako ng lungkot para sa kanya at kirot sa dibdib na alam ko naman ang pinagmumulan. Bawat katagang sabihin niya na nasasaktan siya ay tila ramdam ko. Hindi ko magawang magsalita. Gustuhin ko man ay hindi ko magawa. Masyadong nakakalunod ang kalungkutang meron sa kanyang mga mata. Masyado rin akong nasasaktan dahil sa madamdaming litanyang binibitawan niya.
"Akala ko gusto kita noong una, pero nang malaman kong nasa iyo ang ang puso ni Ella ang sabi ko, wala. Hindi talaga kita gusto at dapat lang na hindi, dahil si Jaze na naman ang karibal ko. Pero shit lang Light!" Narinig ko ang paghampas niya sa pader dahilan para mapapitlag ako. "Shit lang kasi noong simulan kitang iwasan mas lalo kitang hinahanap. Na maging sa pagtulog ko mukha mo ang naiisip ko. Then I just realized that, shit, I'm falling, and I'm falling hard! Damn hard Light!" Humahangos na sabi niya, na tila bawat katagang binibitawan niya ay napakahirap sabihin.