WARNING; SENSITIVE CONTENT: INCLUDES HATEFUL SPEECH, SUICIDE ATTEMPT
“Ikaw bata ka, wala ka nang ginawang matino sa buhay mo! Puro ka barkada, kaya natututo kana lumand! dahil sa kakasama mo riyan sa mga barkada mo. Wala ka nang natutunang maganda!”
I was sitting in the corner of our table as I listen to his screams to me. Nagwawala siya, tinatapon niya lahat ng mahawakan ng kamay niya.
“You're such a disgrace to this family, no wonder kaya ka iniwan ng maland! mong ina!”
“Don't say that to her! Hindi mo alam ang paghihirap ni mama habang ikaw ay nasa bahay ng ibang babae! Wag mong itulad si mama sayo!” malakas na sigaw ko sakanya. I don't like the way he sees my mother. All my life, si mama ang nandyan. Iniwan niya kami few years ago because of his goddamn mistress.
“You know nothing about how mom raised me. Sainyong dalawa, ikaw ang wala kwenta!” Malakas na sigaw ko sakanya
Maya-maya pa ay naramdaman ko ang paghapdi ng pisngi ko. He slapped me.
“Wala kang utang na loob! Tatay mo ako at ako ang dahilan kung bakit ka nabubuhay sa mundo!”
“Bakit pa? Pinili ko bang mabuhay at maipanganak bilang anak mo? Hindi! Hindi ko ginusto ang mabuhay! Kaya wala akong utang na loob sainyo!”
“Bastos ka talaga kahit kailan! Ganyan ka ba pinalaki ng nanay mo ha? Hindi ka marunong rumespeto! Hindi ka dapat ituring na anak ko!”
Hah? Funny.
“Oo ganito ako pinalaki ni mama. At anong respeto? Dapat ka bang irespeto? Ako ngang anak mo hindi mo magawang respetuhin! At ano? Wag akong ituring na anak mo? Edi wag! Dahil kahit isang beses naman hindi ka nagpaka tatay sakin!”
Isang malakas na sampal ang inabot ko sakanya. Tuluyan nang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.
“Kaya siguro namatay ang nanay mo ay dahil sayo! Wala kang kwentang anak! Dapat ikaw nalang ang namatay kesa sa nanay mo! Walang modo!”
Nagpaulit-ulit sa tenga ko ang sinabi niya. All my life, ngayon lang ako nakarinig ng ganito. Oo, ilang beses kong sinisi ang sarili ko sa pagkamatay ni mama pero hindi ko kailan man nasabi sa sarili ko na sana.. sana ako nalang. Hindi ko alam na sa lahat ng tao, sakanya ko pa mismo maririnig lahat ng 'to.
He was such a coward. A totally jerk. Naiwan akong mag-isa sa bahay namin ni mama. Natulala ako at patuloy na tumutulo ang mga luha sa mata ko. I don't know what to do and think anymore. Nawawala ako sa ulirat.
Dapat ba, ako nalang nawala? Kung ako ba, matutuwa kaya si mama? Maayos parin kaya lagay ni mama ngayon? I can't help but think. Dahil sa nararamdaman ko, naabutan ko nalang ang sarili ko na hinihiwa ang sarili kong braso. Wala akong maramdamang sakit. Kahit isa.
Dati ko pa man din gawain 'to dahil wala naman akong mapagsabihan ng lahat ng bagay na bumabagabag sa loob ko. I was too weak to cry louder. All I know is I was frozen in the crowded room of mine. Out of nowhere, my phone began to vibrate. It was so loud.
All the blood stained the floor of our house. I lost a lot of blood. Unconsciously, I found myself heading to the kitchen where I found the thing I was looking. Dali-dali akong kumuha ng upuan at isinabit ito. I can't fight anymore. I can't live anymore. I don't know what to do anymore.
My body began to tremble as soon as I hold the straw. Nanginginig na ang katawan ko sa panghihina habang unti-unting ipinapasok ang ulo ko sa lubid. Wala akong maisip, wala akong makita kundi kadiliman. Nararamdaman ko na ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko, ang unti-uniting paghihirap ko. I can't feel anything anymore. Wala na akong maramdaman ngayon habang unti-unit akong nawawalan ng hininga.
Before everything went black, I heard a familiar voices echoed in the tiny room I'm in. Pinilit kong imulat ang mata ko pero wala, suko na ang katawan ko. Everything turned into black, and I couldn't hear the voices anymore.
YOU ARE READING
Maybe in another life Valor Series #1 (Complete)
Romance"Life is but a walking shadow, a poor player, that struts and frets his hour upon the stage, and then is hear no more; it is a tale told by an id/ot, full of sound and fury, signifying nothing" "If you prick us, do we not bleed? If you tickle us, do...