“Mr. Handsome? May kailangan ka?”
Maingay at nagsisigawan ang bumungad sa tainga ko. Panigurado ay nasa club na naman siya. Si Mommy talaga ay feeling teenager kung gumalaw. Ako ba? Iniisip niya ba ako? Hindi kaya ay isang pagkakamali lang ako kaya niya ako pinamigay ng mabilisan?
“Mommy,” sagot ko.
“Hi, my baby girl! Did you miss me? How are you na? Magtabi ba kayong natutulog ngayon ni Mr. Handsome? Satisfy him well, huh?” Pinagsasabi ni Mom?!
“Kumusta po kayo ni Daddy?” tanong ko habang humihiga sa tabi niya. Ang bilis naman niyang makatulog? Nakatanggal pala ang kumot sa mukha niya. Huwag niyang sabihing pagod siya? Tsk. Ako rin naman pagod ah?
“”I’m not well today, anak. Your father and I fought but it’s okay. Don’t worry about us. I can find another man, you know. He is not better. Bakit ka nga pala napatawag?”
Ano? Nag-away sila ni Dad? Ibig-sabihin ay nalaman niya ang tungkol dito?
“Mommy, ipadala mo po si Aileen dito. Sinabihan ko na si Mr. Tuazon at pumayag siya.”
“Walang problema, my baby girl. I’ll hang it up, kailangan na ako e. Bye, baby! Sabihan mo si Mr. Tuazon na sunduin niya si Aileen sa harap ng school.”
Toot toot…
I sighed. Wala talagang pakialam si Mom sa akin at mas pinipili niya ang mga barkada niya kaysa sa akin. Kapag dumating na ang time na magkakaanak ako ay hindi ko ipararamdam sa baby ko na wala akong kwentang ina. Hindi ko ipaparanas sa kanya na mag-isa siya.
Napatingin ako sa phone ni Mr. Tuazon nang mapunta ito sa home. Tinaas ko ang kilay ko dahil ako ang wallpaper niya. Naka-p.e uniform ako habang nakaupo ako sa bench tapos malawak ang ngiti. Kinukuhanan pala niya ako picture patago.
“Ang corny mo,” sabi ko malapit sa tainga niya at inilagay ang phone niya sa table. Nagkumot na ulit ako hanggang leeg ko at nagparating ng tulog, pero bago ako nakatulog ng maayos ay tinitigan ko muna si Mr. Tuazon.
Palaisipan pa rin sa akin na kung bakit sa dinami-dami ng magagandang babae ay bakit ako pa?
Maswerte na ba talaga ako kung mapupunta ako sa kanya? Sa yaman niya at sa gwapo niya ay masasabi ko na okay naman siya. Nagbibigay siya ng pagkain at sweet magsalita pero nakakatakot kapag nagalit. What if nagalit ko siya tapos bigla niya akong sampalin, ‘di ba?
— MORNING —
Ang aga namang wala ni Mr. Tuazon? Alas sais pa lang. For sure nakalock ang pinto kaya nagpatuloy na lang ako ulit sa pagtulog. Nagising akong muli nang may nagbukas sa pinto at iniluwa siya na may dala-dalang isang tray. Medyo pawis pa siya. Ang hot niya kung tingnan.
Argh! Nahahawa ka na sa kanya, Apple.
“Good morning, my queen. I cooked your breakfast. Let’s eat together and I’ll eat you later,” aniya at inihapag ang pagkaing dala niya sa kama. Dalawang tray na pala ang nailagay niya. Siguro ay nagising na lang ako ulit sa pangalawang pagpasok niya.
Wait? Ano raw?! “Gusto mong tanggalan kita ng ngipin? Anong I’ll eat you later ka diyan?” Imbis na magulat sa galit ko ay napahalakhak lamang siya.
“This food is full of my love. Kain na?” Tinabihan niya ako at tinulungan niya akong makatayo.
Omelette ang niluto niya tapos mayroong hotdog and bacon na nakaseparate. Mayroon pa akong mainit na gatas na katabi ng tubig. Kinuha ko ang tubig at ininom ito dahil pakiramdam ko ay nanuyo ang lalamunan ko magmula kagabi.
“Iihi lang ako,” paalam ko at maingat na bumaba sa kama. Baka magkamali ako at maitapon ko pa ang mainit na gatas.
“I’ll wait for you here,” sabi niya at ngumiti ng matamis. Kinindatan pa ako. Tinaasan ko siya ng kilay bago ako tuluyang pumasok sa banyo at inayos ang sarili ko. Naka-nighties pa pala ako. Hindi naman masyadong revealing. Siguro naman ay hindi naman ako mamanyakin ni Mr. Tuazon.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Mafia King's Obsession
Aksiyon"Apple Gale Fernandez-Tuazon," he teased as he played with my shirt. His breath gives me shiver as I want to run away from him but I can't. I just can't. His smell, his touch, his body, I want him too more than he wants me. Naramdaman ko ang mainit...