First Attempt

176 26 2
                                    

Babala: Naglalaman ng mga eksena na ginagawa ng isang taong may post-traumatic stress disorder (PTSD) at (SH) Self-harm.

Kung hindi niyo gusto ang ginagawa ng karakter o naaasiwa kayo sa mga eksena ay maari niyo na pong lisanin o di ipagpatuloy ang pagbabasa.

Salamat.

×××

" Just one more cut Raven, just one more cut." Kinagat ko muna ang ibabang labi ko bago ipinadaan ang malamig at matulis na manipis na bakal sa pulsuhan ko.

Wala akong naramdaman dahil wala naman na talaga akong nararamdaman. Manhid na ang katawan ko para lang akong isang tao na humihinga , kumikilos pero walang nararamdaman.

Nang makita kong may lumalabas ng kulay pulang likido sa pulsuhan ko ay hinayaan ko lang itong tumulo sa tubig na kinalalagyan ko.

Normal na gawain ko ito, normal na tanawin sa loob ng banyo ko, normal na kulay ng tubig sa tub na kinalalagyan ko, lahat ng ito ay normal na sa akin pagkatapos ng 'araw' na iyon. Pero sa mata ng mga tao ay di ito normal, ginagawa lang ito ng mamamatay tao at walang puso. Sa mata ng mga tao ay nakakakilabot at werdo ako O kaya isang baliw ang tingin sa akin ng karamihan. Di na ako normal sa paningin nila pagkatapos ng bangungot kong iyon.

Nang makabalik ako sa aking katinuan ay umahon ako sa tub. At itinabi ang hawak kong blade.

Ang kulay puti kong T-shirt ay naging kulay pink.

Agad ko itong tinanggal at itinali sa pulsuhan ko na puno ng hiwa.

Dumiretso ako sa shower box para magbanlaw. Ganito lagi ang routine ko tuwing naaalala ko ang masalimuot na nangyari sa akin. Tuwing hinihiwa ko ang pulsuhan ko o sa braso ko ay pakiramdam ko ay may nararamdaman na sakit ang katawan ko. Tuwing sinasaktan ko ang sarili ko ay parang doon lang ako medyo nakakaramdam ng kung ano sa katawan ko.At sa tuwing hinihiwa ko ang balat ko ay nababawasan o nabubura ang mga alaala ng masama kong nakaraan.

Nang matapos kong magbanlaw ay dumiretso ako cabinet na malapit sa basag na salamin. Tinignan ko ang repleksyon ko, hiwahiwalay---basag at wasak. Tulad ng sarili ko. Tulad ng pagkatao ko.

Ubos na ang karga ng cabinet ko wala ng plaster,bandage at band-aid.

Hindi ko pwedeng hayaan na maubusan ako ng dugo, di ko naman talaga balak kitilin ang buhay ko, pero may mga panahon talaga na hinahayaan ko na ang sarili ko. Pero matatauhan na lang ako na di pa pala ako pwedeng mamatay.

Pumunta ako sa kwarto ko upang kumuha ng mga damit.

Nagsuot ako ng itim na T-shirt, black skinny jeans at pinatungan ko ng gray hoodie at nagsuot ako ng black converse shoes.

Nang papunta ako sa sakayan ng jeep ay bulungan ang mga tao sa paligid.

"Hoy werdo! Lumabas ka ba sa lungga mo para maghasik ng kasamaan dito sa labas?!" Sigaw ni Kris. Kaklase ko siya nung highschool at alam niya ang nangyari sa nakaraan ko. Buong bayan naman ata ay alam iyon.

Di ko na lang sila pinansin. Dahil nasanay na ako at di na ako nasasaktan sa mga sinasabi at pinaparatang nila sa akin.

Sumakay ako sa jeep, nagsilayuan ang mga nasa loob nito na para bang may malubha akong sakit na nakahawa.

Nagalit ang driver nito dahil ayaw sumakay ng iba dahil natatakot sa akin. Kaya sapilitan akong pinababa nung driver.

Sa tricycle naman ay ganun din, ayaw akong makatabi ng mga pasahero pero pinilit ko yung driver nito , pumayag ito ng sabihin kong triple ang ibibigay ko.

Nang makarating kami sa grocery store ay nag-abot ako ng bayad dito.

" Manong bayad ko." Umiling ito at itinuro yung kinauupuan ko.

" Iwan mo na lang diyan! At dalian mo nga,lumayas ka sa tricycle ko!" Galit at naiiritang sabi nito.

Ginawa ko na lang ang utos nito at dumiretso na sa loob.

Kumuha agad ako ng basket. Itinago ko pa masyado ang mukha ko sa suot kong hood dahil baka magsialisan ang mga tao at di na ako payagang pabalikin dito ng may-ari ng establisyimento na ito. Kumuha agad ako ng mga kailangan ko at dumiretso sa counter.

Tinignan muna ako ng pandidiri ng kahera. Inilapag ko na lang ang bayad dahil alam kong ayaw niyang magdikit ang mga kamay namin.

Di ko na kinuha ang sukli at nagmadaling kinuha yung mga pinamili ko.

Nagsimula na kasi akong mapansin ng mga tao.

Nang makarating ako sa bahay ay agad kong tinanggal ang hoodie ko at inalis yung panyong itinali sa pulsuhan ko. Medyo dumudugo pa rin ito kaya kinuha ko ang mga pinamili ko at tinakpan ang mga hiwa sa magkabilang pulso ko.

Ganito ang takbo ng buhay ko.

Ako si Raven Larsen, Madilim ang buhay ko. Masama ang nakaraan ko. Nilalayuan ng mga tao. At wala ng ibang kulay ang buhay ko kundi katulad ng pangalan ko.

Please Vote and Comment :)

Thanks :D

Kiem KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon