“Bakit hindi mo sinabi sa akin na namomroblema ka pala?” kunot-noong tanong ko kay Adri. Nandito kami ngayon sa T.Corp at dumiretso sa office niya. Nakaupo kami pareho sa mahabang sofa niya.
Ganito lang ako pero kakagaling ko lang sa pakikipagsabunutan.
Paano kasi ‘yung isang employee niya narinig ko pera lang daw habol ko kay Adrious tapos iiwan ko lang din daw siya kapag nakuha ko na gusto ko. Tapos mukha raw akong sampong anak! Ayun nakatikim ng sampal at sabunot sa akin…hehehe. Kung hindi lang ako pinigilan ni Adri siguro kalbo na ‘yun.
At saka within that hour tinanggal siya ni Adri sa trabaho niya. Naawa ako pero kasalanan naman niya kaya ‘di na ako naaawa.
Anu daw?
As usual nakakalupot na naman ang braso niya sa katawan ko.
“I don't want you to worry. I'm sorry because this is the reason why I scolded you that day. I had a lot of problems at that time, so I took out my anger on you. Sorry, wife,” he kissed me on the lips gently. Parang pinapahiwatig niya na humihingi siya ng sorry sa kiss niya.
“Ano ka ba? Naiintindihan kita. Next time sabihan mo ako, huh?” kinalbit ko ang kanyang braso gamit ng siko ko.
“Opo, promise,” parang bata nitong sagot. “Bango bango ng wife ko,” inipit pa niya ang boses niya. He kissed my collarbone up to my neck.
Napabitaw siya sa pagkakayakap niya sa katawan ko at napalitan ng blangkong ekspresyon nang pumasok si Grego sa office. Parang maliit na pusa na nag-turn ng mabangis na tigre ang nangyari sa kanya ngayon.
“Kunwari ka pa. Huwag ka nang mahiya magpababy ka na sa asawa mo,” sabi ni Grego at ibinagsak ang sarili sa kabilang sofa. “Nakita ko naman din ‘yun.”
“Tanga, akala ko ibang tao.” Ngumiti si Adri sa akin at yumakap muli ng parang bata katulad kanina.
“Baliw na baliw ka talaga sa asawa mo,” pag-iling ni Grego habang umiinom ng chuckie chocolate drink.
Mga gurang na ‘to feeling mga bata pa.
Sana nandito si Clyde. Siguro masaya silang tatlo kung nandito siya.
“Gusto ko sanang mamasyal sa church. Sisindi lang ako ng kandila. Sasamahan mo ba ako?” Tanong ko kay Adri.
“Sige,” pagpayag niya isiniksik muli ang mukha niya sa leeg ko. Parang bata talaga. Ako naman ay hinahaplos lang ang kanyang likod.
“Baka masunog ka,” natatawang biro ni Grego.
“May tumbler akong dala, ako na bahala,” pagsasakay ko sa biro niya. Bumusangot naman ang isa. “Biro lang, honey.”
“Let’s go!” He quickly urged and pulled me. “I will also be visiting the GCC. I had to check on my students and greet them.”
Hihi, excited ako! For sure nandoon pa ‘yung mga dati kong prof. Ano kayang reaskyon nila kapag nalaman nilang kasal ako sa owner ng GCC?
Nasa daan pa lang at hindi pa nakakasakay sa kotse nang may nakita kaming isang lalaki na kung tumakbo ay parang siya si Flash.
“Is that your bebe love?” Mapait na tanong ni Adri.
“Bebe love ka diyan!” Bumaling muli ako sa lalaki. Napabitaw ako kay Adri at nilapitan siya nang bigla siyang yumuko, nakahawak sa magkabilang tuhod at humihinga ng malalim. “Hans?!”
Naka-formal attire siya at may bulaklak sa kanyang dibdib.
“Apple!” Bigla niya akong sinunggaban ng yakap at humagulgol habang nakabaon ang mukha sa leeg ko. “Ayokong magpakasal sa kanya! Hindi ko siya mahal ikaw lang ang mahal ko!” Paghagulgol niya at napakapit sa balikat ko. “Tumakas ako sa kasal namin dahil hindi ko kayang um-oo kay Uleula. Hindi ko siya gusto at hindi ko siya kayang mahalin.”
BINABASA MO ANG
The Billionaire Mafia King's Obsession
Action"Apple Gale Fernandez-Tuazon," he teased as he played with my shirt. His breath gives me shiver as I want to run away from him but I can't. I just can't. His smell, his touch, his body, I want him too more than he wants me. Naramdaman ko ang mainit...