Authors Note: Kung yung mga naunang chapter ay Anime versions ng mga characters namin ang nasa gilid. Yung mga sumusunod na Pictures naman na ilalagay sa gilid ay yung Taong version. Hehe! Thenk yow po sa pagbabasa!
***
[Nathan’s POV]
Sa halos lahat ng subject namin, wala na akong ibang nagawakundi ang bumuntong-hininga. Paano kasi, nag-LQ na naman sina Rielle at Violet.Simula pa kaninang recess namin, at hanggang ngayon, na mag-uuwian na kami,hindi pa sila bumabalik dito saclassroom. Andaya nga e, balak pala nilang mag-cutting classes hindi man langako naalala!
Pero siyempre joke lang iyon, noh. Besides, anak ako ngchairman ng school na ito so I don’t want to do things that would of course,ruin the reputation of my father. Not to mention na nagmamay-ari pa si Papa ng isang antique shop…
Yaman namin ano? Joke lang…
Actually, hindi ko naman talaga tatay yung chairman.Tatay-tatayan ko lang iyon. Kung tinatanong niyo kung bakit at paano nangyari iyon, mahabang kuwento! And it doesn’t even matter anymore. Siya na ang nagturo sa akin kung paano maglakad, kung paano magsalita at kung paano gawin ang mga bagay-bagay nang hindi umaasa sa iba. Kaya para sa akin, hindi na mahalaga kung hindi man siya ang tunay kong Ama, kasi mas marami pa siyang nagawa para sa akin na hindi nagawa ng tunay kong magulang.
Basta, yun na yun!
At ayun, mag-isa na naman ako dito sa classroom, nakikinig sa boring na discussion ng teacher. Wala kasi dito sina Rielle at Violet—at hindi ko alam kung anong trip ng dalawang iyon at bigla nalang nawala after ng aming recess. Bored tuloy ako…
Sa classroom, ganito ang seating arrangement namin: naka-upo si Rielle sa tabi ko, ako naman naka-upo malapit sa bintana sa last right row ng room; at si Violet naman ay naka-upo sa first left row ng room. Nalalaman ang seating arrangement namin through lots. Naka-number kasi ang bawat upuan at kung anong number ang mabunot mo, iyon yung upuan mo.
… Wala lang. Nasabi ko lang… =_=
Nakakatawa nga e kasi simula pa noong first year kami,hindi naghihiwalay ang number namin ni Rielle. Kunwari ang nabunot kong number ay 11, 12 naman ang mabubunot niya. Kaya nga imbes na mga babae ang ma-link saaming dalawa, kami ang nalili-link sa isa’t isa!
Pero wala na lang din sa amin ni Rielle yun. Tinatawanan na nga lang namin ang mga pang-aasar na ibinabato sa amin kasi alam naman naming walang “alam mo na” na namamagitan sa aming dalawa.
Besides, may gusto si Rielle kay Violet. At ako, crush ko naman si Maribelle. Kaya wag kang mag-isip ng kung anu-ano! >^<
Nakakapanghinayang lang kanina kasi makakapartner ko na sana si Maribelle sa play naming Romeo and Juliet. Kaso, ewan ko kung anong pumasok sa utak ni Rielle at nakipag-palit siya sa akin ng character.Nakakapagtaka nga kasi, dapat talaga, kapartner niya doon sa play naming iyon si Violet. Kaso dahil nakipagpalit siya sa akin, ang makakapartner niya na ay si Maribelle.
Hayy… =o=
Ano nga kaya ang pumasok sa isip ni Rielle at nakipag-palit siya sa akin? Hmm… Hindi naman sa naiinis o nagagalit ako kay Rielle dahil dunsa ginawa niya, kaso… Nakakapagtaka lang talaga… Alam mo iyon? ;_;
At ngayon, uwian na… Hindi pa rin bumabalik iyong dalawa…
Napapabuntong-hininga nalang ako habang naglalakad palabas ng campus at tumitingin-tingin sa kung saan-saang direksyon. Friday ngayon kaya wala naman kaming meeting sa Student Council. Wala rin naman akong naka-schedule na kung anuman sa mga teachers ko, o practice sa Music Club…
BINABASA MO ANG
The Tale of Azelprade
Teen FictionSabi nga nila to see is to believe.. Pero hindi lahat ng nakikita natin yun na yung totoo.. Wala pa nga tayo sa kalahati sa mga natutuklasan natin sa mundo eh.. Sa ibang mundo pa kaya?? Ano kayang gagawin mo kung mapunta ka sa mundo ng mga Angels, D...