Season 6 - Chapter 22: Dimension

266 11 0
                                    

Tuluyan nang sumikat ang araw ngunit madilim pa rin ang paligid ng mga maharlika dahil nasa ilalim sila ng isang dimension na kontrolado ni Obsidian, isa ring maharlika sa Abyss. Prente itong nakatayo sa sanga ng isang puno habang pinagmamasdan ang mga kaaway na nahihirapan. Ngunit sa tabi nito ay naroroon ang Prinsipe ng Abyss na halata mong hindi natutuwa.

"What the hell are you doing, Obsidian?" Chalcedony asked, annoyance is evident in his voice. He sent some of his powers to lessen the pressure in Obsidian's dimension.

"Why are you stopping me, Chalcedony? Ano'ng mayroon at parang palagi kang kontra kapag may ginagawa ako sa mga maharlikang iyan?" Nang-aasar na tanong ni Obsidian, ngunit halata mong maging ito'y naiinis na rin.

"Wala akong pakialam sa kanila." Sagot ni Chalcedony.

Sandaling natigilan si Obsidian at napalingon sa Prinsipe ng Abyss. "Don't tell me- you like that girl who is now considered a traitor to the Abyss? Boy, you're putting yourself in a situation that would drown you. Remember, she is your eternal fall." Mariin nitong paalala.

Hindi sumagot si Chalcedony, nakatingin lamang ito kay Celestial Beryl habang tahimik na ginagamit ang kaniyang kapangyarihan upang kontrahin ang kapangyarihan ni Obsidian.

Halatang hindi natuwa si Obsidian sa aksyon ni Chalcedony. "Fucking hell, so I am right. Gusto mo nga ang babaeng 'yon?"

"Shut the fuck up!" Iritadong sagot ni Chalcedony.

"Get to your senses, Chalcedony! The Queen herself ordered you to kill her! She'll be the greatest traitor of the Abyss, you have to prepare yourself for that. No, actually, she is currently a traitor to the Abyss." Mariing sabi ni Obsidian, bawat bigkas ng salita ay nagpapaalala sa Prinsipe.

"I don't-"

"You don't like her? Then, shall I kill her?" Obsidian said and smirked.

"Fucking no." Matigas ding sabi ni Chalcedony.

Ganoon na lamang kabilis na nilakasan ni Obsidian ang kaniyang dimension dahilan upang maipit sa mabigat na pressure ang mga maharlika. Gumawa pa ito ng portal upang makapasok ang mga Abyssinian sa dimension at pahirapan ang mga maharlika. Ngunit mabilis ring isinara ni Chalcedony ang mga portal na nagbubukas.

Humalakhak si Obsidian, may bahid na inis at pagbabanta sa tinig nito. "Why can't I?"

Matalim na bumaling si Chalcedony. "Because I am the only one allowed to kill her. She's not even allowed to kill herself, ako lang ang pwede. Kaya wala kang karapatang saktan siya, Obsidian, o makakalaban mo ako."

Natigilan naman si Obsidian, nahinto na ang paglitawan ng mga portal na naglalabas ng mga Abyssinian. Chalcedony's eyes became saturated, indicating that he's annoyed. He remembered during that fall when Celestial's mom died and she tried to kill herself but he did not allow her. That's because he's the only allowed to kill her no matter what.

"I'm confused, hindi na yata kita maintindihan." Natatawang sabi ni Obsidian, ngunit kalaunan ay sumeryoso ito. "But remember this, Prince. You are next to the throne, wala kang karapatang umibig. Kaya anuman ang nararamdaman mo ngayon, mas mabuting itigil mo na. You're not born to be fooled by treacherous love, you are born to conquer the world. Kill that woman and get that fucking throne. Let the Abyss rule, Chalcedony."

Ganoon na lamang kabilis na pumasok sa isipan ni Chalcedony ang mga sinabi sa kaniya ng ina. The flashback came rushing in his memory causing him to flinch.

When he got dragged back to the Abyss, hindi maganda ang pagsalubong sa kaniya lalo na ng Reyna. Halatang hindi ito natutuwa sa kaniyang presensya.

