Chapter 1.1

55 0 0
                                    

[Nathan’s POV]

“Hoy! Feeling close ka sa aking insekto ka a! Ang mga insekto na tulad mo ay ‘di nararapat sa isang Academy na tulad nito! Mas bagay ka sa lupa kung saan nandoon ang mga lamang lupa na tulad mo! Hmph!” sabi ng isang pamilyar na boses… 

“Heh? Violet, lagi nalang ako a! Di na tayo bati!!!” sagot naman ng isa pang pamilyar na boses. 

Agad kong nakilala kung kaninong mga boses ang sumalubong sa akin sa may hallway ng classroom. Ang unang nabanggit na pamilyar na boses ay kay Violet Ryounosuke—kaibigan at kababata kong babae; samantalang ang sumunod ay kay Rielle Magno—best friend at kababata kong lalaki… 

Hmm… Anlabo kong kausap, ano? Basta, magkakaibigan kami! 

Siya nga pala, ako nga pala si Nathan Shusuke Yvora. Fourth year high school dito sa Platonian Academy. Fifteen years old. Simpleng tao, simpleng estudyante, simpleng AKO. 

“Hmph! Wala ka nang ginawang tama!” naku, galit na naman si Violet, “Bakit, kelan pa tayo nagging bati ha? Friends? Close? Close tayo? Pinto? Pinto? Baka gusto mo lagyan din kita ng doorknob ta’s isara kita?” 

“Grabe ka naman >3<…” nag-pout si Rielle, “O’ sige na nga. Bati na ulet tayo! Yehey! ^_^” 

Kahit kailan talaga itong si Rielle. Minsan di ko tuloy alam kung sinasadya niya lang na inisin si Violet o baka talagang minsan, ‘di niya lang ma-gets ang mga bagay-bagay sa mundo. Napaka-inosente talaga ng espren ko… 

At kahit kelan naman talaga itong si Violet. Napakataray, napakasarcastic at napakabayolente rin. Kaya nga ang pangalan niya ay Violet e, diba? Violet, as in Violente… 

Haha. Last na iyan, Nathan Shusuke… 

“Natawa naman ako dun Shuu…” sabi bigla ni Rielle. 

“Huh? Bakit? May sinabi ba ako?” tanong ko naman nang may pagtataka siyempre. Bakit kasi magsasabi ng ganoon si Rielle? May nasabi ba ako? Teka, nababasa ba niya ang nasa isip ko? Hmm… Impossible! 

Kinindatan lang ako ni Rielle samantalang lumapit naman sa akin si Violet at hinawakan ang kamay ko, “Andito ka na pala Nathan. Kanina ka pa?” 

Ito namang si Violet, kanina pa kaya ako nandito. Simula pa noong tinatarayan mo si Rielle. Nakupo! Ganun na ba ka-indistinct ng aura ko at hindi niya naramdaman ang presence ko? 

“Hahaha. Ito namang si Violet, kanina pa kaya nandiyan si Shuu. Simula pa noong tinatarayan mo ako. Nakupo! Ganun na ba ka-indistinct ng aura ni Shuu at ‘di mo naramdaman ang presence niya?” tawa ni Rielle. 

“Oo nga, tama si Rie---…” naudlot yung sinabi ko. “Teka! Teka! Teka! Yun yung nasa isip ko a? Paano---?” 

“Huh? Anong paano?” tinaasan pa ako ng kilay ni Rielle. 

“Naku Rielle, kanina mo pa parang nababasa ang nasa isip ko. Simula noong nagjo-joke ako sa isip ko na kaya Violet ang pangalan ni Violet ay dahil sa Violente siya hanggang dun sa tungkol sa presensya ko?!?” sabi ko. 

“Ah, ganun. Bayolente pala ako ha?” singit naman ni Violet sabay batok sa akin, “Naku… Kung ‘di lang talaga kita ma---…” 

“Huh?” mukhang alam ko na kung anong kasunod na sasabihin ni Violet. Pero dahil ‘di niya tinuloy yung sinasabi niya, ‘di ko na rin siya pinansin. Napaka-insensitive ko ano? 

Kinulit ko si Rielle dahil ang weird niya ngayon. At dahil dun sa  parang nababasa niya ang nasa isip ko… Ang weird talaga… 

“Ewan ko Shuu… Baka M.U. lang talaga tayo…^_^” ito yung tanging sagot sakin ni Rielle. 

“RIELLE!>_<” 

“Hay naku, wala talagang delikadesa yang kutong-lupang iyan.” Panlalait ni Violet, “Ano ba kasi ang nangyayari?” 

“Grabe ka naman Violet…” I know I shouldn’t tolerate Violet, kaya ayun sinaway ko na. Nag-pout naman siya nang cute at nagpatuloy na ako sa pagsasalita,

 “Anyways, I don’t know. Pero kinikilabutan na talaga ako sa’yo Rielle. Ba’t ang weird mo ngayon? Nilalagnat ka ba? Ano bang meron?” 

“Huh?” nag-pout ulit si Rielle na para bang may iniisip. “Today is October Seven… Birthday ko…” 

“Ano namang konek nun? ~_^” Violet interrupted. 

“Wala lang.” tapos niyang sabihin iyon, ngumiti siya sa akin, este sa amin ni Violet. Hmm… Napakatamis at napaka-inosente ng ngiti ng lalaking ito. Siguro kung nagging babae ako, mabilis akong magkakagusto sa kanya. Teka! Teka! Teka! Nababakla na ata ako! Nooo!!! …

Ano bang nangyayari sa’yo Nathan Shusuke? Ang weird talaga ng araw na ‘to. At ang epic ng arte mo… =.= 

Hinawakan ni Rielle ang kanang kamay ko at ang kaliwang kamay ni Violet. Tapos noon, nagsalita na si Rielle, “October seven… Birthday ko…” inulit ni Rielle yung sinabi niya kanina. Mahilig siya sa paulit-ulit e, bakit ba? “Birthday mo Violet… Birthday mo Shuu… At ito rin ang araw kung kailan tayo unang nagka-kila-kilala. Kaya kung tinatanong niyo kung anong meron, ang araw na ito lang naman ang espesyal na araw na ginawa ng Panginoon para sa ating tatlo…” 

Napangiti ako sa sinabi ni Rielle. Totoo, medyo off-topic nga kung sumagot itong espren ko pero siguro dapat nga talaga akong magpasalamat sa Panginoon dahil sa pagkakataon na ibinigay Niya sa akin para magkaroon ng mga kaibigan na tulad nina Rielle at Violet. Pinatunayan sa’kin ni Rielle na 'minsan masarap pag-konektahin ang mga bagay na wala namang koneksyon sa isa’t-isa…'

 “Hmph!” biglang inalis ni Violet ang kamay niya sa pagkakahawak sa amin, “Ano namang special sa birthdays? Duh?! Sa birthdays, madadagdagan lang naman ng isang taon ang age mo! And so what?”

 “Violet…” nilagay ko ang kanang kamay ko sa balikat ni Violet at inilapit siya sa akin, “Birthdays are the celebration for what you have done in the previous year. It’s not about your age. It’s about the appreciation of how you have spent your year with the ones you love…” 

“Ikaw na best in English, Shuu!” tawa ni Rielle sabay high-five sa akin. Kaya nag-gesture na ako kay Violet and I motioned her na papasok na kami sa classroom for our first period. 

“Tara na Violet…” and I reached out my hand for her to take. Pagtingin ko sa kanya, I noticed that she had worn the best smile I’ve ever seen. Iyon ang bagay na lalong nagpaganda sa kanya. 

Kung di niyo na kasi itatanong, napaka-charming rin nitong si Violet… 

Oo… Sobra… 

The Tale of AzelpradeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon