Hindi pa kami nakakalabas ni Mr. Tuazon sa main door pero rinig ko na ang music. Napansin ko ang napakagandang setup sa tabi ng dagat. May mga nasabit pang lights tapos halos naka-beach dress lahat sila. Parang hindi nagulo kanina ah? Parang hindi nasabugan ng mga baril kanina ‘yung place. Ang bilis naman nilang i-fix ang theme ng party? Kung sabagay napakarami ng mga tauhan ni Mr. Tuazon. As in sobrang dami nila kaya nga medyo natatakot ako. Siguro kaya sinabihan din ako ni Mr. Tuazon na ‘wag magpa-sexy dahil nga maraming boys.
Bigla akong nahiya nang makita ko ang ibang mga schoolmates ko. Mostly sa kanila alam nilang nililigawan ako ni Hans. Ano na lang kaya ang iisipin nila sa akin na ako pala ‘yung asawa ng owner ng school? Iisipin kaya nilang nilandi ko si Mr. Tuazon? Alam kasi ng iba na hinahangaan ko noon ang kagwapuhan ni Mr. Tuazon e.
“Nandito na pala ang newlyweds!” rinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses walang iba kundi ang mommy ko. “My baby girl, congratulations!” Patakbo niya akong nilapitan at hinila ako sa kamay ni Mr. Tuazon at saka ako siniil ng yakap.
Ramdam na ramdam ko ang kaplastikan ni Mom. Parang nakalimutan niya yata ‘yung mga pinagsasasabi niya sa akin. Parang nakalimutan niya yatang ibinenta niya ako kay Mr. Tuazon. Parang nakalimutan niya rin yata na sinabihan akong parang isang basura lang na nakakalat sa bahay namin.
“Ang ganda ng bagong bahay mo, ‘nak. You’re so lucky to Mr. Handsome. Don’t forget about me, huh? Tingnan mo para kang prinsesa sa isang mataas na palasyo,” namamanghang dugtong pa ni Mom at hinalikan pa ako sa pisngi.
Ah, so sweet siya sa akin ngayon kasi may kailangan siya? Pera nga naman oh. Akala niya ba may pera ako na hawak? Akala niya ba mayaman ako porque saksakan ng yaman ‘tong forced husband? Pwes, wala siyang makukuha sa akin ni singkong duling.
“Mom, isama mo na ako pauwi sa atin,” huling pakiusap ko. Biglang nag-iba ang expression niya.
“Huwag kang manggulo sa party ninyo,” sambit niya na may pagbabanta. “Anyway, I need to help Mr. Handsome to assist the guest. Stay ka lang diyan, ah? Since son-in-law ko naman siya. OMG! Nagkaroon ako ng anak na super yaman!” tili niya pang dugtong.
Tulala kong pinapanood ang mama ko palayo sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa kanya pero ang sarap lumuhod para kunin na niya ako pabalik, pero kapag naiisip ko ang pambabalewala niya ay nawawalan ako ng ganang ituring siya bilang nanay ko.
“Wife, ayaw mo bang puntahan mga friends mo?” tinuro ni Mr. Tuazon ang grupo ni Heidi. Nakatingin pala sila sa pwesto namin habang malapad ang ngiti.
Imbis na intindihin ko na lang ang sama ng loob ko sa mommy ko ay patakbo na lang akong pumunta kina Heidi.
“Congrats!” bungad nila at niyakap ako ng sobrang higpit habang ang iba ay kinikiss ako sa pisngi. Ganito kami ka-sweet sa school.
“Shet! Endgame ba naman sila ni Mr. Tuazon e,” natatawang sambit ni Mary.
Pansin ko lang, bakit wala akong nakikitang mga boys from GCC? Huwag niyang sabihin na nagseselos siya?! Argh! Napakacrazy ng taong ‘yon! May mga friends din kasi akong mga lalaki for sure aakalain niyang inaagaw nila ako sa kanya kaya wala siyang ininvite. May sayad talaga si Mr. Tuazon.
“Ang pogi ng husband mo,” kinikilig na sambit ni Hermia habang nakabaling kay Mr. Tuazon na nakasandal sa table habang may alak na hawak.
Bakit niya ako tinititigan? Akala niya ba makakatakas ako? Tsk.
Pero bakit ang hot niya? Tapos nakabukas pa ang ilang butones ng suot niya tapos naka-sandals pa with his mahong na white na hanggang tuhod. Bagay na bagay sa kanya! Shet, nagwapuhan ako sa kanya bigla. Kahit sino siguro maglalaway sa hotness ng taong ‘yon.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Mafia King's Obsession
Action"Apple Gale Fernandez-Tuazon," he teased as he played with my shirt. His breath gives me shiver as I want to run away from him but I can't. I just can't. His smell, his touch, his body, I want him too more than he wants me. Naramdaman ko ang mainit...