(A/N: Sa chapter na ito, wala po munang POV ang mga characters. Kung nagtataka kayo kung bakit, ito ay para masaya at para gumaan ang pasok ng pera. (^_^) )
[Part One]
Habang lumalalim ang gabi, busy-busyhan ang ating mga bida sa paghahanda para sa party ni Violet.
Matapos ang ilang kantyaw at asar mula sa Kuya niya, masaya si Rielle na nakahanap na rin sila (sa wakas) ng damit na maisusuot niya sa party. Yung disenteng damit ba na hindi pagmumukain si Rielle na mukhang galing 6 feet below the ground. (:D) At ngayon nga, kasama na ni Rielle ang kanyang boung pamilya sa loob ng kanilang sasakyan at bumabiyahe na papunta sa mansion ng mga Ryounosuke.
Samantala, si Nathan naman ay inaantay ang pagbaba ng Papa niya dahil sabi nito ay sabay daw sila sa pagpunta sa party. Nung pababa na ito, nginitian niya si Nathan at sinabing, “Lumalaki ka na nga talaga Nate…”
At sa mansion naman ng mga Ryounosuke… Hindi na magkamayaw ang mga tao sa pagtapos ng mga finishing touches sa hall kung saan gaganapin ang mismong birthday party. Handa na ang mga decorations, ang malalaking speakers para sa sounds, ang stage, ang program proper, at higit sa lahat—luto na ang mga pagkain. (:D)
Ilang minuto pa, natapos na rin ang mga kung anu-anong finishing churvaek na ginagawa ng mga hired professional program organizers sa great hall na pagdarausan ng party. At hindi nga nagtagal unti-unti naman ding napuno ang great hall ng mga bisita—mga business partners ng Tatay ni Violet, mga sikat at makapangyarihang tao, at kung sinu-sino pang mga elitista.
Aakalain mo tuloy na hindi ito isang birthday party kundi isang gathering ng mga “malalaking tao” sa bansa.
Matapos ang mahaba-habang biyahe nina Rielle, dumating na rin sila sa wakas sa mansion ng mga Ryounosuke; and much to their surprise, hindi ang mga hosts ng party ang bumati sa kanila kundi ang mga maids na naka-costume ng panlamig.
Ang tema kasi ng birthday party ni Violet sa taong ito ay “WINTER WONDERLAND”.
Sa loob ng great hall, nangingibabaw ang “icy atmosphere” na sinasabayan pa ng lamig ng mga aircon na nakapalibot sa hall. Ang mga lamesa na napapalamutian ng mga kulay violet na rosas na nakapuwesto sa gitna nito, ay nakapalibot naman sa stage. Yung stage naman ay nasa gitna ng hall. Nangingibabaw ang kulay violet at icy blue sa great hall—hanggang sa kulay din mismo ng mga lobo na nakakalat sa hall.
Pero hindi pa nagtatapos diyan ang drama ng setting. Sa gitna ng hall nakasabit ang pinakamagandang chandelier na makikita mo sa buong buhay mo. Gawa ito sa diamonds at sa bawat pagtama ng ilaw dito, aakalain mong ang pagkinang nito ay parang ang buwan mismo.
Dim-lit din ang buong hall—to create that illusion na nasa ‘winter wonderland’ ka.
(A/N: GRABEEE!!! Ang hirap mag-describe!!! Pagpasensyahan niyo na po sana ang crappy description… (>O<))
In-assist ng mga maids na naka-costume ng panlamig sina Rielle papunta dun sa table na naka-reserve para sa kanila. At dahil namamangha si Rielle sa setting ng lugar na ito hindi niya na napigilan ang sarili, “WOW… (OwO)”
“Hmm…?” ani naman ni Rikku nung mapansin niya ang inaasal ng kapatid niya, “Something’s wrong Rielle?”
“Ha? Ehh… Ano… Wala naman po Kuya… Ang galing kasi ng pagkakagawa ng lugar na ‘to eh! (*O*)”
“Ahh… Oo nga…” smiled Rikku, “Violet’s party are as amusing as ever…”
“Oo nga po eh! Last year nga diba? ‘Alice in Wonderland’ ang tema ng party niya! Tapos nung nakaraang nakaraang taon, ‘Illusions’ naman ang naging tema! Tapos! Tapos! Tapos---“
BINABASA MO ANG
The Tale of Azelprade
Novela JuvenilSabi nga nila to see is to believe.. Pero hindi lahat ng nakikita natin yun na yung totoo.. Wala pa nga tayo sa kalahati sa mga natutuklasan natin sa mundo eh.. Sa ibang mundo pa kaya?? Ano kayang gagawin mo kung mapunta ka sa mundo ng mga Angels, D...