"Damien Vincenzo, for a moment will you please calm down?" Bulalas ni Elysian dahil mula nang mawalay sina Van at Celestial sa kanila ay hindi na ito mapakali. "We've figured things out already, we know where we're going now. Everything will fall into places, and everything will be better if you start to calm down!"
"How the hell would I calm down? Hindi ko na mabilang kung ilang araw nang wala sa atin si Van at Celestial." Ani Damien.
Ilang araw na mula nang magkahiwa-hiwalay sila. Hindi na tanda ni Damien kung ilang araw o linggo na ba ang nakaraan, para sa kaniya ay masyado na itong mahaba at hindi niya mapigilang mamroblema. He's depressingly worried, hindi niya rin maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang kaniyang reaksyon pagdating kay Celestial Beryl.
"I know, but please calm down. Okay?" Sabi ni Elysian.
"Are you sure you're worried about the Prince?" Singit ni Damon.
Huminga naman ng malalim si Damien. "Of course I am! Ano na naman ba ang gusto mong iparating?"
"Or you're worried about that abyssal lady?" Dagdag ni Damon.
Umirap si Damien. "Stop, okay?"
Nanahimik naman si Damon, mukhang wala na itong balak asarin siya. Hindi naman talaga kasi mapakali si Damien, at tama si Damon, nag-aalala siya para kay Celestial Beryl. Sigurado siyang alam na ni Van ang gagawin sa pinakamahirap na sitwasyon, kahit na mahiwalay pa ito sa kanila ay gagawa at gagawa ito ng paraan upang makabalik at mahanap sila. Ngunit hindi siya sigurado kung makaka-survive ba si Celestial Beryl.
Surely, he doesn't know a single thing about her. Hindi siya sigurado kung ano'ng gagawin ng babaeng 'yon para maka survive. So he's worried as hell. Hindi rin sila sigurado kung magkasama ba ang dalawa o nagkahiwalay din. Nevertheless, they have to act fast.
Dumaan na sila sa Mermayde and they've heard everything from the current leader. Sabi ni Sora, ang bagong leader ay nagkaroon ng digmaan sa Mermayde at kinalaban nina Van at Celestial ang Socros para makuha ang hydor stone. Ang problema nga lang ay kalahati lang ng bato ang nasa Mermayde, kaya dumiretso raw ang dalawa sa Southern Iceousland upang hanapin ang kalahati.
Now they're in Southern Iceousland. Hindi nila alam kung paano hahanapin ang dalawa, but Elysian had one conclusion. Tutuloy sila sa moon castle upang makausap ang Alpha. Dahil kung si Van ang nasa sitwasyon, sa moon castle rin ito pupunta. So they're probably in the castle.
Masyadong malamig sa lugar, mabuti na lamang at umaga ang paglalakbay nila. Gayunpaman ay hindi pa rin sapat ang umaga pati na ang kanilang mga saplot at kapa upang maibsan ang lamig. But they're dedicated, no matter how tired they were, wala silang pinalampas na oras sa paghahanap ng lokasyon ng moon castle.
"We're here." Sabi ni Damien nang tuluyang makarating sa gate ng moon castle. Ngunit hindi pa man sila nakakalapit ay hinarang na kaagad sila ng ilang sentry na naroroon, mukhang mahigpit sa lugar. Sa gulat ng magkambal ay agad silang naglabas ng mga sandata upang maghanda.
"Who are you?" The sentry asked.
"Gentlemen, please calm down. We're not here for a war. We're here for truce." Awat ni Elysian sa kanila.
"We don't welcome anyone unless you have an invitation from the alpha. Also, humans are not allowed to enter the boundary of Southern Iceousland and Mermayde unless you're an offering." Matigas na wika ng sentry.
"Stay back, princess." Ani Damon.
Umiiling-iling si Elysian. "No, let me talk to them."
"Are you sure about this, Elysian?"
Tumango na lamang ang Prinsesa at ngumiti. "Trust me, Damon." Matapang at magiting na humarap si Elysian sa mga sentry ng kastilyo. "I am Princess Elysian Zellestaire Caesar from the kingdom of Eufrata. We are here to talk with your alpha."

BINABASA MO ANG
LEGENDS: Mythical Glory (Season, #6)
FantasyAfter losing her memory to a curse, Celestial Beryl remains among the Royals in Eufrata as the Abyss hunts for the Prime Stones to grow its power. To defend their world, the Royals set out across Beryllus in a desperate quest to find the Stones firs...