“Here, wife.” Nangasim kaagad ang mukha ko nang ipahawak ni Gurang Tuazon ang isang baril.
“No!” tinabig ko ang kamay niya at lumayo.
After kong nagswimming ay gusto niya i-train na niya raw ako dahil nasasayang daw ang oras. Ni hindi nga ako nakapag-pahinga!
Pero ang sarap mag-swimming sa dagat dahil maligamgam ang tubig. Parehas kami ni Aileen na nag-enjoy sa tubig. May mga sumali pa nga na mga tauhan niya pero malayo sila sa amin dahil tinutukan ba naman sila ng baril ni Gurang!
Eh hindi naman ako minamanyak ng mga tauhan niya e! Bait-bait nga nila sa akin. Super possessive, tsk!
“Apple Gale Tuazon,” matigas na may halong pagbabanta. Kina-reer talaga ang Tuazon sa dulo ng name ko, huh?
“Kasi naman e!” ipinadyak ko ang mga paa ko bago ko kunin ang baril. “I don’t know how to use this! Why so kulet naman kase?!”
“That’s why I am teaching you. Argh! Wife, I’m being impatient.” Napapakamot na lang siya sa panggigigil niya. Aba, subukan niya akong bulyawin at makikita niya ang hinahanap niya. “Why can’t you follow my instructions?!”
“Ayan ka na naman…” Nagagalit na naman siya. Alam niyang natatakot ako sa kanya e. “You’re mad again…” I pouted. Nanunubig na naman ang mga mata ko. Argh! Mga babae talaga ang daling umiyak sa walang kwentang rason.
“Hindi na. Hindi na ako magagalit. Makinig ka kasi!” walang pasensya niyang sabi at hinawakan ang kamay ko kung nasaan ang baril. “Wife, kung hindi matigas ang ulo mo hindi ka mapapagalitan sa akin. Kahit ako ayaw kitang pagalitan nagmumukha akong kuya mo e.”
Hindi naman matigas ulo ko ah? Hindi ko lang talaga gustong hawakan ‘yung gun kasi nakakatakot.
“Ayan kasi, nag-asawa ng mas bata,” natatawang sambit nung Grego na nanonood sa amin. Apat kaming nandito sa training area at ‘yung mga guards ay nasa may pinto. Si Clyde na kanina ko pa naririnig dahil dinadaldalan niya ‘yung si Grego. Grabe, dinaig pa ang alarm clock sa daldal nung lalaking ‘yon.
“Excuse me? I’m not bata!” inirapan ko siya at bumaling kay Gurang Tuazon na inaayos ang bullet nung gun.
“Sabi ko ‘mas bata’,” he corrected. “Pero cute.” Kumindat pa siya. So weird. Hindi man lang ako kinilig sa ginawa niya. Kung si Gurang kikiligin pa ako.
“At ang arte maghawak ng baril. Naku, patay ka na bago ka maka-jackpot sa kalaban. Hays. Deserve ng mga babae na ano ‘yung hawakan nila at hindi baril,” sabat nung si Clyde.
“Adri oh!” pagsumbong ko at kinapitan si Gurang Tuazon sa kanyang braso. “Si Clyde…”
“Two of you, get out! Lalo ka na!” idinuro niya si Clyde. Kanina niya pa ako tinatawanan at inaasar. Kaya hindi ako makasimula dahil nahihiya rin ako sa mga friends ni Gurang.
“Ayoko nga!” pagmamatigas niya. “Manonood ako! Sarap kaya panoorin ni Apple.”
“Then behave. At ikaw naman kasi, Apple Gale, just focus, ‘wag mo silang pansinin,” baling niya sa akin habang nakakunot ang noo.
“So, it’s my fault?” Tinaasan ko siya ng kilay.
“No, wife. Just please, focus. Aalis pa tayo mamaya e,” kumamot siya sa kanyang batok. Nai-stress na siya sa akin. Kawawa naman.
“Hindi kasi ganyan ang humawak ng baril!” reklamo ni Clyde. “Ganito oh! Ganito!” kumuha siya ng isang baril at ipinakita sa akin paano humawak.
“Oh, ikaw na magturo oh!” sarkastiko kong inilahad ang baril at inirapan siya.
“Asan?” Tumayo siya para kunin ang baril pero pinalo ni Gurang Tuazon ang kanyang kamay.
BINABASA MO ANG
The Billionaire Mafia King's Obsession
Action"Apple Gale Fernandez-Tuazon," he teased as he played with my shirt. His breath gives me shiver as I want to run away from him but I can't. I just can't. His smell, his touch, his body, I want him too more than he wants me. Naramdaman ko ang mainit...