Chapter Eleven

213 4 0
                                    

CHAPTER ELEVEN

NAGISING si Lady sa malamig na hanging dumampi sa kanyang balat. Bakit malamig? Nasaan ako? tanong ng isip niya. Nang maalala niya ang nangyari sa palengke ay mabilis siyang napabangon. Muntik na siyang mapasigaw nang matuklasang wala siyang suot na damit. Tanging kumot ang tumatakip sa kahubdan niya. Iniikot niya ang tingin sa paligid. Kinabahan siyang lalo nang makitang bumukas ang pinto ng banyo. Mabilis na gumana ang kanyang isip. Inabot niya ang flower vase at nang bumukas nang tuluyan ang pinto ay binalibag ang kung sinumang lumabas mula roon.

“Hoy!” Nasa mukha ni Vince ang pagkagulat na mabilis na nakailag. Nakatapis lang ito ng tuwalya.

Gulat na gulat siya nang makita ito. “Vince!”

“Gising ka na pala.” Lumapit ito sa kama.

“Ano’ng ginawa mo sa akin?” malakas niyang sabi. Napaupo siyang bigla. Mabuti na lang at nahawakan niya ang kumot. Kung hindi ay nahubaran na siya.

“What do you think?” Puno ng kapilyuhan nang ngumiti ito.

“You raped me,” hindi makapaniwalang akusa niya. “Hayop ka!” Dumampot siya ng unan at ibinalibag dito.

“Wait!” pigil nito sa kanya. Nilapitan siya nito at hinawakan sa kamay.

“H-­hayop ka!” Pinagbabayo niya ito sa dibdib.

Mahal niya ito pero hindi niya mapapatawad ang nginawa nito. Nang hindi siya nito mapatigil sa pag-­iyak ay bigla siya nitong siniil ng halik sa mga labi. Nung una ay nanlaban siya ngunit nang lumalim ang paghalik nito ay tila nakalimutan niya ang lahat. Ang mga kamay niyang kanina ay humahampas dito ay mahigpit nang nakayakap sa katawan nito.

“Kahit kailan ay hindi ako nanre-rape ng babae,” humihingal na sabi nito nang pakawalan ang kanyang mga labi. “I know how to get my woman.” Muli, dumampi ang mga labi nito sa kanya.

“Vince...”

“Mas masarap akong humalik sa daddy ko,” anas nito.

Tila siya binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. Lumipad ang kamay niya sa pisngi nito. Nagulat ito sa ginawa niya kaya nang itulak niya ito palayo sa kanya ay hindi siya nahirapan.

“Ihatid mo na ako,” matigas niyang sabi.

Hinagilap niya ang damit niya ngunit hindi niya iyon makita sa loob ng silid.

“Bakit, mas gusto mo ba ang halik ng isang matandang may asawa na?”

Muling dumapo ang kamay niya sa pisngi nito. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang luha.

“H-­hindi mo na ako kailangang insultuhin pa,” umiiyak niyang sabi. “Kung gusto mo ako, sabihin mo lang...hindi na kita pahihirapan.”

Hindi ito nakakibo.

“Alam kong hindi mo pa ako napapatawad sa nangyari noon...n-­na akala mo ay pinaglaruan lang kita.” Tumayo siya. “K-­kung gusto mong makaganti sa ganitong paraan, p-­pagbibigyan kita.”

Inalis niya ang kumot na tumatakip sa hubad niyang katawan. Lumapit siya rito at iniyakap ang mga kamay sa leeg nito. Siya na rin ang humalik sa mga labi nito. Naramdaman na lang niyang gumaganti na ito ng halik. Nang ihiga siya nitong muli sa kama ay wala na siyang nadamang pagtutol. Mahal niya ito at kung ang pagniniig lang ang tanging paraan upang maalis ang galit nito sa kanya ay handa siyang ibigay ang sarili rito nang walang pagsaalang-­alang. Si Vince ang unang lalaki sa kanyang buhay at alam niyang hindi ito tanga para hindi iyon malaman. Nang ganap na silang maging isa ay bigla itong natigilan. Tila naguguluhang napatitig ito sa kanyang mukha.

Naghihintay Sa Iyong Pag-ibig by Jennie RoxasWhere stories live. Discover now