After all the drama, we headed back to our apartment. Nagluto lang ako ng bicol express for our dinner, parehas kasi kaming mahilig sa maanghang that's why. We found out that we're in the same class. Fortunately, kasi wala naman kaming kakilala roon.“Excited ka ba sa first class natin, Zoe?”
“Hindi” walang ganang sagot ko
“Psh, lagi ka namang ganyan. Hayaan mo, hahanapan kita ng pogi don”
“Tigilan mo ako ah? Sa ating dalawa, ikaw ang mahilig sa ganyan!”
Totoo naman eh. Siya ang mahilig sa ganyang bagay, nauudlot nga minsan mga nakakausap niya kasi kahit first week palang nagtatawagan na agad tsk.
“Tapos na me, ikaw na maghugas ah? Liligo na ako”
And then she headed to the bathroom. Ako naman ay naglinis na at naghugas. Sa totoo lang, I'm worried sa magiging buhay namin dito. Kung ako lang mag-isa, kaya ko e kasi lumaki naman ako nang wala akong magulang. I'm raised as an independent woman. Kaso, kasama ko si Tasha kaya hindi ko maiwasang mag-alala.
After ko sa gawain, dumiretsyo na ako sa kwarto ko para magpahinga. My mind has done it's thing again.
“Ma, are you proud of me?” Mahinang usal ko
“After all, I'm your child. I'm not mad at you, I hate what you did but still you're my mother” and I can't do anything about it.
“What's the first thing that came to your mind when you hear the word pre-colonial period?”
Second week of class, wala naman akong maintindihan sa mga lecturers dahil kung saan-saan napapdpad ang isip ko! Dahil bagong school year nanaman, kailangan nanaman na makipag kapwa tao kainis.
“Mind to share your thoughts miss Sanchez?”
Agad na natigil ako sa pag-iisip ng marinig ko ang surname ko. Napalingon ako sa harap at nakita kong sa'kin lahat sila nakatingin!
"a-ah yes ma'am?" utal na tanong ko. Tinuro nya ang nakasulat sa board, napa buntong hininga naman ako.
“Pre-colonial period. This is the period when the Spaniards colonized the philippines. The era where the poems, poetry, and different books were specialized” maikling sagot ko. Pagtapos non ay umupo na ulit ako at nakinig.
“We will be having our groupings, four groups to be exact. Now, kung sino gustong maging leader ay tumayo, kailangan ko ng apat na studyante”
Walang alinlangang tumayo ako. Ewan, pero pag dating sa ganyan ayokong hindi ako ang namumuno. Nang ma-form ang groups, nagsipuntahan na sa kanya-kanyang upuan ang bawat groups at hinintay nalang na matapos ang klase.
Lunch time na kaya binuksan ko ang phone ko. May nakita naman akong message kaya binuksan ko ito.
One message received
Tasha: Pahingi pads huhu, nasa cr ako.Mabilis kong inayos ang gamit ko at pumunta na sa cr.
As I walked through the pathway, may nadaanan akong isang circle ng mga basketball player. They were chatting about something. Lalagpasan ko na sana ito nang bigla naman akong harangin ng isa.
“Hi, is this yours? Nahulog mo” the guy said. Tinignan ko naman kung anong iniabot niya sakin. It was the pads that I brought for Tasha.
“Yes, it's mine” Dali-dali akong bumaba sa cr dahil baka ano nang nangyari kay Tasha.
“Tash, where are you?”
“Bakit ang tagal mo? Huhu ngayon na talaga nagkaroon, pes.te!”
“Tsk,dapat nagbabaon ka ng pads. Ang dami mong binili sa mall, wag mo sabihin saking wala kang biniling pads?”
“Meron, di ko naman alam na magkakaroon ako today no. Anyways, it's settled na. Thankies ah? Let's go na, lunch tayo sa canteen”
“Ah hi miss, may nagpapabigay lang” Palabas na kami when this guy approached us. As I can remember, kasama niya yung nakapulot ng pads kanina.
“For me? What's that for?” takang tanong ko
“Ipinabibigay lang, sibat na ako”
“Hmmm, Zoe may manliligaw kana aga—Aray!!”
“Manliligaw pinagsasabi mo? Tigilan mo yang kahibangan mo Tasha ah”
“Sungit mo ah? Ano yan? Patingin ako??”
“Later, let's go”
YOU ARE READING
Maybe in another life Valor Series #1 (Complete)
Romance"Life is but a walking shadow, a poor player, that struts and frets his hour upon the stage, and then is hear no more; it is a tale told by an id/ot, full of sound and fury, signifying nothing" "If you prick us, do we not bleed? If you tickle us, do...