The Quiet One

127 10 16
                                    


Oki.... hahah, naisipan kong palitan na lang po ung starcrossed lovers ko nito. Narealize ko na marami pa akong dapat ayusin dun pero dahil sa medyo busy ako at wala sa sarili ang utak ko sa pagsusulat/pag-iisip para maayos yun, papalitan ko na lang nitong the quiet one ko. Malapit din kasi 'to sa heart ko at mas feel ko 'tong mapublish kesa sa isa. hahah. So, ayun... eto na lang. hahah. Pacencia sa magbabasa at magkikritiko ulit. wahahah. Ilabas o ipaabot niyo lang sa'kin kung may nkita kayong kapalpakan dito. wahahah. MUWAH!


The Quiet One

by pople-

words: 3, 013



"Kumusta naman ang pag-aaral mo, Jansen?"

"It's okay, Dad. Everything's fine." Sagot ko habang nag-aagahan kaming pamilya sa isang mesa.

Kung magulang lang naman ang pag-uusapan, sila na ang pinakamaalalahanin sa lahat ng bagay.

"Jansen, kilala mo naman si Apple 'diba?"

Napaisip ako sa pangalang nabanggit. "Apple?"

"Anak siya ng kapitbahay natin. Minsan mo na rin siyang nakalaro noong mga bata pa kayo."

Bigla akong nalinawan. "Siya 'yong hindi masyadong umiimik. 'Yong mahiyain, 'diba?"

"Siya nga ang tinutukoy ko, anak. Kasing edad mo lang siya at schoolmate pa."

"So what about her?" pagtatanong ko.

"Nakausap ko kahapon ang mommy niya, si Tina. Kawawa naman pala ang batang iyon, walang kaibigan at laging mag-isa. Minsan nga daw naririnig ng mag-asawa na umiiyak sa kwarto."

"Really? How sad." tanging reaksyon may masabi lang.

"Oo nga eh." Muling sagot ni mommy na halatang apektado sa ganitong mga bagay.

"Sa tingin mo, binubully kaya si Apple? Wala ka bang napapan—"

"Mom," pagpuputol ko. "Hindi kami close! Kaya wala akong alam diyan."

"Well, that's the reason kung bakit natin siya pinag-uusapan ngayon. Nagkausap kami ni Tina at nakiusap siya na kung pwedeng kaibiganin mo naman si Apple para nam—"

"Ano?!" Nasa tono ko na ang pagtanggi. Kung gaano kapusong-mamon ang mga magulang ko, siya naman ang tinigas ng puso ko. "Mom, hindi na natin 'yan problema..."

"Jan, paano mo nasasabi 'yan?" singit ni daddy na hindi nagugustuhan ang reaksyon ko. "Ba't sumasama na 'yang ugali mo? Balak ko pa naman sanang regaluhan ka ng pinakahihiling mong kotse... pero kung ganyang-ganyan ka—"

"Woah. Kotse?" mahinang bulalas ko na nagpabago ng isip ko sa isang iglap. "Okay! Ako na ang bahala sa Apple na 'yan. Don't worry, makikipagkaibigan ako sa kanya ngayon mismo."

Tumayo agad ako at iniwan ang 'di pa natatapos na pagkain. "I need to go. Susunduin ko pa si Apple sa tapat ng bahay dahil male-late na kami sa klase."

Matapos makapagpaalam, mabilis kong tinungo ang tapat naming bahay. Agad rin namang nagalak sina aling Tina at asawa nito sa pagsulpot ko na alam na rin ang sadya ko.

"Hi, Apple!" Nakangiting bati ko sa babaeng hindi masyado palasalita. Ni hindi siya makatingin ng diretso na halatang nahihiya. "Sakaling hindi mo alam, I'm Jan, kapitbahay mo at schoolmate tayo."

"A-alam ko." Nauutal at walng kakompiya-kompiyansang sagot niya.

"So, from now on... sabay na tayong papasok sa school?" Hindi ko na siya binigyan pa ng pagkakataong sumagot dahil inabot ko na ang kamay niya saka hinila paalis. Para siyang bata na hindi makaangal habang tinutungo namin ang bus stop.

Sorelle CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon