“Masaya ako na maraming dumalo sa imbitasyon namin,” panimula nung nagsasalita sa harap. Nakita ko na may kausap na babae si Adrious habang hawak niya ang vegetable salad ko.
Sino naman ang kausap niya? Akala ko ba hindi siya interested sa ibang girls? Kainis talaga ang Gurang Tuazon na ‘to!
Napagtanto ko na bigla ‘yung Agatha pala ‘yung kausap niya. Kulit talaga ng malanding ‘yon! Palibhasa ay papansin kay Adrious!
“Bago tayo dumako sa ibabahagi kong bago ninyong task, gusto ko munang banggitin ang mga taong mayroong achievements nitong buwan. Alam ko na magkaaway kayong lahat, pero kapag nandito kayo sa underground house ay pamilya tayo. Okay?” pagpatuloy nung speaker.
Ang daming umatungal sa salitang ‘pamilya’.
Paglapit ni Adrious, nakangiti niyang inihapag ang pagkain ko. “Eat well, my baby,” aniya at hinalikan ako sa noo. “And I’ll eat you nonstop later.”
Kinurot ko siya ng mahina sa huling sinabi niya ngunit tumawa lamang siya ng mahina.
“Anong pinag-usapan niyo nun?” nginuso ko ‘yung si Agatha na kasama si Grego? I think si Grego ‘yon. Nakayakap pa si Grego sa baywang niya. Aba! Matapos niyang sabihin na pinaglalaruan niya lang si Grego? Kapal ng mukha! Sinong susunod na lalandiin niya? Si Clyde? Tapos nilalandi niya pa ang asawa ko? Eh gago pala ang Agathaninang ‘yon.
Pero babakuran ko si Adrious ngayong gabi. Baka magkagalis pa si Adri kapag lumapit siya sa Agathangina na ‘yon. Hindi lang pala ngayon. Lifetime ko ng babakuran ang asawa ko.
“I don't know. I was listening to Grego. I don't care about her, okay?”
“K. Gusto mo?” tumusok ako ng isang letuce na mayroong mangga sa itaas at ham. Sinubo naman niya ‘to at tumulo pa sa kanyang gilid ng labi. Kumuha ako ng tissue at pinunasan ang bibig niya. “Sarap?”
“No.” Napabusangot ako sa sinagot niya. Arte naman.
“Gusto kong tawagin si Mr. Isaiah Thomasville dahil nagkaroon siya ng bagong property at hundred members. Lalong napakalakas ang kanyang grupo. Will you stand up, Mr. Isaiah?” nagpalakpakan ang mga tao nang tumayo ang isang lalaki na medyo kaedaran lang ni Adrious.
Lumapit si Clyde sa amin habang malapad siyang nakangiti. May kiss mark siya sa pisnge niya at kung makangiti ay para bang nanalo sa isang malakihang sugal.
“Wow! Ang pretty naman ng aming queen,” aniya at umupo sa tabi ko pagkatapos ay inakbayan ako. Napalayo naman siya nang itulak siya ni Adrious.
“Fvck you!” malutong niyang mura kay Clyde at hinapit ako sa baywang. “No one can touch my wife!” possessive niyang sabi. Napatitig ako sa kanya at kusa ang kamay kong napayakap sa katawan niya.
Ang sweet! Nakakakilig.
“Grabe naman parang friendly akbay lang e,” umirap si Clyde at umayos na ng upo. Bigla niyang hinila ang plato ko na may vegetable salad at nilantakan ‘yon nang hindi man lang humihingi sa akin.
“Adri oh,” pagsumbong ko at ngumuso. Pinaghirapan pa ni Adri ang pagkuha niyan dahil malayo ‘yung table na may mga food!
“Titikman ko lang!” depensa niya at halos ubusin na niya lahat ng pagkain ko.
“Hayaan mo na. Mabulunan sana. At baka matanggalan ko ‘yan ng ulo,” bulong ni Adrious at mas isiniksik niya ako sa katawan niya. “Patay gutom,” dagdag niya pang bulong. Patago kong tinawanan si Clyde.
Ang cute ni Adri!
“Next naman, si Mr. Sebastian Degalto na nanalo sa casino ng twenty billion!” Tumayo naman ‘yung Sebastian na kaway-kaway pa na akala niya ay ikinaguwapo niya ‘yon.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Mafia King's Obsession
Acción"Apple Gale Fernandez-Tuazon," he teased as he played with my shirt. His breath gives me shiver as I want to run away from him but I can't. I just can't. His smell, his touch, his body, I want him too more than he wants me. Naramdaman ko ang mainit...