"Nasaan ang libro?" Umalingawngaw ang tinig ng Reyna, ang lahat ng naroroon ay tuluyang nanghina sa takot maliban kay Chalcedony. Wala sa vocabulary niya ang takot, maging ang Reyna man ang nasa harap niya. "Kaya pala hindi ka na nakakabalik ay dahil sa babaeng 'yon?"

"Your majesty, like I told you, we were forced to join the royals so we were not able to roam around the Palace to find the book." Sagot ni Chalcedony habang nakaluhod sa harap ng kaniyang ina. "And please don't drag her into this. I already lost her, she has been captured."

The ambiance became heavy, lumakas ang hangin sa paligid at sunod-sunod ang pagkulog at kidlat sa kalangitan. Nagsimula na ring magsiliparan ang mga bagay sa paligid. It's really her, the Queen of the Abyss, everyone's nightmare

"You did not train your whole life just to fail like this, Chalcedony Magnus!" Sigaw nito kasabay ang pagdagundong ng kalangitan. "You have fallen! After you confessed to that damn girl, you have met your eternal fall! Wala kang karapatang umibig, tandaan mo 'yan. Ipinanganak ka para sa trono, hindi ka pwedeng magmahal!"

That's it, she's mad. She only say his full name whenever she is mad. Napahawak si Chalcedony sa kaniyang espada ng mahigpit.

"I did not fail, your majesty. My mission is not yet finished." Sabi niya. "I am still going back."

Mas lalong lumakas ang hangin sa paligid at ang pagdagundong ng kalangitan. "Excuses! I do not want your excuses!" The Queen yelled.

"Babalik pa ako sa Eufrata, hindi pa ako tapos sa aking misyon." Sabi ni Chalcedony. "She'll wake up soon."

"So what?"

So what? Ganoon na lamang namuo ang galit sa puso ni Chalcedony. Wala talaga siyang ibang ala-ala sa kaniyang ina kundi sama ng loob at poot.

"She's nothing anyway! Wala akong pakialam sa kasama mo, ang kailangan ko ay ang libro. Forget that woman, and get that damn book. Take Obsidian with you!" Malakas na utos ng Reyna. Mabilis namang lumabas si Obsidian mula sa dilim bilang pagsunod sa kagustuhan ng Reyna.

"From now on, I am banishing you in the Abyss, Chalcedony Magnus. And you're not allowed to go back here unless you have the book with you." Mariin at matigas na sabi ng Reyna.

Walang pasabing tumayo si Chalcedony at tumalikod. Ngunit bago pa siya makaalis ay muling nagsalita ang Reyna.

"I am not yet done so don't you turn your back on me." Sabi nito kasabay ang tila pagwawala ng langit. "This is an order from the Queen of the Abyss and you're not allowed to go against it, you are forced to do this no matter what. Kill that human, Chalcedony. Kill your comrade. In order for you to get the throne, you must bring me the book, and the head of Celestial Beryl."

Umalingawngaw sa tainga ni Chalcedony ang mga salitang 'yon. And until now, it hunts him so bad.

"What now, banished Prince?"

Tila bumalik siya sa kasalukuyan matapos ang mga ala-alang iyon. Marami nang patay na katawan sa dimension ni Obsidian at halatang pagod na rin ang mga maharlika. Mas lalong lumalala ang dimensyon at gumagawa pa si Obsidian ng portal para dalhin sila sa gitna ng karagatan. Obsidian was creating a portal to drown them. But Chalcedony tried to stop the portal making Obsidian mad.

"What the hell are you doing?" Sigaw ni Obsidian. "Are you against me now?"

"Fucking hell!" Mura ni Chalcedony at gumawa rin ng portal upang paalisin si Obsidian.

"Chalcedony, the Queen will hear about this." Banta ni Obsidian.

Ganoon na lamang umilaw ang nakakatakot niyang mga mata. "I don't fucking care, leave!"

Pagkasabi noon ay nilamon ng portal ni Chalcedony si Obsidian. But before Obsidian disappeared, the man also created a portal to send Chalcedony to the royals. Nilamon ng kadiliman si Chalcedony, ngunit nang tuluyang naglaho si Obsidian ay naglaho na rin ang dimension. At sabay-sabay silang bumagsak sa tubig. Nasa gitna sila ng karagatan, it's the Placatory Ocean, where the largest monsters in ocean live.

LEGENDS: Mythical Glory (Season, #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon