[Part Two]
***
Nung mag-quarter to eight o’clock na ay tinawag na ng isang party organizer si Violet. Magsisimula na raw kasi ang program.
Dumiretso na si Violet sa pinaka-backstage upang maghanda sa kanyang “grand entrance” na siya namang highlight ng party. Samantala sina Nathan at Rielle naman ay naglalakad-lakad muna sa may garden ng mansion habang inaantay ang pagsisimula ng kasiyahan.
“Shuu…” huminto si Rielle, “Alam mo sa totoo lang, ang weird talaga ang araw na ito…”
“Huh? Bakit mo naman nasabi yun Rielle?” tanong ni Nathan habang pinagmamasdan ang kanyang kaibigan sa ilalim ng liwanag ng buwan.
“Ewan ko… Sa totoo lang wala naman sigurong matinong tao ang makakapag-describe ng isang bagay na ‘weird’ di’ba? Kaya nga weird ehh, kasi kakaiba.” Rielle replied with sarcasm.
“Sabi ko nga ehh.” Nathan chuckled, “Hmm… Rielle, I think you’re just over-thinking things.”
“Hmph. Sino kaya ang nagsasabi kanina na ang weird-weird ko daw?”
“Haha. Oo na. Pati ako weird na rin. Hindi naman tayo magiging mag-best friends kung hindi tayo parehas na weird di’ba?”
“Tama! Hahaha! Sabi nga ni Bossing, ‘Ang pagiging weird ay normal sa isang tao kaya ‘di ka tao kung ‘di ka weird.” Rielle laughed, “At kahit anong weird things pa ang mangyari sa’ten best friends pa rin tayo! Hahaha. Totoo nga talagang ‘birds of the same feathers flock together’!”
Nathan chuckled, “Osiya… Tama na ’tong ka-weirduhan nating dalawa. I think it’s about time we go back. The party’s probably starting by now.”
At pagkasabi niya nito, Nathan motioned Rielle to follow him. And they walked towards the great hall to celebrate their birthday.
Saktong-sakto namang pagdating nila ang pagsisimula ng party.
Naupo na si Rielle sa tabi ng Kuya niya; kasama ang buong pamilya niya at ang best friend ng Kuya Rikku niyang si Harry. Sa kabilang table naman naupo si Nathan sa tabi ng Papa niya; kasama naman nila sa table na ito sina Mr. and Mrs. Ryounosuke.
Inumpisahan ang party ng ‘Grand Entrance’ ni Violet. And as expected, marami ang napahanga sa ganda ng ‘unica hija’ ng mga Ryounosuke. Pina-bongga pa ito ng animo’y pag-ulan ng rose petals habang pumapasok si Violet.
Sinundan ito ng ilang message para kay Violet na nagmula kina Mr. and Mrs. Ryounosuke; ang mga proud parents ni Violet. Hindi napigilang maging emosyonal ng Tatay ni Violet; and after his message, he went out of his way and hugged his daughter.
Kasunod nito ang kainan; ipinunta sa stage ang giant birthday cake ni Violet na napapalamutian ng violet roses. Pero hindi tulad ng inaasahan ni Rielle, hindi ‘ube’ ang flavor nito kundi ‘vanilla’.
“Palibhasa mga pang-mahirap lang na flavors ang alam mo kutong-lupa.” Violet glared at Rielle nung malaman niya ang iniisip nito.
“Grabe ka naman Violet… (T_T)” Rielle said.
Nathan sighed at the sight, “Kayong dalawa… Nag-uumpisa na naman kayo…”
“My… You seem to be enjoying yourselves… (^^)” sabi ng isang boses sa likod nila.
“Maribelle?” Nathan said, surprised, “Andito ka rin?”
Violet thought while glaring at Maribelle, ‘Bakit nandito ‘yang lintang ‘yan? She’s not supposed to be here! Sa party ko! Sino bang nag-imbita sa lintang ‘yan ha at uupakan ko? Hmph! Panira siya ng party ko! Aagawin niya na naman ang atensyon ni Nathan my love! I hate her! (>.<)’
BINABASA MO ANG
The Tale of Azelprade
Teen FictionSabi nga nila to see is to believe.. Pero hindi lahat ng nakikita natin yun na yung totoo.. Wala pa nga tayo sa kalahati sa mga natutuklasan natin sa mundo eh.. Sa ibang mundo pa kaya?? Ano kayang gagawin mo kung mapunta ka sa mundo ng mga Angels, D...