Seventh Attempt

23 2 0
                                    


Natigilan ako sa pagluluto ng adobo ng bigla akong kinalabit ni Raven. Nakayuko siya and she's playing her fingers. And I find it cute. Mamayang madaling araw na ang balik ko sa amin, nung mga nakaraang araw ay okay naman si Raven. Di na siya uli nag-attempt na maglaslas.

But those past few days she's not talking to me, she's ignoring me but I just shrugged about it. Alam kong naninibago pa siya sa akin. Kaya laking gulat ko na nandito siya sa harapan ko ngayon.

" What is it Raven?" nakangiti kong tanong, iniangat niya ang ulo niya at tumitig sa akin.

I thought magdadalawang isip siya or what, but now, she's looking through me.

" King, aalis ako. Baka magagabihan ako." Matipid pa rin siyang magsalita.

" Saan ka ba pupunta? " tanong ko ng tumalikod siya sa akin. Tinignan ko ang kabuuan niya. Nung una ko siyang nakita ay ganito ang suot niya. Nakahoodie siya at parang tinatakpan ang mukha niya. Balot na balot ang katawanan niya siguro ay tinatago nito ang mga peklat sa katawan niya gawa ng pagsusugat sa kanyang sarili.

" May dadalawin lang. " Dadalawin? Sino?

" Ihahat----"

" Wag na. " mabilis niyang pagputol sa sinasabi ko.

I let out a sigh.

Baka makulitan pa siya sa akin kapag nagtanong at namilit pa ako. Ayaw kong mas lumayo ang loob niya sa akin.

" Okay, mag-iingat ka. "

Di na siya sumagot dirediretso lang siyang lumabas bitbit ang ilang stem ng bulaklak.

Ilang oras na ang nakakalipas ng umalis siya, gabi na rin at umuulan sa labas. Di ako mapakali. Baka kung ano na ang nangyari sa kanya. Baka basa na siya sa ulan.

" Shit! " Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung bakit.

Mabilis akong lumabas at sumakay sa kotse ko.

Kahit na di ko kabisado itong lugar na ito ay disidido akong hanapin siya. Kinakabahan ako na ewan! Paano kung sinundan siya nung gustong mang-rape sa kanya?! Ang tanga ko! Dapat di ko siya hinayaang umalis mag-isa!

Saan ko siya hahanapin?

Naalala ko na may dala siyang bulaklak.

Sa sementeryo ako unang pumunta. Nagtanong tanong ako kung saan ang sementeyo nila dito. Medyo malayo ito sa bahay ni Raven. Madilim at tanging patak lang ng ulan ang naririnig.

Ipinasok ko ang kotse sa loob at bawat sulok ay tinitignan ko kung nandun nga si Raven.

Di ako nabigo, I found her sitting next to her parents grave. Basang basa na siya kaya pinayungan ko siya, di niya napansin ang presensiya ko dahil abala ito sa pakikipag-usap sa magulang niya.

" Ma, Pa, parang di ko na po kaya. S-Sana isinama niyo na lang ako. Hirap na hirap na ako. " parang pinisil ang puso ko. Only her sobs I can hear. Parang ang sakit kapag nakikita ko siyang umiiyak.

Tinanggal ko ang jacket ko at iniyakap sa kanya iyon. Tumingin siya sa akin halatang gulat, kahit na basa ang mukha niya sa ulan alam ko mas marami pa ang luha niya keysa sa ulan na pumatak sa mukha niya.

Nanginginig ito sa lamig at naging kulay violet na rin ang labi niya. I hugged her. Nanginginig naman siya habang umiiyak pa rin.

Di ko tuloy mapigilang magtanong sa Kanya kung bakit naghihirap si Raven ng ganito?

Kiem KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon