CHAPTER 44

434 4 0
                                    

"Adri, don't hurt me," nakangusong pakiusap ko at niyakap siya. Katatapos lang naming mag-quickie.

Hihi...landi lang.

Hinaplos niya ng likod ko at nandoon ang pangangamba niya maging ang pagtataka niya.

"Why do you keep saying that I will hurt you? May nagsabi ba sa 'yo niyan?" Pinag-isa niya ang kanyang mga kilay. "I won't hurt you, wife. Bakit ko naman gagawin 'yon? Alam ko na kapag sinaktan kita ay iiwan mo ako at saka kahit na ganito ako hindi ako nananakit ng babae. Sisigawan ko, oo, pero 'yung pagbuhatan ng kamay? Malabo, wife. Hindi ko 'yon nakitang ginawa ng dad ko sa mom ko n'on, bakit ko gagawin? I don't want them to feel disappointed in their child," dugtong niya.

"E-Eh b-bakit..." Hindi ko masabi-sabi ang nakita ko dahil natatakot ako na baka bigla siyang umamin na balak niya talaga akong patayin kasama ang nanay ko. "What if nagkababy tayo. Baby lang ba ang mamahalin mo?" tanong ko.

Natatawa niyang kinurot ang pisngi ko.

"Ang cute mo. Alam mo tara na nga sa labas, may ipapakita pa ako sa 'yo," pag-aya niya at inakbayan ako. Hindi man lang niya sinagot ang seryoso kong tanong. Ibig-sabihin totoo 'yung balak niyang nakasulat doon sa notebook niya.

"Hi, ganda!" bati ni Clyde sa labas. Ngayon ko na lang siya nakita, ah? Ang dami niyang hickeys sa leeg!

Speaking of hickeys, ito 'yung sa akin kailangan ko pang gamitan ng concealer, tsk! Adrious Caesar talaga napaka-agressive kung maglagay ng hickeys. Dinagdagan niya pa ng tatlo n'ong nag-quickie kami.

"Saan ka galing?" nakataas na kilay na tanong ni Adri. Parang mag-ama sila ngayon, pfft!

"Secret!" mapanlokong sagot ni Clyde at kinindatan pa ako. Dinilaan ko siya at inirapan.

"Bumili ka ng miryenda natin," utos ni Adri at binunot ang kanyang wallet. Nagrereklamo ng mahina si Clyde habang nagkakamot. "Bilis na!"

"Ang dami mong uutusan bakit ako pa?" reklamo ni Clyde at hinablot 'yung mga pera na inilahad ni Adri.

"Wala akong tiwala. Minsan nang napoison si Apple. Bilis na, bibigyan kita ng reward pagbalik mo."

Mahilig talaga siyang mang-uto, hays.

"Iyong jewelry ko nga hindi mo pa binigay!"

"Bibigay ko."

Natatawa kong pinagmamasdan si Clyde na nagmamartsa papunta sa mga nakaparadang kotse. Nagdadabog pa.

"Wife, I'll show your crown," inakbayan ako ni Adri.

"Crown?" ginawa talaga akong reyna, huh? Anong akala niya nasa fantasy world kami?

"Yeah. Pinagawa ko lang naman," aniya. Sa loob pala ng mansyon kami pumasok sa third floor. Sa third floor ay dalawa lang ang pinto rito tapos sa fourth floor dalawa din.

Pumunta kami sa dulo nitong hallway. Kinuha niya ang susi sa ilalim nung vase at binuksan niya ito. Bumungad ang amoy ng tanso or ginto? I don't know, basta amoy ng mga jewelry.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang buong kwarto. Shit! Is this even real?! Napapalibutan kami ng mga ginto! Tapos sa gitna ay may dalawang crown. Dalawang crown na same design pero hindi pareho ang size.

"S-Sa 'yo lahat 'to?"

Grabe naman ang yaman ng taong 'to! Saan niya nakuha lahat ng gintong 'to?

"From mining, I collected all of that. I only found out 7 years ago that my parents actually have tons of gold, so most of it belongs to them. I just had jewelry made," he explained. "My members are diligent in searching for treasure gold or mining," he added as he embraced me. "Siyempre mayroon din silang parte. Nakikita mo lang silang ganyan pero lahat ng mga tao rito sa labas ng isla na 'to ay mayroon silang gintonf kutsara sa bibig."

The Billionaire Mafia King's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon