APPLE GALE’S POV
“Mommy, parang awa mo na!” Kanina pa ako humahagulgol sa pagmamakaawa pero parang wala siyang naririnig. Hinahampas niya lang ang hita ko kapag naiirita na siya sa akin.
“Ano bang ayaw mo kay Mr. Tuazon?! Pogi ‘yon at mayaman. Bibigyan ka niya ng magandang buhay! Ano pang inaarte mo? Once in a blue moon lang ang mga gan’ong tao!” katwiran pa niya.
“Wala akong pakialam, ma! Kaya kong maghanap ng gwapo at mayaman nang hindi mo ako pinipilit! Wala akong kalayaan sa taong ‘yon! Kinulong niya ako, mom! And he even kissed me with his force! Tama ba ‘yon? Gawain ba ng tunay na lalaki ‘yon?” At pwede ba? Makaramdam naman sana siya sa akin ng awa! Kahit naman na hindi niya ako gusto ay sana naman ay may pakialam pa rin siya.
“Imposible naman na habang buhay kang ikukulong ni Mr. Tuazon? Mag-isip ka nga! Siyempre iisipin niya na tatakasan mo siya kaya ka niya ikinulong! Paano ka nakatakas, huh? Gusto mo ba talaga akong mamatay sa kamay niya?”
“Mommy naman, hindi mo ba ako talaga mahal as your daughter, huh?” Mas mahal niya ba ang sarili niya kumpara sa anak niya na pinahihirapan ng Mr. Tuazon na ‘yon?
“Tumahimik ka, ayoko ng drama. Ayan na si Mr. Tuazon.” Napakapit ako ng mahigpit sa seatbelt nang makita kong prenteng naghihintay si Mr. Tuazon habang nakasandal sa kanyang luxury car.
“BABA!” singhal ni Mommy at siya na mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko. Hindi ako bumaba habang sinasamaan ng tingin si Mr. Tuazon. Binuksan ni Mommy ang pinto kaya’t umiling-iling ako. “BABA!” singhal niya ulit at sinabunutan ako. Wala akong nagawa kundi ang bumaba at kumapit sa kamay niya.
“Why took you so long?” walang pasensyang tanong niya habang sa akin nakatingin.
“Mr. Tuazon, I’m sorry sa nagawa ng anak ko.” Itinulak ako ng malakas ni Mommy na ikinalaki ng mata ko. Nailapat ko ang mga palad ko sa braso ni Mr. Tuazon nang saluhin niya ako.
“It’s fine. You can go.” Tatawagan ko pa sana si Mommy pero kaagad na siyang nag-drive paalis sa amin. Iniba ko ang ekspresyon ng mukha ko namg humarap ako sa kanya. Malamig niya akong tinitigan na para bang ayaw niya ang ginawa kong pagtakas.
“We will talk,” otoridad nitong sabi at hinila ako papasok sa kotse. Wala na akong nagawa kundi ang magpatangay dahil alam kong wala naman akong magagawa sa kanya.
Talaga bang I’ll end up with this man? Nakalaya na ako eh pero nakagawa pa rin siyang paraan para maibalik ako sa kanya. Kung hindi lang sana ako ibinalik ni Mommy sa kanya.
“Mr. Tuazon, tapatin mo nga ako.” Binasag ko na ang katahimikan dahil nakakabingi. Nakabusangot pa siya habang nagmamaneho. “Bakit ako, huh? Bakit ako? Hanap ka kaya ng maganda! Maganda, maputi, sexy, malaki ang boobs, pwet, lahat! Diyos ko, bulag ka ba? Ang pangit ko lang!”
“I’ll punish you for escaping my island,” balewalang sagot niya sa sinabi ko.
“Anong gagawin mo? Sasakalin mo rin ako?” Taas na kilay na tanong ko. “Ikaw yata ang anak ng mommy ko e. Magkaugali na kayo,” pagtawa ko ng sarkastiko.
“Oo sasakalin kita…sa kama.” Nangilabot ako sa kanyang sinabi kaya hinampas ko ang kanyang radio screen. “The heck! Stop touching anything in here!" bulyaw nito at hinawi ang kamay ko.
“Ang sungit mo ha! Iikot ko ‘yang steering wheel eh nang maaksidente tayo eh,” pag-irap ko at padabog na umayos ng upo.
“Ayos lang. Till death do us part tayo, my baby.”
Nasusuka ko siyang binalingan. “Mama mo baby!”
“Huwag mo palaging dinadamay ang mama ko. Patay na siya. Baka gusto mong ipamulto kita sa kanya?” Natahimik ako sa aking narinig. Parang na-hurt siya doon sa sinabi ko pero I’m not gonna say sorry! Duh. “You need to deal with me pagkauwi. Tatakas ka pa, huh?”
BINABASA MO ANG
The Billionaire Mafia King's Obsession
Acción"Apple Gale Fernandez-Tuazon," he teased as he played with my shirt. His breath gives me shiver as I want to run away from him but I can't. I just can't. His smell, his touch, his body, I want him too more than he wants me. Naramdaman ko ang mainit...