Chapter 15

141 5 0
                                    


After Zaliah's party naging busy na ulit sa school since we're preparing for our intramurals, kasama dun ang laban nila Jiro sa kabilang school for basketball, hindi pa nga rin siya nagsasabi sa'kin about him dropping the team, I'm still waiting for him to open up anong plano niya after that.

I am now heading to our faculty office to discuss some matters about our class' project, masiyadong nagkakagulo kanina sa room dahil sa balitang dito daw pupunta sa school ang varsity players na makakalaban nila Jiro, the thought of seeing new faces made our class gone wild.

"Good afternoon sir, I'm here po to ask about our project that you discussed earlier? Sorry po kanina 'di na sila nakikinig because of the sudden announcement." Siya ko pang hinging paumanhin, natawa naman siya ng mahina at itinuro ang upuan sa harap ng table niya.

"It's okay, it's okay. Nothing special about this project since hindi pa naman ito ang final project niyo sa'kin but still, this will have one fourth of your grades for the second sem so I hope you can lead them and I hope all of them will participate." I smile at him and jot down all the details he said, after getting all the details nagpaalam na rin ako at dumiretso na sa parking lot para makapunta sa sasakyan ko at dun na ilipat sa ipad ko ang mga isinulat ko.

After that pumunta na rin ako susunod kong klase dahil 2 subjects lang kami ngayon, busy din kasi ang mga prof dahil sila ang nagiisip ng ibang activities for Intramurals na gaganapin, some of them even invested their precious time just to plan it out.

"Haven may naghahanap sayo kanina, hindi namin alam kung saan ka pumunta kaya 'di namin siya nasagot ng maayos." Ayun nalang ang salubong sa'kin ni Hanah nang makaupo ako sa upuan ko.

"Hindi nagsabi kung anong pangalan? Tsaka bakit daw? Importante ba?" Saglit pa siyang may kinuha sa upuan niya at iniabot sa'kin ang isang invitation letter at maliit na bouquet ng pink at white rose.

"Ayan lang inabot niya tapos sinabi niya na basahin mo nalang daw and wait for his message daw, kilala mo naman ata siguro yun alam ata schedule mo eh." Napatingin pa ako sakaniya dahil sa sinabi niya.

"What do you mean?" Bigla naman niya akong sinundot sundot sa tagiliran habang humahagikhik.

"Eh kasi naman no! May hawak siyang schedule sheet, tapos parang chineck niya pa yun kung nasa tamang room ba siya, eh kaso nga sabi namin 'di namin alam kung saan ka pumunta but still, knowing your schedule is something." Bigla pa siyang umakbay sa'kin at lumapit para bumulong.

"Is he your secret boyfriend? Baka 'di mo lang sinasabi sa'min ha pero may boyfriend kana." Natawa pa ako sa way ng pagsabi niya dahil napakalakas ng bulong na akala mo hindi na bulong ang ginagawa.

"Sira! May schedule ko lang na hawak yung tao, boyfriend agad? Ma-issue ka." Napairap pa siya ng pabiro na parang nagtatampo dahil mali ang hula niya.

"Edi hindi, basta pag nalaman ko ang totoo dapat ako ang una mong ipakilala ha." Natawa pa ako ng inasar siya nila Hara, Eli at Yssa sa gilid.

"Tama kana Hanah!"

"Bumalik kana sa pwesto mo bading ka!"

Itinabi ko nalang muna ang letter at bouquet na inabot sa'kin dahil sa bahay ko nalang ito babasahin, hindi naman ako curious na tao sa mga ganitong bagay, ilang saglit pa dumating na din ang prof namin for this subject.

Nang makarating ako sa bahay, agad na akong umakyat sa kwarto ko dahil hindi ko napansin na na-lowbatt pala ang phone ko, sounds oa but that's one of my way of communicating to people, because my introverted ass can't handle being with new people for even a minute.

Nagready na rin ako para makapag half bath at makapagpahinga na rin, medyo natagalan ako sa byahe dahil traffic pag lunes. I'll probably cook our dinner tonight kasi wala pa sila mommy and they'll probably come home late kaya I need to cook.

Hidden Hearts and Summer Skies (Silent Secrets of Summer #1)Where stories live. Discover now