Chapter 10

295 10 3
                                    


I was at my room taking notes and currently checking emails, tahimik ngayon sa bahay kasi wala ulit ang parents ko, my mom is busy with her boutique while dad is busy at the company.

Nang matapos ko ang pagsusulat at pagbabasa sa mga notes ko binalingan ko naman ang mga emails na kailangan kong replyan, multitasking at it finest.

Bumaba na rin ako pagkatapos ko sa mga gawain ko at nag-inat inat, parang ang tagal ng oras ngayong araw.

Nang pumunta ako sa living room at binuksan ang TV bigla naman nagring ang phone ko, buti nalang pala naisipan ko itong dalhin pababa dito.

"Beautifuuul! Oh my gosh! Where are youuu? Are you still in class?" Bigla ko naman naihiwalay ang phone sa tenga ko dahil sa tinis ng boses ng nasa kabilang linya. Chineck ko pa kung kaninong number iyon at nakitang ate ni Jiro ang tumawag.

"Ate Ianah? Oh gosh! I just had 2 subjects today po, kanina pa po ako nakauwi. It's been awhile, how are you po?" May narinig naman akong parang nagsarado ng pinto sa background niya.

"I just came back, please please go here at our house! I miss you! 'Harrison 'wag mong ibalibag yang maleta ko, punyeta ka!' Punta ka here beautiful okay? I'll wait for you, mwah!" Natawa pa ako nang may marinig na malakas na kalabog kasunod ang pag-aray ni Jiro sa background bago namatay ang tawag.

Agad naman akong pumanhik at nagpalit ng damit since I already took a half bath pag uwi ko kanina galing klase dahil masiyadong casual itong suot ko kaya magpapalit ako.

Nang makarating ako sa bahay nila Jiro tila ba may fiesta silang pinaghahandaan at lahat ng kasam-bahay nila ay may ginagawa, parang nahiya tuloy akong tumuloy. Nakita pa ako ni Nanang Gina at pinapaakyat sa taas kung nasaan silang lahat.

'Di pa man ako nakakasilip ng tuluyan sa kwarto ni ate Ianah rinig na rinig ko na ang pagtatalo nila ni Jiro, kawawa talaga ang dalawang ito kapag wala si kuya Hayes na peace maker nilang tatlo.

"Hindi nga kasi sayo yan! Wala ka ngang pasalubong, ang kulit mo talaga 'di ka makaintindi! Ampon kalang kasi kaya ka ganiyan!" Rinig ko pang sigaw ni ate Ianah na tinawanan lang ni Jiro, iba rin kasi ang hulog nitong si Jiro kapag naglalambing, parang akalamo nang-aasar lang, hilig mamikon.

When I knocked three times, narinig ko pang natigil ang pagtatalo nila, inutusan pa ni ate Ianah si Jiro na buksan ang pinto na siya naman atang hinindian ni Jiro kaya sumisigaw nanaman si ate Ianah.

Kumatok ako ulit tapos parang nairita na rin si Jiro, natawa naman ako nang sinabi ni Jiro na hayaan nalang daw at 'di niya pagbubuksan ang pinto dahil wala naman daw siyang pasalubong.

"Hindi nalang kasi sabi— Haven?" Kumaway pa ako kay Jiro nang mapansin ang gulat sa reaksyon niya.

"Who's that?!" Rinig ko pang sigaw ni ate Ianah galing sa kwarto niya. Sumilip naman ako sa kwarto niya at kumaway din sakaniya.

"Haven! Oh my goooosh! Come here pretty!" Napatawa pa ako nang makita siyang nagtatatalon sa kama niya habang pinapalapit ako sa kung nasaan siya.

Jiro was still at the opening of the door, pero nakaharap na siya sa'min, pinapanood kami ng ate niya, nakatayo lang siya dun nang maisara niya na ang pinto ng kwarto.

"Get out now Harrison, iwan mo na kami dito ni Haven, this is girls talk." Pagsaway pa ni ate Ianah kay Jiro nang makaupo na ako sa kama niya, Jiro just silently said 'no', yung walang boses na lumabas pero parang rinig na rinig ko ang pagkakasabi niya dahil sa paraan ng pagsabi niya.

"Haven pagsabihan mo nga yang si Harrison kanina pa ako pinipikon, pag ako nainis sayo ipapasauli talaga kita kila mom kung saan ka nanggaling na ampunan!" I just chuckle at their banterings, I look at Jiro who just stuck his tongue out to ate Ianah, 'kita mo 'to lakas din talaga mamikon.'

Hidden Hearts and Summer Skies (Silent Secrets of Summer #1)Where stories live. Discover now