Chapter 1.2

82 1 4
                                    

[Rielle’s POV] 

Yahoi! Today is October seven—birthday ko, birthday ni Violet at birthday ni Shuu! Opo, pare-parehas po kami ng birthday at dahil dun, bestfriends kami! Yehey!

Hmm… Pakiramdam ko tuloy ang kitid ng utak ko… Ahem… Pero sabi nga ni Albert Einstein, 'Make things simple but not simpler.'… Hmm… Anlufet talaga ng powers ni Mang Berting! [n/p: tinutukoy po ni Rielle si Albert Einstein nung sinabi niyang Mang Berting. ]

At dahil nga birthday naming tatlo ngayon, I made sure na kukulitin ko ang dalawang bestfriends ko. Kaya kahit na tinarayan lang ako ni Violet at si Shuu naman ay nasabihan pa akong ang weird ko daw kasi nababasa ko daw yung iniisip niya, oks pa rin…

Hayy… Ewan!

Ngayon, papunta na kami sa classroom and I’m sure magsisimula na naman ang boring na discussion ng teacher. Besides, si Shuu lang naman ang nag-eenjoy sa discussion e!

Hmm…

Siya nga pala, ako nga pala si Rielle Magno! Fourth year high school ditto sa Platonian Academy. Mahilig ako sa kahit anong matamis, at sa kahit anong matamis, at sa kahit anong matamis! Nasabi ko na bang mahilig ako sa kahit anong matamis?

Hobby ko ang inisin si Violet at patawanin naman nang patawanin si Shuu. Bestfriend ko kasi si Shuu at gusting-gusto ko siyang kasama kaya bestfriends kami… Ayun…

At si Violet naman…

a…ano…uhmm…well…mahirap i-explain e…

A basta, MAHAL KO SIYA!

Shocks! Teka, teka, teka! Huwag niyong sasabihin sa kanya, a? Hmm… Tatarayan lang naman niya ako e…

Saka, alam ko namang di ako yung gusto niya, kaya ayun…

Hanggang dito nalang ako…

A… Alam ko na, magkukuwento nalang ako!

Ahem… Ahem…

And now, the great Rielle Magno will tell you sa story about…!

Ugh… Ano nga bang ikukuwento ko?... Hmm…?

Ahh! Ito nalang!

--FLASHBACK— 

WHEN: October seven [when Shuu, Violet and I are still seven years old]

WHERE: Sa birthday party ni Violet [held at the Japanese mansion ng mga Ryounosuke]

Business partners ang parents ko at ang parents ni Violet. Manufacturing of musical instruments ang main business ng kompanya. Yung mga tulad ng branded na electric guitars at kung anu-ano pang musical instruments.

At dahil nga sa relasyon ng parents ko sa parents ni Violet, inimbitahan kami sa birthday party ng one-and-only child ng mga Ryounosuke. Hindi ko pa kilala noon si Violet, si Shuu palang ang kilala ko kasi espren ko yun at magkapitbahay kami at ninong ko yung tatay-tatayan niyang si Mang Victor. Kahit na Mang Victor tawag ko dun sa tatay-tatayan ni Shuu, mayaman yun sila; palibhasa owner ng isang antique shop…

Kaya ayun, kahit na birthday ko rin nung araw na iyon, left with no choice ang parents ko kundi pumunta sa birthday ni Violet dahil ayaw din naman nilang mapahiya sa iba, di’ba?

Oks lang naman sa akin yun. Ang maki-birthday sa birthday ng iba, basta’t kasama ko sina Mama at Papa at Kuya. Sapat na para sa akin ang lahat.

Kaya ayun, kasama sina Mama at Papa at ang Kuya kong nasa high school na nung time na iyon, we rode off to the Japanese mansion owned by the prestigious family of Ryounosuke…

The Tale of AzelpradeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon