CHAPTER 19

393 3 0
                                    

“Bakit?” I asked myself. Napayuko ako sa mga tuhod ko at tahimik na humikbi roon.

Ayaw na ba nila sa akin? Kaya naman pala hindi niya ako matingnan ng maayos n’ong nagkita kami. Bakit siya pumayag? Dahil ba ako ang gusto ni Hans at hindi siya?

Ultimate crush niya kasi si Hans since elementary pa kami kaya hindi ko rin alam siguro na may sama ng loob si Uleula sa akin.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng banyo pero hindi ko inangat ang mukha ko. Naiinis ako sa kanilang lahat! Kasalanan lahat ni Mr. Tuazon ito. Alam kong inikot niya lang ang mga isip ng mga taong nakapaligid sa akin para lang tulungan siya sa kalokohan niya.

“I found out something but I think this is not the right time to tell you. Let me hug you, Apple.” Pwersahan akong hinila ni Mr. Tuazon at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin din siya pabalik. “Pagtiisan mo munang nakakulong ka rito. After our wedding hahayaan na kitang lumabas-labas. Tahan na.” I felt his barehand rubbing my back as if he was giving me a great comfort that no one can give me. Sinasabayan niya pa ang may halong pag-iingat niyang yakap.

“Bakit pati ang kaibigan ko nakisali sa kagaguhan ninyo?” wala sa sariling tanong ko at diniinan ang mukha sa kanyang balikat.

“She told me something.” Binitawan niya ako at hinaplos ang mukha ko gamit ng hinlalaki niya. “Gusto na niyang mawala ka sa buhay niya. She doesn’t like you from the beginning. Is that how true friend works? No, right?”

“Liar! You’re a liar! How am I supposed to believe in you?” Itinulak ko siya at hindi mapigilan ang sariling kamay na dambahan ang dibdib niya. Gusto kong mailabas sa kanya ang galit na namumuo sa puso ko ngayon dahil hindi ko kayang tanggapin na maski si Uleula ay ayaw na rin ako. “You forced me and bought me! Ngayon ay kaibigan ko na naman ang pinupuntirya mo? Sobra ka na! Mas mabuti siguro na magpakamatay na lang ako!”

Bumigat ang dibdib ko na para bang pinuno ng malalaking bato sa sinabi niya. Mahirap paniwalaan dahil siya lang ang naging best friend ko at nararamdaman ko ang pagmamahal niya. Sinungaling siya! Hindi niya ako maloloko.

“Look, I’m not lying.” Sinubukan niya akong hawakan sa kamay ko pero kaagad kong idinala iyon sa likod ko. “She told me that. Can’t you see? Ayaw ka na nilang kasama. Pagtitiisan mo sila? Hindi ko sila sinisiraan sa ‘yo. Naaawa ako sa ‘yo at kung mabuti lang sana ang parents mo ay iuuwi kita pero hindi, e. Naiisip ko na ganyan ang nanay mo, baka masaktan ko lang siya. Just stay with me. Hindi ko ipaparamdam na iba ka. I will love you nonstop. Kahit ako pa ang pinakamasamang tao sa mata mo. Kahit hindi pa ako ‘yung mahal mo, ako mamahalin kita. Ipi-priority kita. Ever since you came here, mas gusto ko nang mag-stay rito kaysa headquarters namin.”

“Why…why me kase?!” nanginig ang ibabang labi ko dahil kanina pa ako humihikbi. Sobrang sakit na sa lalamunan at sa dibdib.

“Because I love you,” pag-uulit niya. Niyakap niya muli ko at suminghap ng hangin sa ulo ko. “No one can replace you in my heart anymore, Apple Gale.”

“Hindi mo ba ako naiintindihan? May manliligaw na ako! May mahal na ako! Paulit-ulit tayo, Mr. Tuazon. You are so selfish! Hindi naman kita gusto e. Paano na lang siya? Ano ang mararamdaman ni Hans kapag nalaman niyang may kasama akong isang lalaki? Ano na lang mararamdaman niya, huh? Hindi mo ba talaga naiintindihan ‘yon?” Tumaas ang tingin ko kahit na luhaan ako. Kahit minsan sana ay makinig siya sa pagmamakaawa ko, na huwag na sana ako ang pakasalan niya.

“It’s okay,” simpleng sagot niya na mas lalong nagpakulo ng dugo ko dahil sa inis. Para sa kanya ay okay lang dahil hindi naman siya ang nasa sitwasyon ko.

“Ang gwapo-gwapo mo at ang yaman-yaman mo, hindi ka mahihirapang mamili ng iba diyan! Hindi ‘yung desperado ka! Maraming mas better sa akin. May nakapagtapos diyan na mababait, magaganda, at kaya kang mahalin pabalik.”

The Billionaire Mafia King's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon