chapter 31

19 27 0
                                    


ZOE'S POV

“Hey, are you ok now? May masakit pa ba sayo?” tanong niya habang papalapit sakin, bitbit ang isang tray ng pagkain.

“Medyo masakit yung ulo ko”

Masakit parin siya hanggang ngayon. Umiikot parin ang paningin ko. I can't remember anything about the person who have brought me here, pero sure ako na hindi umalis si Tasha sa tabi ko nung mga oras na yun.

“Eat this first and you'll take your meds after”

Sinubuan niya ako ng pagkain while caressing my hair. I can see the worry in his eyes. Now I'm thinking, ano kayang possible niyang gawin sa sitwasyon ko? He's the sslg vice president and my boyfriend at the same time.

Looking back to the scene before I lost consciousness, my body was trembling in fear. Afraid and scared, yes, but I was trying to fight it, and avoid it for me not to cry in front of him. His soothing way of staring at me somehow tell me that he's thinking deeply. Weighing something in his mind.

Nagulat ako nang tumayo siya at lumabas ng kwarto. Walang paalam siyang lumabas na siyang ipinagtaka ko. Hindi ko nalang pinansin at bumalik nalang ako sa pagkain. Maya-maya ay bumalik siya at may dalang...

“What song do you want me to play?” tanong niya sakin habang inaayos ang gitara niya.

I was stunned for a second. Kaya pala siya lumabas para kunin ang gitara niya. I think before I speak.

“I don't know....”

“I'll play this song then” he said before he began to strum the guitar he's holding

“Sa araw-araw, tanging ikaw ang palagi kong hinahangad”

Pag umpisa niya sa pag awit. My mouth formed an "o" nang malaman kung ano ang kinakanta niya.

“Laging tanaw sa 'yo ang ilaw na nagsisilbi kong liwanag
Labis ang ngiti kapag ika'y kaharap, ramdam ko ang pagmamahal giliw”

Tama siya, ramdam na ramdam ko ang pagmamahal sa pag-awit niya. Kitang-kita ko ang siklap sa mga mata niya. Masaya siyang tumititig saakin habang tumutugtog.

“Namumukod-tangi ka at walang katulad, Ikaw lang ang para sa 'kin” pag kanta niya sabay kindat sakin

“Sa 'yo lang sa 'yo lang ako uuwi
Kaya naman
Dito ka sa piling ko
O dito ka lang
Dito ka lang
Bumabagal ang ikot ng mundo
Kapag ika'y nariyan
O aking tahanan”

Daming alam ng lalaking 'to, umiindak pa habang nakanta. Talaga naman.

“You're my home, Iyah”

Napangiti ako sa sinabi niya. Tinanguan ko siya bago sumagot.

“Ayyy, akala ko bodega lang ako” sagot ko habang natatawa

“Hindi ka pa ba uuwi? It's getting late” tanong ko habang nag-aayos siya ng gamit niya.

“Walang magbabantay sayo”

“Ayos lang ako, I can manage”

“We'll wait Tasha, uuwi ako sa bahay for clothes, then babalik ako rito”

“Huh? Dito ka matutulog?”

Tumitig siya sakin nang malalim bago sumagot “Yes, may problema ba?”

I don't know what to say. Gusto ko ring nandito siya, pero hindi ba siya hahanapin sakanila? Isa pa, saan siya matutulog? Walang sofa rito... Wag niyang sabihing...

Maybe in another life   Valor Series #1 (Complete) Where stories live. Discover now