Chapter - 1.3

57 0 0
                                    

[Violet’s POV]

October seven ng kasalukuyang taon; birthday ko, birthday ni Nathan my love at birthday rin nung kutong-lupang Rielle na yun. Ipinagtataka ko talaga kung bakit napakamapaglaro ng tadhana. Kung kelan masaya ako dahil ka-birthday ko yung taong mahal ko e may umepal namang kutong-lupa sa amin. Hmph!

At dahil natapat sa Friday ang birthday ko, regular classes pa rin kami dito sa Platonian Academy. Sosyal ang pangalan ng school namin ano? Haha. Palibhasa kasi panay elitista ang mga nag-aaral dito. Minsan nga’y pinagtataka ko kung paano napasok dito yung kutong-lupang Rielle na iyon.

At speaking of kutong-lupa, meron na namang isang lintang kung makadikit kay Nathan my love wagas ang umeeksena sa love story ko ngayon. Si Maribelle Honera—ang kontrabida ng buhay ko. Well, mas gusto ko siyang tawaging ganun. Epal naman kasi talaga, biruin mo kanina lang e ako lang ang babaeng kausap ni Nathan tapos ngayon nung umeksena siya, nasa kanya na yung spotlight?!? I hate her!!!

Well, ako nga pala si Violet Ryounosuke. Fourth year high school dito sa Platonian Academy, kaklase at kaibigan at kababata ko sina Nathan at yung kutong-lupang si Rielle. Mahilig ako sa kahit anong kulay violet, as my name says at AYOKO NG MGA ASO.

Hmph. Imagine, napakaingay nila. Tahol nang tahol, nangangagat, matatalim yung pangil, hindi malambing, maingay, magulo, tahol nang tahol at higit sa lahat mabaho. Tulad nung kutong-lupang yun. Hmph.

At ngayon naman, nagsimula sa discussion ang Math teacher namin. Math wasn’t really my favorite subject so didn’t really paid that much of attention. Besides, mas active ako sa sports, music and anything involving theater. Of course, wag lang arts. That’s why my favorite subject is obviously MAPEH—which is our third subject, the one that’s before our recess.

Ngayong MAPEH time, we had to prepare for a play. Our play was Romeo and Juliet. It would be presented on English Month, and basically, dahil kami ang first section ng fourth year, we are oblidged to participate in the play. Dahil dito, we had cast lots para malaman kung sino ang gaganap sa mga characters ng play.

First one to get their lots would be the boys. Inaabangan ko nga kung sinong character yung mabubunot ni Nathan my love e! Wahh! Sa pogi niyang iyon, I hope and I know na siya talaga ang magiging Romeo, with me of course bilang Juliet! Oh, bakit, may angal ka? Ako naman talaga ang pinakamaganda dito kaya walang karapatan ang kung sino man na umangal sa kagandahan ko.

Lalo na itong lintang Maribelle na ito…

“Shuu, sinong character ang nakuha mo?” napansin kong tinanong nung kutong-lupa kay Nathan.

“Hmm…” nakangiti si Nathan nang humarap siya kay kutong-lupa. (a/n: tatawagin ni Violet si Rielle na kutong-lupa hanggang sa kung ilang chapter :)) Ipinakita niya kay kutong-lupa yung papel na nabunot niya at pagkatapos nun…

“Violet…” our teacher called out, “You’re last for the girls to draw their lots. And it’s your turn now.” She smiled and gestured me. In turn, I gave out a cold-hearted smile and drew my lot. At ang character na nabunot ko ay…

“Okay class, let us announce the characters of our play.” Our MAPEH teacher said, “The one performing as Juliet is—Rielle! And the one to be performing as Romeo is—Violet! Congrats guys!”

“Ehh? Ma’am bakit nagkapalit ng gender?” the class roared.

“Oo nga?! Bakit ako si Romeo at yung kutong-lupang iyan ang magiging si Juliet?!” I snapped, which made the class quiet. “Of course, I didn’t mean it like that Ma’am. I am actually very honored to play the role of Romeo but can I ask why do I get to play a man’s character?”

The Tale of AzelpradeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon