chapter 20

17 27 0
                                    

We decided to eat before going home. Napili namin mag samgyupsal sa tabi ng game zone sa loob ng mall, since we're both into Korean foods naman kaya hindi na kami nahirapan pumili ng kakainin.

Nag presinta siya na siya raw ang manlilibre ngayon. Hindi naman ako umangal dahil ayaw kong makipag talo pa sakanya.

Maraming magsasabi na maliit na bagay lang naman yung nakita ko the other day, beside may gusto lang naman ako sakanya kaya for sure hindi yun ganon kasakit. But if you saw it from my point of view‚ you would understand why it hurt me so bad.

We were just casually eating when the sound came from the speaker above started to cover the whole room. Napatingin naman ako kay Dione, at doon ko lang napagtanto na kanina pa pala siya nakatitig sakin!

“Bawat tingin, tono sa tenga'y humihiling
'Pagkat sa bawat minuto, gusto kang pagmasdan”

Katulad ng malakas na awit ay siya ring lumalakas na kabog sa dibdib ko. Sa hindi malamang dahilan, napako ang paningin ko kay Dione habang ganoon din siya sakin.

“Ewan ko ba, ano ba 'tong nadarama?
Humahalo sa agos ng pusong takang-taka”

Katulad ng liriko ay ganon ding pag-usbong ng aking nararamdaman. Nalilito.

“Ikaw na ang laman ng musika
Bawat tinig sa gitara, sabay sa bagyo ng isip
Pa'no nga ba sasabihin kung lumalim ang damdamin?
Hahayaan ba o aking aaminin, pa'no na?”

Parang tinutus0k ang puso ko sa bawat salitang nasa liriko. Dahil tulad nito, hindi ko na alam kung dapat bang itigil ko nalang o hahayaan kong umusbong ang damdamin ko kay Dione.

Hindi ako nilubayan ng mata ni Dione hanggang sa matapos ang koro ng awitin. Napayuko ako habang kumakain dahil ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

“Nakaupo, magkatabi't kasama ang gitara
Nakatingin sa 'yo, ramdam ang pusong guminhawa”

Nagulat ako nang biglang sinabayan ni Dione ang kanta habang tatango-tango. Pinanood ko lang siya habang umiindak sa upuan niya.

“Kaba sa puso, nararamdaman
Ngayon na ba o kailan mo malalaman..”

“mahal kita”

“mahal kita”

Halos sabay naming sabi habang nakatitig sa isa't-isa! Habang hindi ko maproseso ang lahat, tatawa-tawa naman siyang yumuko habang napapailing!

Ganon nalang din ang ginawa ko at nagpatuloy na sa pagkain. Panigurado, pag tapos nito, hindi ko nanaman alam kung paano ko siya pakikitunguhan!

“Oh, pangako, hindi ka bibitawan
Pangako, 'Di ka bibitawan”

Gaya ng pagtatapos ng kanta, ay siya ring pagtatapos ng isip ko sa paglilikot.

“Tulad ng liriko, Dione, hindi kita papakawalan. Bigyan mo lang ako ng is ang magandang rason, pangako”  Nasabi ko sa loob ng aking malikot na isipan.

Hindi ko na alam kung paano ako aakto sa harap niya pag tapos ng nangyari. Nilalamon ako ng hiya! Feel ko tuloy, nagmukha na akong tocino sa sobrang pamumula ng pisngi ko!

“Salamat, ingat ka pauwi” sabi ko sakanya nang ihatid niya ako sa apartment.

Dali-dali na akong pumasok sa loob at dun ko na pinakawalan ang dadaming kanina ko pa pinipigilan. Napasalampak ako sa sofa na nasa sala tsaka doon inump0g nang marahan ang ulo ko.

“Bw!set ano ba yun?! Anong nangyari?!!”

Napabuntong hininga nalang ako habang inaalala ang lahat ng nangyari. Hindi ko inaasahan na ganon ang magiging ganap namin ngayon. Ni hindi niya pa nga tinatanong yung nangyari kahapon!

Maybe in another life   Valor Series #1 (Complete) Where stories live. Discover now