Season 6 - Chapter 20: Scent

271 11 0
                                    

The alpha is enraged, that's for sure. One thing about werewolves, they're territorial. Another thing, they're possessive. And the most important is that, they're egoistic. Ang pinakaayaw nila ay ang hindi masunod lalo na sa mahalagang bagay. Paglabas nila mula sa kastilyo ni Chrys, agad nilang nakita si Damien na tila nag-aabang sa kanila. Ang puting liwanag ng buwan ay nagbigay ng anino sa kanyang seryosong mukha.

“I thought you were with her kaya hindi ka namin kasama sa meeting?” Tanong ni Elysian, halata ang dismayado niyang tono. “Don't tell me you just sneaked out because you want some fresh air?”

“Hindi ka na nga sumama sa pagpupulong, hinayaan mo pa siyang mawala,” dugtong ni Chrys, ang boses niya’y malamig na parang yelong hangin sa paligid. “Next time, don't speak lalo pa't wala ka naman kayang patunayan.”

Hindi nagpatalo si Damien at agad na tumugon. “Mind you, she pushed me away and then she left! Hindi ko naman alam na may balak siyang umalis ngayon, edi sana'y sumama ako sa kaniya.”

Lumapit si Damon, ang kanyang tingin ay puno ng duda. “Why would she do that? Ano'ng ginawa mo?”

“This is not the time for questions,” ani Damien, pilit na tinatago ang inis. “Let’s find her. Ang narinig ko’y hahanapin niya si Van. I don't want to waste any time, kung gusto niyo pang mag-usap-usap ay mauuna na ako sa paghahanap.”

Hindi na rin sumagot ang mga maharlika, mabilis silang sumunod sa Alpha na kasing bilis ng hangin kung tumakbo. Naglakbay sila sa gitna ng malamig na gabi, habang ang nyebe ay patuloy na bumabagsak mula sa langit. Ang bawat hakbang nila’y nag-iiwan ng bakas sa maputing lupa, ngunit tila walang nakakapansin sa ginaw. Ang kanilang mga paghinga ay nagiging ulap sa lamig ng gabi, ngunit wala ni isa man ang nagpahina sa kanilang determinasyon.

Firstly, they need to find Van. Mas napaaga lang ang paghahanap kay Van dahil nauna na namang naghanap si Celestial.

“Where the hell did she go?” Tanong ni Damien, halatang naiinip. Napalingon siya kay Chrys at mapanukso niyang sinabi. “Masyadong mahina ang iyong pang-amoy kung ikaw ang magiging Alpha ng babaeng ’yon. Hindi siya nababagay sa iyo.”

“Huwag mo akong subukan,” tugon ni Chrys, ang kanyang tinig ay mababa ngunit puno ng banta. “Mas may nagagawa pa ako sa pagkakataong ito kaysa sa’yo. I can smell her, but what about you? Tingin mo bagay kayo? Mas lalong hindi.”

“Pwede bang huwag na kayong mag-away? Pinipili niyo pa ang gulo kaysa magtulungan,” sabi ni Elysian, ang kanyang pasensya ay unti-unting nauubos. “Where are we heading, alpha?”

“Just follow me,” sabi ni Chrys. “Naaamoy ko siya sa tribo.”

Walang pasabi silang sumunod. Sa gitna ng tahimik na gabi ay lumilikha ng ingay ang kanilang mga yapak at hininga. Mabilis ang kanilang pagkilos, kaya mabilis din silang nakarating sa tribong tinutukoy ng alpha. At mukhang inaasahan na ng mga naroroon ang kanilang pagdating dahil sa gitna ng malalim na gabi ay gising pa ang mga ito na tila naghihintay sa pagdating ng kanilang alpha.

Pagkarating nila sa tribo, sinalubong sila ni Ice. Bakas ang kaba sa kanyang mukha habang nagbigay ng ulat. “Kakaalis lang po ng binibini, Alpha. Patungo ito sa Placatory Sea, ang dagat na pinagdalhan ng kaniyang kasama.” Sabi nito, alam na kung ano ang pakay ng alpha.

“Fucking hell, and why would you let her?” Galit na tanong ni Chrys. “Wala ba sainyong pumigil man lang?”

“Paumanhin po, ngunit napakahirap niyang pigilan,” sagot ni Ice, bahagyang yumuko bilang respeto. “Higit siyang malakas at maliksi kaysa amin, maging sa mga kalalakihang naririto.”

