CHAPTER FOUR
“PAG-ALMUSALIN mo muna ang bisita mo,” utos ng mama niya nang pababa na siya ng hagdan.
Nagulat siya nang makitang nakaupo si Vince sa isang sofa. Nagtaka siya kung ano ang ginagawa nito sa kanilang bahay nang ganoon kaagang oras.
“Huwag na ho,” magalang na tanggi nito. “Baka ho ma-late sa school si Lady. Ihahatid ko na ho siya.”
Napakunot-‐‑noo siya. “Sige, Ma.” Humalik siya sa pisngi nito. Sumunod na sa kanya si Vince palabas ng bahay.
“Mabait pala ang mama mo,” anito nang nakasakay na sila sa kotse nito.
“Ano ang sinabi mo sa mama ko?”
“Sabi ko, brother ako ni Randy at girlfriend kita,” tila walang anumang sabi nito.
“Sinabi mo ‘yon?” Hindi makapaniwalang napatingin siya rito.
Nagkibit-balikat lang ito habang nakatingin sa daan.
“Ano ba talaga ito? I-I mean, why all of a sudden ganito ka sa a-akin?”
“You’re my girl.”
“I am not your girl!” mabilis niyang sagot.
Nainis siya.
“Don’t tell me, nakalimutan mo na ang sinabi mo sa akin the other day? You proposed to me, remember?” Ngumiti ito at saglit na sumulyap sa kanya.
“Hindi ako nag-propose sa ‘yo, ang yabang mo talaga!” Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. “Okay, I’ve told you na type kita but it doesn’t mean na girl mo na ako.”
Inihinto nito ang kotse sa park malapit sa school niya.
“But—” Humarap ito patagilid sa kanya; halos magkadikit na ang kanilang mukha sa lapit nito. “I told you I like you, remember?”
Lumapat ang mga labi nito sa kanyang makikipot at mapupulang labi. Hindi niya malaman kung dahil sa pagkabigla kaya siya nahipnotismo at hindi niya ito nagawang itulak. The kiss was very gentle. Napapikit siya. Pakiramdam niya’y huminto ang kamay ng orasan at umiikot ang kanyang paligid.
“Do I need to prove that you’re my girl now?”
Pilyo ang pagkakangiti nito nang maghiwalay ang kanilang mga labi.
“T-thank you for the r-ride.” Walang masabing bumaba siya ng kotse kahit malayu-layo pa ang school niya sa kinaroroonan nila. Maglalakad na lang siya.
“See you,” narinig niyang sigaw nito pero hindi siya lumingon.
HALF day siya sa school dahil absent ang teacher nila. Tulad ng dati ay nagtuloy siya sa tambayan.
“Tsong, yosi,” alok sa kanya ni Weng.
Hindi niya tinanggihan ang alok nito. Inisip niya kung sasabihin ba niya kay Randy ang bagong development nila ng kapatid nito. Na girlfriend na siya ni Vince. Na panalo siya sa pustahan. Nag-alangan siya.
“Mukhang malalim ang iniisip natin,” puna ni Weng nang makitang mabilis niyang naubos ang sigarilyo.
“Si Art?” iwas niya.
“Wala pa. Bakit hindi mo kasama si Randy?”
“Nasa school pa.”
“Uy, ang aga n’yong dalawa,” kantiyaw ni Omeng. “Mag-iinuman ba tayo?”
“Tange, wala pa sina Art,” sagot ni Weng.
“Sige, inuman tayo,” yaya niya.
“Teka nga, may problema ba?”
YOU ARE READING
Naghihintay Sa Iyong Pag-ibig by Jennie Roxas
Ficção GeralNAGHIHINTAY SA IYONG PAG-IBIG by Jennie Roxas Published by Precious Pages Corporation "I love you at gusto kong ipagmalaki sa buong mundo na girlfriend kita." ©️Jennie Roxas and Precious Pages Corporation