Chapter 27

254 8 0
                                    


"So you're saying hindi ka pupunta?" I chuckle at Jiro, ilang beses niya na kasing inulit ang tanong niya, parang paikot-ikot lang kami, "I can't. Not because I don't want to but I have somewhere else to go to on that day." He scoffed again, parang reaksyon niya lang kanina nung una siyang nagtanong.

Nandito kasi siya sa bahay ngayon, we're at my room nakikitambay siya ngayon, since they pulled out on the team, pag wala siyang klase wala na talaga siyang ginagawa, so here he is, dito nanaman nanggugulo.

Napagusapan din namin ang about sa party niya na hinanda ng friends namin for him, and I told him I can't go since I have somewhere to go to that day kaya ito siya ngayon at parang bata na nagkukulit.

"Don't look at me like that, hindi na talaga mababago ang desisyon ko."

He heaved a sigh tired of getting the same answer from me, "Fine! I'll cancel that party," I gasped at what he said, "What are you, a child?" I even roll my eyes at him para alam niyang hindi na ako nakikipagbiruan sakaniya.

"Of all the days you'll have to be busy, bakit kasi sa birthday ko pa." He said, but I continue to chat the manager of a resort I booked us in, giving him no mind.

Hindi naman kasi talaga ako makakapunta sa birthday niya since I want to personally visit the resort I booked in for his celebration which he doesn't have any idea about. The resort I booked is one of the few good resort at Limasawa Island, and yes magi-isla kami for his birthday.

Napatawa ako nang magbiro ang manager ng resort, something about a discount for couple which made me laugh, we're too far from that, "Who are you chatting with?" Biglang tanong ni Jiro na palapit na pala sa pwesto ko, I exit the tab and pumunta sa gallery.

"Wala nakita ko lang 'tong picture, natawa ako." Sumilip pa siya sa screen tapos tumingin sa'kin na parang hindi naniniwala.

Bumalik ulit siya sa pwesto niya, nakadapa sa kama ko, now holding one of my books, trying to focus on reading while I give him no mind and continue to chat with the manager of the resort, planning shit really is not my thing.

Jiro's birthday party came 2 days after, ayaw pa nga akong tantanan ng loko at gusto niya ihatid ako sa pupuntahan ko but I rejected his offer, and told him to enjoy his day, binigay ko rin ang initial gift ko sakaniya which is watch, although marami na siyang ganun wala na akong maisip na ibibigay sakaniya.

"Where are you now?" He asked at the other side of line, I chuckle at him, kakatanong niya lang sa'kin 20 minutes ago nang tumawag siya, "Malayo pa ako, tigilan mo na ang pag-tawag sa'kin. Asikasuhin mo mga bisita mo jan."

I heard him shushing EJ in the background, "Wala pa namang mga bisita kaya okay lang." I even heard Jewel's laugh kaya natawa nalang din ako.

"Right, kaya pala rinig ko mga boses sa likod mo." I heard the others burst out laughing.

"I'll hung this up na okay? Tell them I said hi. Enjoy the party birthday boy," I laugh when I heard him dramatically sigh, "As if I'll enjoy this without you here. Drive safe."

Ako na ang pumatay sa tawag dahil rinig ko na ang asaran nila at pagkapikon ni Jiro.

Nagpahatid lang ako kay kuya Melvin since we'll stay there at the resort for the weekend, I only have 2 days to prepare my plan for Jiro and I hope maging successful.

Hindi naman katagalan ang hinintay ko bago ang flight ko, pagkarating ko ng Tacloban airport may naghihintay na rin na van na sumundo sa'kin papunta sa resort kung saan ako nag book.

Pagkarating ko sa resort nandun na ang manager waiting for my arrival kinausap ko lang siya saglit then hinatid na rin ako sa room ko, yung binook ko yung bandang seaside para madali lang kaming lalabas para mag swimming since I know how that dork loves to swim, ibigay na natin sakaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hidden Hearts and Summer Skies (Silent Secrets of Summer #1)Where stories live. Discover now