Season 6 - Chapter 2: The Kingdom's Austere

518 23 3
                                    

The dusk is yet to come so the people in the town were once busy fixing their goods and stalls at the sidewalk. The buildings were still open as some of them works the whole day. But the small businesses were closing as there would probably be lesser or no people roaming around the town to buy.

She sat at the rooftop of the so called Lover's hotel which has 25 story. The building is really high but it doesn't matter. Wala siyang pakialam, hindi siya takot sa height. Sa totoo nga'y kayang-kaya niyang akyatin ang puno o bubong sa Palasyo ng sobrang bilis. Hindi niya rin alam kung bakit pero parang natural na ito sa kaniya.

Wala siyang idea kung bakit dahil wala siyang alaala. Kung naaksidente ba s'ya o ano. Wala rin kasing nagsasabi sa kaniya, tila ba ito'y isang napaka maselan na topic sa palasyo. She has no memories, so everyday, she lives asking herself; "who is she?"

Wala siyang ala-ala ngunit tila natural na o likas na sa kaniya ang kumilos ng mabilis na higit sa normal na tao. Siguro'y dahil ang mga kasama niya sa palasyo ay ganoon kaya nahahawa na lang siya. O kaya naman ay ganito na siya noon, nawala lang sa kaniyang ala-ala.

Mahirap mamuhay araw-araw na walang maalala. Ni hindi niya nga kilala ang mga Maharlika sa palasyo. She knows them by name because she hears it everyday, but she has no memories of them; of anything and that really sucks. Kung amnesia man ito, anong klase at sobrang lala naman yata.

She was staring at one of the stall when she noticed something. Hindi naisara ng tindera ang gas. Naiisip niya pa lang na pwede itong lumikha ng sunog ay nagkatotoo nga. Dahil sa isang pikit-mata lamang ay nag-apoy ang stall na iyon at mabilis na nadamay ang mga katabi nitong stalls.

Ganoon na lamang kabilis na kumalat ang apoy, nagsitakbuhan at nagsisigawan ang mga tao. The vendor's area is now a burning part of the town. Wala siyang ginawa kung hindi ang manuod. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa halip na umalis o humingi ng tulong mula sa palasyo dahil mabilis naman siya ay nanatili lamang siya doon upang manuod.

Fuck this attitude, where did she get this? Hindi naman ganito ang mga Maharlika. In fact, kapag may nangangailangan ay todo aksyon agad ang mga ito na kabaliktaran niya. Dahil nabubuhay lamang siya kapag may gulong nagaganap.

Tumalon siya mula sa tuktok ng building at matunog siyang bumagsak sa hardin ng hotel. Nagkalat ang alikabok na kaniyang nilikha. Mabuti na lamang at walang nakapansin sa kaniya dahil busy ang lahat sa pagtakbo patungo sa may sunog.

"Magians! Magians!" Sigawan ng mga tao.

Ilang sandali lamang ay nagsidatingan na ang mga rescue galing sa palasyo. May mga import ang Eufrata galing sa Kaharian ng Alemanya; ang kaharian ng mga elementalists dahil napangasawa ng isang Prinsipe ng Eufrata; si Prinsipe Zandrus ang tagapagmana ng trono ng Alemanya. So Eufrata and Alemanya now is in good terms.

Isang babae ang nagbuga ng tubig mula sa kaniyang kamay, at ganoon na rin ang ginawa ng ilan kaya mabilis na natupok ang apoy at hindi tuluyang nasira ang mga stalls.

"Iba talagang kumilos ang Palasyo," a random person said and everyone agreed.

Hindi rin niya iyon maikakaila, ilang beses na siyang witness kung gaano kabilis umakto ang Palasyo ngayon dahil na rin sa kabataang Maharlika na nagpapanatili ng kaayusan.

"Excuse me! Excuse me!" Sigaw ng ilang grupo ng mga taong may bitbit na fire extinguisher. Ano'ng gagawin nila doon?

Huli na upang makailag siya dahil malakas siyang nabangga ng isang malaking lalaki. Ganoon na lamang siya tumilapon sa isang maruming tubig, nabasa pa ang kaniyang damit na ninakaw niya lang mula sa Prinsesa. Mabilis siyang tumayo at inayos ang sarili, biglang namuo ang isang nakakakilabot na senaryo sa kaniyang isip; bigla ay gusto niyang pumaslang.

LEGENDS: Mythical Glory (Season, #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon