Season 6 - Chapter 14: Boundary

352 12 0
                                    

It took them three more days bago sila nakarating sa boundary ng Mermayde at Southern Iceousland at gabi na nang sila'y makarating. Ibang-iba ang klima sa pagitan ng dalawang lugar, malamig lamang sa Mermayde ngunit hindi ito eksaktong frozen. Kapag umapak ka na sa lupain ng South ay higit ang lamig dahil umuulan ng nyebe at frozen na ang lugar.

"We're not prepared for this," sabi ni Celestial nang makaramdam ng lamig. Hindi talaga ito inaasahan ni Celestial, hindi sapat ang kaniyang damit at kapa upang maibsan ang lamig. It's too cold, kasalungat ng klima sa Eufrata. How do people survive in the North and South with a climate like this?

"We are." Sabi ni Van ngunit agad ring nahinto. "We were. Kaso nasira ang karwahe natin at wala tayong naisalbang mga damit. Mabuti na lang at nakuha natin ang mapa." Dagdag nito.

Napairap si Celestial. Paano na sila ngayon? Hindi talaga siya handa sa lugar. Kung sa Mermayde ay kaya niya pang isawalang bahala ang sakit ng kaniyang katawan, sa Southern Iceousland naman ay tila ginigising ang kaniyang mga sugat. Hindi pa siya lubos na naghihilom.

"Hanggang dito na lang kami," paalam ni Sora. "Hindi na namin mapapasok ang lugar ng mga taong lobo. Pasensya na, sana ay nakatulong ako kahit papaano."

"Maraming salamat sa inyong serbisyo, Sora. Alam kong nagluluksa at nagdadalamhati pa kayo ngunit pinili niyo pa ring ihatid kami," sabi ni Van at yumuko bilang pag-galang. "Gagawin namin ang lahat para hindi masayang ang sakripisyo ni Mayo, sisiguraduhin kong malalagay sa mabuting kamay ang mga hiyas."

Ngumiti na lamang si Sora. "Maraming salamat, mahal na Prinsipe. Mag iingat kayo sa inyong paglalakbay. Babalik na kami sa Mermayde, gagawan ko ng estatwa ang ate."

Umalis na ang mga sirena at naiwan ang dalawa sa boundary mismo ng Mermayde at Southern Iceousland. They don't know what to do, even Giovanni. Sila na lang dalawa, hindi nila alam kung nakasunod ba ang mga kasama nila. Hindi rin sigurado si Van kung nakuha ng mga ito ang signal niya. Napakabilis ng mga pangyayari, natalo nila ang Socros at nakuha ang kalahating bato. Ngunit kalahati nga lamang ang napunta sa kanila, they still need to work on the other half of the hydor stone at alam nilang mahihirapan sila sa kamay ng Alpha.

"What do we do now?" Celestial asked. "We don't even know who the Alpha is, how he look like. Tingin ko ay mukha na iyong matanda at nabubulok na ang katawan."

"For now, let's find a place to stay. Bibili tayo ng makapal na damit dahil hindi sapat ang mga kapa natin sa ganitong lamig. Imposible namang walang bahay sa lugar na 'to." Ani Van at nagsimula nang maglakad sa tahimik at madilim na gabi. Tanging ang liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing gabay sa dalawa upang maghanap ng matutuluyan.

Walang nagawa si Celestial kung hindi ang sumunod. Hindi pa siya nakaka recover. Masakit pa rin ang kaniyang katawan matapos kalabanin ang Socros. Bilib na bilib si Celestial sa Prinsipe, tila hindi ito napapagod. Sa gitna ng madilim at malamig na gabi ay hindi ito humihinto sa paghahanap ng kanilang matutuluyan. He's leading her gently, wala siyang naririnig na reklamo mula rito. Green flag.

"Wait," ani Van at sandaling huminto. "Tama ba ang nakikita ko?" Sabi nito habang nakatitig sa isang lugar.

Ganoon na lamang nagliwanag ang mga mata ni Celestial nang makakita ng usok. They finally found a place to stay! That's definitely a smoke, ibig sabihin lamang ay may malapit na bahay sa lugar na iyon. Medyo mahaba-haba pang paglalakbay iyon sa malamig at madilim na gabi ngunit titiisin para lamang sa kanilang pahinga. Halos wala silang maayos na pahinga simula nang umalis sila sa Eufrata.

"We need to move fast," sabi ni Van at maigi namang sumunod si Celestial kahit na lumulubog na ang kaniyang mga paa sa nyebe. Napansin yata ni Van na hindi gaanong makasunod si Celestial kaya huminto ito upang hintayin siya.

"Are you tired?" He asked. "Kaya mo pa ba?"

Hindi sumagot si Celestial. Nagbuntong hininga ang Prinsipe at mabilis na lumapit sa kaniya.

"You're probably tired. Sumuka ka ng dugo, sigurado akong hindi ka pa nakaka-recover. Come on little girl, sakay ka na sa likod ko." Malambot nitong sabi.

"Kaya ko pa," matigas na sagot ni Celestial. "At ano'ng little girl? Don't underestimate me-"

Napasigaw si Celestial nang bigla siyang kargahin ng Prinsipe. "Come on, halata namang kaunti na lang ay patumba ka na. Kaya ka nalalagay sa bingit ng kamatayan dahil sa tigas ng ulo mo."

Hindi na nagreklamo pa si Celestial at hinayaan ang Prinsipe na maglakbay habang karga karga siya. Hindi niya rin maunawaan ngunit pakiramdam niya'y ligtas siya nang mga oras na 'yon, pwede na nga siyang matulog. Biglang bumagsak sa kaniya ang pagod na pilit niyang iniinda. Giovanni, the prince feels like a brother to her. At nararamdaman niya ring bunso ang trato nito sa kaniya. She's not awkward at all, her heart doesn't skip at all, but her blood does. It's weird.

Tuluyan na silang nakarating sa lugar at hindi nga sila nagkamali. Isa itong bahay, ngunit hindi sila sigurado kung ano'ng klaseng bahay ito.

"We're here," sabi ni Van at marahan siyang ibinaba. "Listen, ako muna ang papasok. I need to check if the place is safe for you to enter, okay? Stay here, kahit na ano'ng mangyari ay huwag kang aalis at lalayo sa akin, naiintindihan mo? Kahit na ano'ng mangyari, kahit na ano'ng marinig mo, hangga't hindi ako lumalabas ay hindi ka papasok, naiintindihan mo? Gamitin mo muna ang kapa ko para mabawasan ang lamig." Paalala ng Prinsipe at isinuot sa kaniya ang kapa nito kahit na mayroon naman siyang kapa. Si Van na tuloy ang wala.

Parang batang tumango si Celestial. Nagsimula nang maglakad si Van papasok sa bahay habang siya ay naiwan sa labas. Marahang pumasok ang Prinsipe, inihanda niya ang kaniyang sarili dahil baka may biglang umatake sa kaniya habang nasa loob si Van. Ilang minuto lamang ay biglang kumalampag sa loob ng bahay, parang may hindi inaasahang pangyayari. Ganoon na lamang naalarma si Celestial, nagsimula na siyang humakbang papasok sa loob ngunit naalala niya ang sinabi ni Van.

Hindi siya pwedeng pumasok hangga't hindi lumalabas ang Prinsipe! Ngunit hindi niya maiwasang mag alala lalo pa at ilang minuto na ang nakalipas matapos ang kalampag na 'yon ay hindi pa rin lumalabas si Van.

"Van?" Celestial started panicking. Mukhang hindi nga talaga maganda ang nangyayari sa loob. There's no sign of Van. She's overthinking, what if pinagkaisahan ang Prinsipe sa loob? What if he was ambushed? What if he was trapped? He probably needs help.

She was about to run papasok sa loob ng bahay nang maramdaman niya ang isang palaso na tumama sa kaniyang likuran. Mabilis siyang napahinto, naramdaman niya ang pagdaloy ng sakit sa kaniyang buong katawan. She couldn't even make a sound, the pain is unbearable at sumasabay pa ang pagod niya dahil hindi pa siya gaanong nakaka recover.

Oh gosh, is she in deep trouble? She can't scream for help, para siyang na-paralyzed matapos tamaan ng palasong 'yon. Hindi siya makagalaw, naramdaman niya na lamang ang kaniyang katawan na unti-unting bumabagsak. There's no sign of Van stepping out of the house, if Van is in trouble, she can't help him because she's also in deep trouble.

A few minutes after she fell to the ground, she heard footsteps. Her eyes roamed around and her tears fell when she realized her situation. A group of people were surrounding her, each of them we're holding torches.

Susunugin ba siya ng mga ito? They're coming for her on her peripheral vision, and the worst thing is she couldn't do anything to save herself because she's paralyzed. She couldn't move at all. Before her eyes closed shut, she felt a striking pain on her stomach. She needs help.

"Van..."

LEGENDS: Mythical Glory (Season, #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon