Zaliah's party came in just a blink of an eye, as well as our examination week. Since I've been busy for a whole week, I wasn't able to prepare a good costume for this party other than that angel wings costume I had since highschool.Jiro and I will go together since my parents didn't allow me to bring my car, they just want to make sure na aalis akong buo at uuwi akong buo.
I grabbed my purse and phone and headed downstairs since Jiro was already waiting for me, nagpaalam na ako sa parents ko and they just told me to update them every now and then and ofcourse 'wag sosobra sa inom, which I doubt because I don't really intend to drink in the first place.
Paglabas ko ng pinto natanaw ko na agad ang kotse ni Jiro, actually kaninang 4pm pa yan nakapark sa labas ng gate namin and its already 6pm, para daw malagay ko na ang gamit ko if ever I have something heavy to bring.
I just wore a thigh length white dress to pair up with my white angel wings costume, sabi sainyo eh hindi talaga ako prepared, hinayaan ko nalang din ang mahaba kong buhok, hindi ko na itinali, I just brought one ponytail with me para mamaya if ever I want to tie it, I can.
(for visualization of Haven's look that night)
Pagbukas ko ng pinto ng passenger seat nagulat naman ako ng makita siyang nakaupo na sa driver seat, natigil naman ang mata niya sa suot ko, 'ayan nanaman ang tingin na yan.'
"I brought a jacket with me, mamaya lamigin ka. May kukunin kapa ba? Ako na kukuha." I just shake my head and smile at him.
"Nah ~ I'm ready to go." Agad na rin akong umupo at tiningnan ang costume na dala ko na nasa backseat. Bago pa man makaalis iniabot na sa'kin ni Jiro ang jacket na sinabi niya.
"Bakit nga pala hindi sumabay sa'tin yung iba? Kakasya naman tayo dito." Napatingin naman ako sakaniya ng saglit siyang tumingin sa gawi ko.
"Ayoko ng istorbo." Simpleng sagot niya at natawa pa siya ng mahina.
"Hindi ba ako ang istorbo?" I asked jokingly, malay ko ba, mamaya may gusto pala siyang isabay eh.
"Never." Saglit pang nahinto ang tingin niya sa'kin nang sabihin yun, ako nalang din ang umiwas ng tingin dahil 'di ko talaga kayang salubungin yung tingin niya.
Agad narin naming binaybay ang daan sa bahay nila Zaliah, kabisado na ito ni Jiro dahil hindi naman siya nawawala sa party naming magpipinsan, especially mine.
Nagkalikot pa ako ng kung ano-ano sa kotse niya para makapagpatugtog dahil sobrang tahimik, parang may kung anong ewan ang bigla nalang namagitan sa'min which isn't awkward but definitely noticable.
Nagagawi din ang tingin ko sakaniya kapag bigla bigla nalang siyang napapatingin sa'kin 'di ko alam kung dahil ba sa suot ko na uncomfy siyang makita o sadyang may dumi lang ako sa mukha na kapansin pansin.
"Do I have something on my face?" Tanong ko pa, I'm just making sure baka nahihiya lang siya sabihin eh.
"Yes." Walang atubili niyang sagot, agad ko pang kinuha ang purse ko para sana kumuha ng wet wipes ng marinig ko ang mahina niyang tawa.
YOU ARE READING
Hidden Hearts and Summer Skies (Silent Secrets of Summer #1)
FanfictionHaven knows he's talented, handsome, kind, and intelligent - people constantly remind him of these qualities. He's everything good, except brave. The irony isn't lost on him: while he's praised for his intellect, Haven often finds himself making th...