Chapter 16

167 6 0
                                    


Kinabukasan andami nanamang tao sa campus dahil ngayon daw dadating yung galing kabilang school, at talagang ang daming tambay sa may student lounge at lobby, buti nalang 'di ako nahirapan makahanap ng parking space dahil baka masira ang buong araw ko.

Agad na akong pumunta sa first subject ko at parang walang tao, dahil nasa may corridor sila halos lahat, ano bang nangyayari sa mga tao na ito at nagkakagulo sila.

"Haven! Wala ka pang nakitang dumarating from the other school?" Bungad na tanong ni Yssa sa'kin na katabi ni Eli.

"Wala eh, ano bang meron sakanila at para bang nagkakagulo kayong lahat?" Napairap pa sa'kin si Yssa na siya namang tinawanan ni Eli.

"Eh alam mo naman yan, hilig maging look out sa mga pogi." Nakatanggap naman ng hampas sa balikat si Eli galing kay Yssa.

"Kalamo ikaw hindi? Ikaw nga 'tong kating kati lumabas dito sa corridor, idadahilan mo pang hinihintay mo si Haven." Natawa naman ako sa sagutan nila, nang 'di na nila ako napapansin ay pumasok na ako at inilagay sa upuan ko ang mga dala ko, agad ko pang kinuha ang phone ko para bumaba para magpaprint ng ilang papers na ipapasa sa faculty.

"San punta mo?" Tanong ni Hara nang makasalubong ko siya paakyat na sa room.

"Magpapaprint lang nung need ni prof na papers para sa project, pasabi nalang sa iba." Agad naman siyang tumango at nginitian ako.

Nang makababa na ako, parang naipon naman ang mga tao sa may gymnasium dahil parang iilan ang natira dito sa may lobby at school lounge 'di gaya kanina pagpasok ko.

Nagdire-diretso na ako nang lakad hanggang sa mapadpad ako sa may printan malapit sa labas ng campus, nakalimutan ko kasi iprint kagabi dahil inabot nanaman kami ng anong oras madismiss sa klase.

"32 copies po yung page 3 tapos tig 2 copies po yung page 1 and 2, thank you po." Naging mabilis naman ang pagprint dahil tatlo ang printer na gamit nila, tumingin-tingin pa ako sa mga katabing stall kung nasaan ako dahil nakaramdam ako ng gutom, parang nagcrave ako bigla sa street foods kaso nasa pinakadulo pa na stall yun.

"84 pesos po lahat." Inabot ko naman ang 100 at sinabing wag nang suklian dahil ako palang daw ang una nilang customer. Agad na rin akong naglakad pabalik sa room dahil ayoko na makakita ng pagkain kasi lalo lang akong nagugutom.

Nang malapit na ako sa lobby bigla naman may kumalabit sa'kin, nagulat pa ako dahil ang tangkad nito kumpara sa'kin.

"Hi. Sorry to bother you but may I ask where the gymnasium is? I'm kinda lost."

"Sure, it's okay. Hmm are you a transferee?"

"Oh no, I'm from the other school. I'm part of the varsity team, I was late for the bus so I asked our driver to drive me here directly but I forgot to ask our coach where the gym is located. I'm sorry." Tinanguan ko nalang siya dahil parang hiyang hiya siya magexplain sa'kin, halata pa naman ang pamumula niya dahil sa kaputian niya.

Naglakad narin kami after that, hindi naman malayo ang gym sa lobby pero kung 'di ka sanay tatamarin ka talaga dahil mabato ang daan patungo sa gym, lalo pa kung galing ka sa lobby dahil sa likod ka mismo dadaan.

"What's your name if I may ask?" Tanong niya pa, halata sa boses ang hiya niya.

"My name's Haven Kyle." Saglit ko pa siyang tiningnan at nakatingin pa ito sa'kin ng diretso, namumula na ang tenga, 'di ko alam kung naiinitan ba siya o ano.

"My name's Carl, Carl Advincula. It's nice to meet you, and thank you for helping me." Inabot ko pa ang kamay niyang gusto makipag handshake at nagpatuloy na ulit kami sa paglalakad.

Hidden Hearts and Summer Skies (Silent Secrets of Summer #1)Where stories live. Discover now