Chapter 2.3

27 0 0
                                    

[Violet’s POV]

Kung saan-saang lumalop na ng Academy kami napadpad ni kutong-lupa noong makabalik kami sa pinaggalingan naming garden kanina. Akala ko makakabalik na kami sa classroom namin. Kasalanan kasi lahat ‘to ng kutong-lupang to ehh.

Pero in fairness naman, nakita namin si Kuya Rikku at yung secretary ni Papa dun sa garden na iyon. Ngayon ko lang napansin, isa palang flower garden ang napadparan namin kanina ni kutong-lupa. Andami palang magagandang bulaklak na nakatanim dito—mula sa daffodils, lavender, roses, tulips; mayroon pa ngang nakatanim na isang matayog na Palawan cherry tree e.

At sa ilalim rin mismo ng punong iyon nakaupo sina Kuya Rikku at yung kasama niya. Meron naman kasing bench dun e. Nagkukuwentuhan sila nung abutan namin sila; mukhang close talaga silang dalawa. Parang itong si kutong-lupa at si Nathan my love.

Nilapitan namin sila at ayun inintroduce ni Kuya Rikku yung kasama niya na nagkataon rin namang secretary ni Papa. I know him by his face, but I don’t really know his name.

Harry—his name is Harry; he is Kuya Rikku’s best friend and batchmate. Kaya pala mukhang close na close sila sa isa’t isa.

Hmm… bakit kaya si Kuya Rikku, ang ganda ganda kahit na lalaki siya? (O.O)

Paano pa kaya ‘pag naging babae siya di’ba? Pero siyempre, mas maganda pa rin ako sa kanya ‘pag nagkataon…

At iyong Harry naman… Well, hindi na masama. Masasabi kong hindi siya guwapo; pero hindi rin naman siya pangit. Mukha siyang matalino dahil sa suot niyang eyeglasses; and I guess matalino talaga siya dahil na-hire siya as my Father’s secretary. Bukod dun sa features niya na iyon, the rest are very much ordinary—hindi katulad ni Nathan my love ko…

Nakakagulat nga itong si kutong-lupa kanina e, nung napulot namin yung history book ni Nathan, tinanong ba naman ako kung bakit ko nagustuhan si Nathan?! Pft!

E, hindi ko nga rin alam kung bakit e… I just did... <3

At ayun, naki-upo na rin kami ni kutong-lupa dito sa ilalim ng puno ng Palawan cherry tree na namumukadkad na sa dami ng mga pink nitong bulaklak… Kung sa bagay, ito ang itinuturing na version ng cherry blossom ng Pilipinas.

Speaking of cherry blossoms, sabi ni Papa sa akin, itong vacation daw after kong makagraduate and makapag-enrol sa university, we will visit our hometown; Nagasaki Japan; to witness the “Flower Festival” this spring. Oo, yung hometown ko ay yung binomba ng nuclear bombs noong World War II, and is now well-known to be “the land of Peace”.

My Father said na ipinanganak daw ako ng aking biological mom sa Nagasaki, kaso, namatay daw siya kakapanganak sa akin. Nag-labor kasi noon si Mama sa loob lang ng bahay; wala daw kasing pera si Papa na dalhin kami sa hospital kasi isa lang ding trabahador sa factory noon si Papa. In short, mahirap lang kami noon.

Pero siyempre, noon iyon.

Nag-migrate si Papa sa Pilipinas at dito niya sinimulan yung pinapangarap niyang kompanya. Naiwan ako sa pangangalaga ng Lola at Lolo ko sa Japan. Pero after 5 consecutive years, kinuha ako ng Papa ko at kasama niya akong nanirahan sa Pilipinas.

Well, that makes me a Japanese citizen. Actually, kahit na medyo malabo na sa isip ko yung mga alaala ko nung nandun pa ako sa Japan, I know how to read and write Japanese. Though I think it’s just a little bit.

Nung mamatay si Mama, ipinangako daw ni Papa na magsisikap siya nang mabuti dahil yung hirap, gutom at pagod na naranasan niya—nila ni Mama—dahil sa mahirap lang sila ay ayaw niya daw maranasan ko. And as you can see, one of the richest businessman na si Papa sa boung bansa as of now.

The Tale of AzelpradeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon