Chapter 4.1

15 0 0
                                    

[Rikku’s POV]

“WOW… (OwO)” ani ni Rielle nung makarating kami sa great hall na pagdarausan ng birthday party ni Violet…

“Hmm…?” I asked my brother nung mapansin ko ang inaasal niya, “Something’s wrong Rielle?”

“Ha? Ehh… Ano… Wala naman po Kuya… Ang galing kasi ng pagkakagawa ng lugar na ‘to eh! (*O*)”

“Ahh… Oo nga…” I smiled amused, “Violet’s party are as amusing as ever…”

“Oo nga po eh! Last year nga diba? ‘Alice in Wonderland’ ang tema ng party niya! Tapos nung nakaraang nakaraang taon, ‘Illusions’ naman ang naging tema! Tapos! Tapos! Tapos---“

Hindi ko na hinayaang matapos pa ni Rielle yung sinasabi niya; well if he started blabbering I doubt it if he would ever stop,  “Osiya, Rielle… Since hindi pa naman nagsisimula ang party, maglilibot-libot na muna ako.”

“Hmph, ganyan ka naman ehh…” Rielle pouted while I was leaving.

I just smiled and left my brother alone sa table namin. Well, he won’t stay alone for a long time since napansin ko naman na ang pagdating ng best friend niyang si Nathan…

If you’ll ask me, I’m really fond of Nathan. Ang cute-cute niya kasi ‘pag inaasar siya, saka nakakatawa minsan  ‘yung pagiging defensive niya sa kabila nang pagiging emotionless niya at times. Saka napaka-inosente niya rin—parang isang 6 years old na bata…

“Nate!” I smiled and waved at him. Lumapit naman siya sa’ken and as expected mukhang tatanungin niya ako kung asan ang kapatid ko.

“Ahh Kuya Rikku, asan po si Rielle?” he asked. See? Tama ako di’ba?

“Hmm…” I pouted but still smiling; nagkunwari akong nagtatampo. And I crossed my arms, “Ako ang kasama mo ngayon, pero si Rielle pa rin ang nasa isip mo… Hmph. Nagseselos ako Nate ahh…”

Maniniwala ka bang nasabi ko ang lahat ng iyon nang nakangiti? Well, kung hindi ka naniniwala, pwes, maniwala ka na. I’m a man with no expression other than smiling—kung merong tinatawag na mga taong walang emosyon, yung mga ‘ice prince’ o kung ano man, maihahambing mo naman ako sa isang clown na may suot na maskarang laging nakangiti.

In short, I don’t show other expression besides my smile.

 “Grabe ka naman Kuya Rikku…” naputol ang mga iniisip ko nung magsalita si Nathan.

“Hmm? Bakit hindi ba totoo?” I smiled at his reaction.

“H-Hindi naman sa ganun! Ano kasi! Ano—uhm… Ano…” Nate tried his best to cover up his own clumsiness.

I let out a small chuckle at ginulo ko ang buhok niya, “Naku Nate, you don’t have to try so hard. Anyway, sbout Rielle—mukhang naglibot-libot siya; at alam mo na, naghanap ng pwede niyang makain…”

“Ahh ganun ba…”

 “Oo, ganun na nga Nate. Osiya, maglilibot-libot nalang din ako…” I smiled teasingly, “Since mukhang hindi ka naman interesado sa’ken ehh…”

“Kuya Rikku!”

Haha. I chuckled and left him alone.

But I’m sure that in a short while, he won’t be alone anymore; makikita niya si Rielle na may hawak na mga pagkain sa magkabila niyang kamay at pag-uusapan nila si Violet, then dadating naman si Violet at mag-aasaran na sila ni Rielle, and of course, ang magaling kong kapatid ay wala nang magagawa laban kay Violet dahil sobrang head-over-heels siya para rito.

The Tale of AzelpradeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon