Season 6 - Chapter 19: Condition

291 14 0
                                    

Sa loob ng malawak at mabigat na bulwagan sa palasyo, nagmistulang tahimik na digmaan ang nagaganap sa pagitan nina Elysian, ang Prinsesa ng Eufrata, at ni Chrys, ang Alpha. Ang kanilang pag-uusap ay hindi basta diplomatikong usapan; ito'y labanan ng karunungan, lakas, at kahandaan. Sa gitna ng tensyon, tilay may nagliliyab ang apoy sa paligid, sumasalamin sa pagkadismaya ni Chrys.

"Hindi naman ito para sa amin lamang, Alpha," sabi ni Elysian, pilit na tinatago ang pag-aalinlangan sa kanyang boses. Sa ilalim ng malamlam na liwanag ng sulo, makikita ang determinasyon sa kanyang mga mata. "Ang bato ay mahalaga para sa buong Beryllus. Pakiusap, sana naman ay naiintindihan mo. The Abyss is doing their best to complete the stones, at kailangan namin silang maunahan para mapigilan ang kapahamakan."

Tahimik na tinitigan siya ni Chrys. Sa kanyang mataas na trono, ang kanyang presensya ay tila nakakapagpatigil ng oras. Ang kanyang mga mata ay kulay bughaw, animo'y umaalon sa ilalim ng dilim. "Ano ang pwede niyong maibigay sa akin kapalit ng batong hiyas?" Tanong niya, ang bawat salita ay parang hamon.

Nag-atubili si Elysian, ngunit hindi siya umatras. "Name your prize, Alpha," aniya. "The kingdom of Eufrata will do its best to provide it to you."

Tumawa nang mahina si Chrys, ang kanyang tinig ay puno ng kumpiyansa. "I have everything already. But I only want one thing."

Napakunot-noo si Elysian. "Ano iyon?" Tanong niya, may bahid ng alinlangan sa kanyang tinig.

Humilig si Chrys pasulong, ang kanyang tingin ay mas naging mapanukso. "That girl," aniya, halos pabulong. "I want her to be my mate. Give her to me, in exchange for the stone. What was her name again? Ah, Celestial Beryl."

Natigilan si Elysian. Halata ang bigat ng kanyang iniisip, ngunit hindi niya hinayaang magpakita ng kahinaan. "That will be hard," sagot niya nang mabagal.

"Imposible pa nga," dagdag ni Damon na kanina pa tahimik na nakikinig sa usapan.

Ngumisi si Chrys, tila nasisiyahan sa kanilang pag-aalinlangan. "Kung ganoon," sabi niya nang malamig, "hindi ko ibibigay sa inyo ang batong hiyas."

Biglang bumukas ang pinto ng bulwagan, at isang kabalyero ang nagmamadaling pumasok. Bakas sa kanyang mukha ang takot, at halos hindi niya maituloy ang kanyang sasabihin.

"Alpha-" tawag ng kabalyero, nanginginig ang boses.

Lumingon si Chrys, halatang iritado. "What now?" tanong niya, ang kanyang boses ay puno ng inip.

"Ang binibini..." Simula pa lang ng ulat ng kabalyero ay nagbago na ang ekspresyon ni Chrys. Ang kanyang galit ay mabilis na sumiklab, tulad ng apoy na pinapalakas ng hangin.

"Fucking what?" Singhal niya, ang kanyang mga mata ay bumangis.

"Umalis po ang binibini upang hanapin ang nawawala niyang kasama," paliwanag ng kabalyero, halos hindi na makahinga sa kaba. "Nangako siyang babalik agad kapag nahanap niya ito. Patawad po, masyado siyang malakas at hindi namin siya napigilan. Mabilis rin pong sumunod iyong isang lalaki."

"Fucking hell-" mura ni Chrys habang tumayo mula sa kanyang trono, ang kanyang presensya ay tila bumigat pa.

"Pero nangako po siyang babalik," dagdag ng kabalyero, na tila umaasang maibsan ang galit ng Alpha.

"What the fuck? Are you an idiot?" Singhal muli ni Chrys, at ang kanyang boses ay nagpalamig sa buong bulwagan.

Habang iniipon ni Chrys ang kanyang lakas, tumayo si Elysian mula sa kanyang kinauupuan. "Saan ka pupunta?" tanong niya, sinusubukang pigilan ang Alpha.

"Susundan ko ang matigas ang ulong babaeng iyon," sagot ni Chrys, ang kanyang boses ay puno ng pangako ng pagkastigo. "At sisiguraduhin kong matututo siya ng leksyon."

Walang sino man ang naglakas-loob na humarang sa kanya habang tumalikod siya at mabilis na lumabas ng bulwagan, ang kanyang mga yapak ay kumakalampag sa malamig na sahig ng bato. Mabilis namang sumunod ang mga Maharlikang mula pa sa Eufrata.

---◻️---

Madilim ang kalangitan nang marating ni Celestial Beryl ang tribo ng mga taong dumakip sa kaniya. Ang hamog ay bumalot sa kapaligiran, at ang malamig na hangin ay tila pinipigil ang kanyang bawat hakbang. Ngunit hindi siya nagpatinag. Sa kabila ng pagod at gulo sa kanyang isipan, determinadong hahanapin niya si Van.

Ang matigas niyang ekspresyon ay hindi maitatago ang bahagyang pagngitngit sa kanyang dibdib. Bakit nga ba kinailangan pang guluhin ni Damien ang sitwasyon sa pamamagitan ng halik? Now she need to leave to get some fresh air at naisipan niyang hanapin na lang ang Prinsipe. A sudden confession, how was she supposed to react? Hindi niya ito maunawaan, at lalong ayaw niyang isipin iyon sa ngayon. May mas mahalaga siyang kailangang gawin.

Pagkarating niya sa entrada ng tribo, napansin niya agad ang pagkapahiya at takot sa mga mukha ng mga tao. Ang kanilang pagtingin sa kanya ay puno ng kaba, na parang isang multo ang muling bumalik mula sa nakaraan. Tumigil siya sa gitna ng kanilang kampo at huminga nang malalim.

"Ice?" Tawag niya, ang kanyang boses ay malamig ngunit mariin.

Mula sa isang tolda ay lumabas ang prinsesa ng tribo, si Ice. Ang kanyang mahinahong presensya ay parang saglit na pumawi sa tensyon, ngunit hindi para kay Celestial.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ni Ice, halatang nagulat sa biglang pagbisita ni Celestial.

"Nasaan ang kasama ko?" tanong ni Celestial nang walang paligoy-ligoy.

Nagkatinginan ang mga tao sa paligid. "Kasama mo?" sagot ni Ice, pilit na pinapakalma ang kanyang tinig.

"Alam kong alam niyong hindi ako nag-iisa nang mahuli niyo ako," ani Celestial, nag-aalab ang mga mata. "Saan niyo dinala ang isa kong kasama?"

"Wala akong alam-"

Hindi na hinayaan ni Celestial na matapos ang sagot ni Ice. Mabilis niyang inilabas ang kanyang patalim mula sa sinturon, at ang talim nito ay kumislap sa ilalim ng mahinang liwanag. Tumigil ang lahat ng naroroon sa kanilang ginagawa, nagulat sa kanyang galaw.

"Sasabihin mo ba sa akin," banta niya, ang kanyang tinig ay puno ng determinasyon, "o susunugin ko ang inyong tribo?"

"Binibini, huwag!" Sigaw ng isang lalaki na lumapit mula sa gilid, mukhang takot ngunit determinado ring magpaliwanag. "Dinala kanina lamang ng matatanda sa tribo ang ginoo upang ialay sa Placatory Sea."

Halos sumabog ang galit ni Celestial sa narinig. "Putangina!" sigaw niya, halos mabaliw sa galit. "Ano'ng problema niyo at napakahilig niyong mag-alay ng tao? Ikaw!" itinuro niya ang lalaki. "Ituro mo sa akin kung saan sila dumaan."

Sumingit si Ice, harang ang kanyang katawan sa direksyon ni Celestial. "Hindi mo pwedeng gawin iyan!" aniya, halos sumisigaw. "Hindi ka pwedeng sumunod! Hindi ka pwedeng malayo sa Alpha, hindi mo gugustuhin ang mangyayari!"

Napangisi si Celestial, ngunit halatang mapanganib ang anyo niya. "Wala kayong magagawa," sagot niya. "Kung sana'y hindi niyo pinakialaman ang kasama ko'y hindi tayo aabot sa ganito."

"Huwag kang magpadalos-dalos, binibini!" babala ni Ice.

"Huwag mo akong pigilan," tugon ni Celestial, ang kanyang tingin ay parang matalim na punyal. "I'm all good now. Try me. And let me get that damn thing, it's too important for me para mawala." Dagdag niya at mabilis na kinuha ang mapa na bitbit ni Ice. Siguro'y inaaral ng mga ito ang mapa. We'll, too bad, that map is exclusive and only for them.

Nagmistulang tumigil ang mundo ng tribo habang humakbang si Celestial palayo, dala ang kanyang galit at determinasyon. Hindi siya kailangan ng mga Maharlika, ngunit kailangan nila si Van. Kailangang mahanap niya ito ng buhay at maibalik nang maayos-anumang halaga ang kapalit.

LEGENDS: Mythical Glory (Season, #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon