“Wife, kung ano man nagawa ko, we can discuss about that,” nakataas na mga kamay na pakiusap ni Adrious.
I shook my head slowly. Nananaksak ang mga paningin ko. Lalo kong itinutok ang baril kaya’t may pumipigil sa kanyang lapitan niya ako.
“In the first place I don't want to be your queen! Sana pala binalikan ko na lang si Hans tutal kahit naman mahal kita ay may part pa rin sa puso ko si Hans! Sana binalikan ko na lang siya kung alam ko rin na mababalewala lang pala ang pagmamahal ko sa ‘yo,” nanghihingalong bigkas at kita ang pagnginig ng kamay ko sa baril.
“Apple Gale! I don't understand you. Why? What happened? Why are you suddenly acting like this?” Nakalamukot na mukhang tanong niya at puno ng confusion ang hitsura.
“I know everything! I know that after I gave you an heir you’ll kill me! Bata lang ang habol mo sa akin, you don't love me! You never love me! I expect that you will be the best man in my life, Adrious. Tinanggap kita ng buong-buo at minahal kita ng kusa pero hindi ko hinangad na mawala sa mundo. I just want to be loved and live, Adri…bakit mo pinagkakait ‘yun sa akin?” nababara ng pag-iyak ko ang lalamunan ko at hirap na hirap pang magsalita dahil sinasabayan ng paghagulgol ko ang pagsasalita.
Dahil ba I'm a useless daughter kaya ako nakakarma?
“Wife, what are you talking about? Didn't we discuss this already? That's not true! I just made it up, okay? I love you so much, how could I ever hurt you? You are the one who brought color to my life, Apple Gale. When my parents passed away, my life became dark, but you colored it. Why would I hurt you?”
Bumaba na ang kanyang mga kamay at dinilaan niya ang nanunuyong labi.
“STOP IT! Stop your bullshit words! Hindi na ako magpapadala sa ‘yo, Adrious! I don't want you anymore in my life! Gusto na kitang isuka!”
Kinasa ko ang baril habang humahakbang paatras. Hindi siya natatakot at pilit na humahakbang papalapit sa akin.
“Anong gusto mong gawin ko para maniwala ka? Apple, ayokong iwan mo ako. Mahal na mahal kita.” Mukhang pinipigilan niya rin ang emosyon niya.
Nagbabanggaan ang galit at lungkot sa dibdib ko kaya maging ang kaisipan ko at naguguluhan na rin kung ano ang dapat kong gawin.
“Mahalin mo ‘yung ginto mo! ‘Yung isla mo! ‘Yung mga equipments mo! Lahat ng ‘yon mahalin at yakapin mo dahil iyon naman ang mahalaga sa ‘yo! I'm just a toy, right?”
He shook his head. “No…you're the most important person in my life, Apple Gale, please believe me,” mahina nitong pakiusap.
Umiling ako ng ilang beses at hindi na ninanais pang pakinggan siyang muli. Kapag pinakinggan ko siya maging ang sarili ko ay bibiguin ko. Kapag pinakinggan ko siya ay para ko na rin hinayaan ang sarili ko na maloko ulit sa ikatlong pagkakataon.
“Tapusin na natin ang pagiging mag-asawa natin. Maghanap ka na lang ibang babae na magbibigay sa ‘yo ng anak at willing magpakamatay para sa ‘yo. I can't give you what you want, Adrious.” I lowered his gun. “Don't chase after me.”
“Apple, no,” nagsusumao ang boses niya.
“Sabi ko huwag mo akong sundan.” Itinaas ko muli ang baril niya at tinutok ito sa kanya, sa mismong ulo niya. Tatakutin ko lang siya para hindi na siya sumunod. Ayoko na…ayoko na sa kanya.
I'm so tired of being stuck in his life.
Ilang beses ko siyang inintindi at kahit na napapahamak ako dahil sa kanya ay okay lang kasi love ko siya tapos ganito lang pala ang gusto niya.
“Hayaan mo na akong umuwi sa amin.”
“No! I won't let you leave me. I love you, I won't let you go. We can fix this, right?” He smiled bitterly. He took a few steps and as if he was ready to embrace me. “Baby, kung ano man ang nakita mo o narinig mo, gawa-gawa ko lang ‘yon. Malinis ang intensyon ko sa ‘yo.”

BINABASA MO ANG
The Billionaire Mafia King's Obsession
Action"Apple Gale Fernandez-Tuazon," he teased as he played with my shirt. His breath gives me shiver as I want to run away from him but I can't. I just can't. His smell, his touch, his body, I want him too more than he wants me. Naramdaman ko ang mainit...