“Damn,” mura ni Chrys habang nagmamadaling dumiretso sa direksyon patungo sa dagat na tinukoy ni Ice. “We need to get there and stop her as soon as possible. Masyadong delikado ang Placatory Sea. At kayo, maghanda kayo sa pagbabalik ko dahil marami akong tanong. Paano siya napadpad sa aking at paano napadpad ang kasama niya sa Placatory Sea?”

Wala nang sinayang na oras ang alpha, pagkasabi niyon ay mabilis na itong umalis. Halata mo ang kaba at takot sa mukha ng buong tribo, wala silang magagawa kung hindi ang maghanda sa posibleng gawin ng Alpha sa kanila.

"Fuck!" Mura ni Damien sa kalagitnaan ng kanilang paglalakbay.

"Ano'ng meron?" Tanong ni Damon, "oh damn!" Sunod nitong mura.

"The abyss, they're here!" Untag naman ni Elysian.

Habang naglalakbay patungo sa dagat, biglang sumulpot mula sa kadiliman ang mga Abyssinian. Ang kanilang mga mata ay kumikislap na pula, at ang kanilang mga katawan ay animo’y usok na nabubuo sa laman. Sa isang iglap, naglunsad sila ng pag-atake.

"Fuck it!" Chrys growled, his authoritative voice traveling across the South, nagpapatunay lamang na s'ya ang alpha sa lugar.

Mukhang handa naman ang alpha anumang oras sa kahit na anong pag atake. Gamit ang kanyang likas na bilis at lakas, agad niyang pinatumba ang dalawang Abyssinian sa pamamagitan ng malalakas na suntok at kagat. He's fast, his every move claps the abyssinians. Hindi handa ang mga ito sa kaniya. Ang bawat galaw niya ay parang hayop sa gitna ng pangangaso, walang awa at puno ng determinasyon.

"Gravity demise!" Umalingawngaw ang tinig ni Damon. Kahit na napapaligiran siya ng nyebe ay hindi naging hadlang iyon upang magamit ang kaniyang abilidad. Isang malakas na hampas ng kanyang kamay ang nagpalubog sa lupa, na nagresulta sa pagkabagsak ng ilang Abyssinian na hindi makalapit.

Samantala, si Damien ay humugot ng kanyang espada, ang talim nito ay kumikislap sa dilim. His sword reflects the sparkle of his eyes that screams rage and power. Tumalon siya sa ere, at bawat bagsak ng kanyang sandata ay nagdudulot ng malaking pinsala. Ang bawat Abyssinian na kanyang tinatamaan ay nawawala sa ere na parang usok.

Meanwhile, Elysian aided them all by her sustaining ability. Sa gitna ng matinding labanan, ginamit niya ang kanyang kapangyarihang palakasin ang kanilang mga kakayahan at pigilan ang lamig na unti-unting humihina sa kanilang mga katawan. Sa bawat pagkilos nila, naroon siya upang tiyakin na hindi sila manghihina. She's the greatest healer in the meantime bago siya umalis sa Eufrata, she's also the top in the field of sustain ability.

Matapos ang matagal na labanan, nagtagumpay sila. Ang mga Abyssinian ay naglaho, ngunit halata ang pagod sa kanilang mga mukha.

“You see, Alpha,” sabi ni Elysian, ang boses niya’y mariin at puno ng pangungumbinsi. “This is what I’m talking about. The Abyss is now moving, at kung hindi mo ibibigay sa amin ang batong hiyas ay malalagay tayo sa malaking peligro. This is for the land of Beryllus, ibig sabihin ay kasama na ang Southern Iceousland kung saan ka namumuno. Pakiusap, kailangan na naming makompleto ang mga batong hiyas bago pa man ito magawa ng Abyss.”

“Just give us the stone,” dagdag ni Damien, halatang hindi na ito makapaghintay.

“Trust us, hindi ito masasayang,” sabi pa ni Elysian.

Ngunit nanatiling matigas si Chrys. “No,” aniya, malamig ngunit matigas. “I still need to find her. Until then, my decision will still be no.”

“You're down bad, Alpha,” kantiyaw ni Damon.

“I am,” sagot ni Chrys nang walang kahihiyan, “and you won’t understand how down bad I am.”

LEGENDS: Mythical Glory (Season, #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon