Season 6 - Chapter 21: Darkness

266 10 2
                                    

Nakaramdaman ng pagod si Celestial. Hindi siya sanay sa ganoong lamig at lalong hindi siya sanay sa ganoong kasuotan, mabuti na lamang at nakuha niya ang makapal na kapa ni Ice bago siya umalis, kahit papaano ay nakatulong iyon sa kaniya. Malapit nang sumapit ang liwanag kaya naman higit ang lamig ng panahon lalo pa't nasa dalampasigan na s'ya.

Kanina pa siya nakakaramdam ng kakaiba, para bang may nakasunod sa kaniya. Nasundan ba s'ya ng alpha? Malakas ang pang amoy ng isang 'yon, siguradong matutunton siya ni Chrys. Walang sinyales ni Van sa lugar, maging ang presensya niya'y hindi niya maramdaman. Paano niya mahahanp ang isang 'yon?

Ilang sandali pa ay nakarinig na siya ng kaluskos. Inihanda niya ang kaniyang sarili, hindi na siya pwedeng magpahuli katulad ng dati. Mabuti na rin ang kaniyang pakiramdam kaya makakasabay na s'ya sa anumang laban. Wala man lang ni isang bangka sa lugar, tama ba ang itinuro ng lalaking nasa tribo? Kapag nalaman niya lang talagang niloko siya ng isang 'yon babalatan niya iyon ng buhay pagbalik niya.

Hindi pa siya tapos magmuni-muni nang makarinig siya ng tunog ng isang barko.

"Fuck!" Mura niya, nasa unahan pa iyon! At iyon na lang ang nag-iisang barko na papunta sa dagat, siguradong doon isinakay si Van kung sakali.

She felt like an expert as she traipsed the dark and cold woods. Nakakakilabot ngunit parang muscle memory ang nangyayari sa kaniya. Mabilis siyang tumatakbo sa kalagitnaan ng madilim na kakahuyan habang umuulan ng nyebe. She lost her memories, hindi niya maalala kung ano'ng klaseng training ang ginawa niya noon, ngunit siguro'y malaking tulong iyon kaya hindi na siya nahihirapan ngayon.

"Oh shit!" Sigaw niya nang matumba ang isang kahoy sa kaniyang harapan. Mabuti na lamang at mabilis siyang nakatalon sa isang puno at nakailag, ngunit ganoon din ang nangyari sa punong kaniyang tinalunan, unti-unti rin iyong naputol kaya kinailangan niyang lumipat.

Someone is controlling the trees! Hindi niya matukoy kung sino ngunit sigurado siyang nasa dilim iyon. Ramdam niya ang lakas ng nilalang sa dilim, malamang ay nagtatago iyon sa anino ng gubat.

"Show yourself!" Hamon niya habang patuloy na tumatalon sa mga sanga ng puno. Kung tatakbo siya sa lupa ay mahihirapan siya dahil kumakapal na ang mga yelo doon dahil hindi nahihinto ang pag-ulan ng nyebe, hindi siya makakakilos ng maayos.

Inihanda niya ang kaniyang espada. She redeemed everything in the tribe except her cape and clothes. Nakuha niyang muli ang mapa, at ang kaniyang espada. Ngayon ay malaya na siyang makakahampas ng mga kaaway.

Kada lipat niya sa mga puno ay may aninong umaatake sa kaniya. It's either nababali ang mga sanga, o hinahampas siya ng mga dahon. Pinakiramdaman niyang maigi ang lugar. With her senses, she tried to search for the presence or aura of the host. She used her strength to gain her concentration with her eyes closed. And when she opened her eyes, tila nagliwanag ang kaniyang mga matang hindi pantay ang kulay. The gold and aquamarine were emphasized especially in the middle of the dark forest.

Mas malakas na rin ang kaniyang pakiramdam at mabilis niyang natukoy kung saan nanggagaling ang presensya. There were two of them, ngunit isa lang ang nasa malapit. Napangisi siya nang maramdaman ang pag atake nito sa kaniya. She immediately dodged the attack at mukhang nagulat ang anino. It's probably wondering how she dodged it. Well, thanks to her enhanced senses, nakalamang na naman s'ya.

She concentrated until she found the shadow once again. At hindi niya na iyon pinalampas, siya na mismo ang sumugod sa anino at pinaghahampas ito sa ere. They're now jumping from branches to branches, at kada talon sa ere ay hinahampas niya iyon ngunit mabilis itong nawawala na parang usok.

"I have no fucking time for you," sabi niya at mabilis na nag-iba ng direksyon. She moved fast para maabutan ang barkong papalayo.

Ngunit isang malakas na katawan ang bumangga sa kaniya dahilan para tuluyan siyang mahulog sa nyebe.

"Damn! Fuck! Where have you been? What are you doing?" Ani Chrys na kulang na lang ay mabaliw. "Hindi ko palalampasin ang ginawa mong 'to!"

"Get off! I need to catch that ship!" Sabi ni Celestial ngunit hindi siya pinakawalan ng alpha.

"Your eyes, what's wrong with your eyes?" Naguguluhan nitong tanong ngunit hindi mapigilang mapatitig ng malalim sa kaniyang mga mata.

What's wrong with her eyes?

"Get off her!" Sabi naman ni Damien at marahas siyang inagawa sa alpha. "Don't fucking hug her like that!"

"Fucking let go!" Banta ni Chrys. "She is mine, I am her alpha. Respect it, you're in my land, loser."

Damien scoffed. "You think I'm scared? She's been with me before you met her so fuck off!"

"All of you, stop! Will you stop fighting, it's not helping! Hindi kayo nakakatulong sa sitwasyon." Umalingawngaw ang tinig ni Elysian mula sa likuran. "It's the last ship, we need to catch it! Naroroon si Van!" Paalala ng Prinsesa.

"Let's go!" Pangunguna ni Damon.

Ngunit bago pa man sila muling makakilos ay binalot sila ng dilim. Paumaga na, kaya dapat ay maliwanag na dahil pasikat na dapat ang araw. Pero bakit sila binabalot ng dilim? Tila kinain ng kadiliman ang gubat, mas lalong lumamig ang paligid.

"Tangina ang gulo ng nangyayari, teka lang—" mura ni Elysian, halatang naputol na rin ang pasensya. "Ano'ng nangyayari?"

"Woah! What the fuck is happening?" Ani Damon at lumingon kay Celestial. "What are you doing?"

Umiiling-iling si Celestial habang nanlalaki ang mga mata. "It's not me!"

Lumingon silang lahat sa alpha. "It's not me either! You think I can do some dark magic or something?" Bulyaw nito.

Lahat ay muling napalingon Kay Celestial, napaatras naman s'ya dahil sa mga mapanuri nitong tingin. Nakakapikon, tuwing may hindi magandang nangyayari bakit siya agad ang salarin?

"Celestial Beryl, what are you doing?" Tanong ni Elysian.

"Tingin mo kaya ko 'tong gawin?" Hamon niya sa Prinsesa. "Sabi ko nang hindi ako eh!"

Sumingit na si Damien. "A dimension, as far sa I remember ganito ang dimension na ginawa noon ng Prinsipe ng Abyss."

"What does it mean?" Tanong ni Chrys.

"It's a powerful Abyssal creature! It might be the prince of the dark!" Bulalas ni Elysian. "He's here! Be mindful, be careful! Naririto ang Prinsipe ng Abyss at nasa loob tayo ng kaniyang dimensyon!"

"What the fuck—" mura ni Chrys.

"No way, what's happening? How about Van?" Tanong ni Damon.

"Fucking hell, it's that damn Prince again! I knew it! It's the prince of the Abyss!" Iritadong sabi ni Damien habang lumilingon sa paligid.

"Who?" Celestial Beryl asked in curiosity. "Who is the Prince of the Abyss?"

LEGENDS: Mythical Glory (Season, #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon