Finally, they have arrived. Sa kanilang pagdating ay agad silang dumiretso patungo sa puno na sinasabi ni Mayo. Hindi pa man sila nakakalayo mula sa dagat ay nagsimula nang gumalaw ang lupa. Lahat sila'y napahinto, nagulat, at hindi maintindihan kung ano'ng nangyayari.
"What's happening?" Tanong ni Van.
"I don't know either," sagot ni Mayo. "Para bang biglang nagising ang Socros. I wonder kung ano'ng nakapagising dito."
Humabol si Sora kay Mayo. "Ate, ayos ka lang?" Pag-aalala ng kapatid.
Tumango si Mayo. "Huwag kang mag-alala, ayos lang ako."
"May problema ba?" Hindi napigilang tanong ni Van.
Umiiling-iling si Mayo. "Wala. Deretso na tayo."
Nagpatuloy sila sa paglalakad patungo sa puno. Mas lalong lumakas ang paggalaw ng lupa, habang papalapit sa destinasyon ay palakas na palakas rin ang pagkilos ng mga puno, halaman, at bato sa paligid. Unti-unti na silang naaalarma dahil hindi nila maintindihan kung ano'ng nangyayari.
"It's the Socros, let's keep going." Sabi ni Mayo. "Nagigising ang Socros. Ang kailangan lang natin ay makarating sa puno. Bilisan na natin." Seryoso nitong sabi.
Halos tumakbo na sila patungo sa nasabing lugar dahil nagtutumbahan na ang mga puno sa kanilang likuran. Pinauna ni Celestial Beryl ang mga sirenang nag-anyong tao upang maging silbing bantay sa likod habang si Van naman ay nasa front line kasama ni Mayo.
Celestial Beryl activated her senses. Iyon lang ang bagay na nakuha niya ang pundasyon o kung pano ito gamitin dahil tila dumadaloy ito sa buong katawan at sinasabayan ng koneksyon ng isip. She connected her mind to her body to get full control of herself. She closed her eyes to concentrate, and when she opened her eyes, tila nagliliwanag na ang kaniyang mga mata at sobrang lakas na ng kaniyang pakiramdam.
"Watch out!" Babala nila, "maraming Abyssion sa paligid. Nagmamatyag, pwede silang umatake anumang oras."
"Copy that," tugon ni Van at nagpatuloy.
"Ayon!" Bulalas ni Mayo at itinuro ang nag-iisang puno sa gitna ng bilong na tubig. It looks like an oxbow lake at sa gitna niyon ay ang kakaibang puno na mukhang wisteria pero lily of the valley ang bulaklak, talagang kakaiba. "Sa wakas, nakita na natin!"
"Nasaan ang Socros? Ate, ano'ng ginagawa mo?" Tanong ni Sora nang biglang umapak si Mayo sa tubig.
Ganoon na lamang nagulat ang lahat. Van and Celestial Beryl immediately stood in their fighting stance. Tila nagwala ang paligid, ang tubig sa oxbow lake ay nagsimulang umalon ng malakas na parang tsunami sa gitna ng dagat. Nagsayawan na rin ang mga puno sa paligid dahil sa lakas ng hangin, at nagliparan ang mga batong nasa lupa.
"Brace yourselves!" Paalala ni Van. "The Socros is awake!"
Isang malakas na lindol ang nangyari at lumitaw mula sa tubig ang isang halimaw na ang katawan ay tubig din. Nagsimula na itong magwala, lahat sila'y tumilapon nang sugurin sila nito. Aatakihin na sana nito si Mayo ngunit simbilis ng kidlat si Van na kumilos at kinarga palayo ang Prinsesa sa lugar. Nakabalik na kay Van ang espada at wala na namang sandata si Celestial ngunit hindi ito naging hadlang upang tumunganga. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata at inalala kung paano gawin ni Damien ang abilidad nito.
Minsan niya na itong nakasama sa field at ginaya, bahagya niya ring natatandaan ang technique na ginawa nito. Halos dumugo na ang kanilang ilong dahil wala siyang matinong pundasyon, tanging ang malabong imahe lamang sa kaniyang isip ang nagsisilbi niyang gabay.
"Celestial, what are you doing?" Umalingawngaw ang tinig ni Van. "Umalis ka na riyan ngayon din!"
Ngunit hindi nakinig si Celestial. Pagbukas ng kaniyang mga mata ay unti-unti nang sumusunod sa paraang gusto niya ang mga ugat ng punong nasa paligid, maging ang mga batong patungo sa kanila ay unti-unting nag-iba ng direksyon katulad ng gusto niyang mangyari. Mas lalong lumakas ang pagbuhos ng dugo mula sa kaniyang ilong, nahihirapan talaga siya ngunit hindi siya huminto. Malaking pagsisisi talagang hindi siya nag-ensayo noon kasabay ng mga Maharlika, napuno siya ng yabang na kaya niya lang gumaya. Paano na nga lang ba kung wala na siyang gagayahin o hindi niya na ito maalala?

BINABASA MO ANG
LEGENDS: Mythical Glory (Season, #6)
FantasyAfter losing her memory to a curse, Celestial Beryl remains among the Royals in Eufrata as the Abyss hunts for the Prime Stones to grow its power. To defend their world, the Royals set out across Beryllus in a desperate quest to find the Stones firs...