Word Count: 2,412
Genre: Romance
Author: LituSSutiLI often wonder why it was called "falling in love". Bakit hindi diving or jumping? Bakit kailangan fall talaga? Pareho lang din naman ang ending, babagsak ka rin. Pareho lang din namang masakit kapag walang nakaantabay na sasalo sa iyo.
Matamlay na isinara ko ang music book. Ubos na ang isang linggo'ng palugit ko sa sarili pero wala pa rin ako'ng nailalapat na lyrics. Kung anu-anong mga random na mga sentences lang ang naisusulat ko sa margins. Pagkatapos kasi ng one week na ito ay kailangan ko nang harapin ang pag-aaral ng bongga dahil midterms na. Graduating pa naman ako this year kaya ang mga petiks mode ay sobrang madalang.
"Nao, tara na. Naghihintay na sila." Pukaw sa akin ni Tricia, ang self-appointed manager ng bandang Wicked Notions na kasalukuyang gumagawa ng pangalan sa underground scene. Room mate ko din siya sa dati naming dorm.
Kasalukuyan ako'ng nasa loob ng Speech Lab dahil naghihintay ako'ng matapos ang band practice sa Music Room ng College of Music.
"Sige sunod na ako. Magliligpit lang ako."
"Bilisan mo. Bad trip ang alaga mo ngayon. Kailangan ko rin siyang makausap para sa University Day. Kapag ganyang may toyo na naman siya sa utak baka masinghalan lang ako nun at masapak ko na siya."
"Ano ba ang nangyari at wala na naman sa lugar ang matris ng lalaking iyon?" Abala naman ako sa pagliligpit habang nakikipagkuwentuhan. Simula nang ma-involve ako sa bandang Wicked Notions natuto ako ng multi-tasking.
"Babae ano pa. May iba pa bang problema si Cade bukod sa mga kalahi natin?" Natatawang pakli ni Tricia bago tuluyang lumabas ng silid. Napailing na lang ako habang inilalagay sa case ang gitarang regalo sa akin ng mga kapatid ko noong huli ako'ng mag-birthday.
***
"Ano'ng problema mo?" agad na tanong ko kay Cade nang madatnan ko siya sa parking lot ng St. Thaddeus University. Kasalukuyang nagkakarga ng mga gamit ang mga kabanda niya samantalang tila walang pakialam na nakasandal lang siya sa unahan ng van at nagsusunog ng sariling baga.
"Break na kami ni Amanda," walang paligoy-ligoy na saad niya.
"O? Pang-ilang break na ba 'yan? Magkakabalikan din kayo."
Umiling si Cade pagkatapos ay inapakan ang itinapong upos ng sigarilyo. Nang mag-angat siya ng tingin ay saktong humangin kaya nilipad ang buhok ko. Dahil hindi naman nakaipit ang buhok ko, nagmukha ako'ng bruha. Natatawang tinulungan niya ako'ng ayusin ang buhok ko.
"Your hair is always a mess."
"Tuloy parang gusto ko'ng magpakalbo," naiinis kong sabi sabay ipon ng sumabog kong buhok sa isang kamay at naghanap ng puwedeng ipangtali sa bag ko. Malas, wala ako'ng makita.
"Ako na," alok ni Cade. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa. Kahit hindi ko nakikita ay alam kong inipon niya ang buhok ko at inikot ng dalawang beses sa likod at pagkatapos ay tinusok niya ng drumsticks. Nang bitawan niya ang buhok ko ay isang maayos na bun ang nasa ulo ko.
"Wow! Ang galing!"
"Hindi man lang nagpasalamat. Tsk."
"Thank you."
Isang ngiti ang isinagot niya sa akin bago niya ako inakbayan para sabay na kaming pumasok sa van. Pagdating namin sa Alfredo's ay kanya-kanyang hanap ng puwesto ang magkakabanda. Doon ako tumuloy sa isang mesang nasa pinakasulok na bahagi ng lugar kung saan madalas ako'ng nakaupo kung hindi rin lang okupado gaya ngayon. Dito ko rin unang nakilala si Cade nang magpanagpo kami uli ni Tricia pagkatapos niyang lumipat ng dorm.