“ Another day Raven." Bulong ko sa sarili ko bago bumangon sa higaan.
Naghilamos ako at nagtoothbrush bago bumaba.
Habang naglalakad sa hallway ng second floor ng malaking bahay na ito ay isa-isa kong tinignan ang mga litrato ng mga magulang ko at yung iba ay litrato nung bata pa ako at masaya sa piling ng mag-asawang nagmahal at nagpalaki sa akin.
Huminto ako sa tapat ng malaking litrato ng mga magulang ko at hinaplos iyon. “ Good morning Ma at Pa." Pinilit kong ngumiti ngunit parang nasemento ang mukha ko sa pagiging expressionless.
Araw-araw ay ganito. Gigising ako ng walang kasama sa malaking bahay na ito. Bahay na puno ng mga alaala, masasaya at nakakakilabot na alaala.
Ang bahay na ito ang saksi sa lahat ng mga pangyayari sa buhay ko.
Kumuha ako ng granola sa ref at ilang lata ng beer. Alam ko, pinapatay ko unti-unti ang buhay ko.
Buti hindi ko naisipang mag-almusal ng ilang miligramong iba't-ibang klaseng gamot ngayon para kitilin dahan dahan ang buhay ko. Buhay kong walang kwenta.
Napatingin ako sa kalendaryo na nakapaskil sa tabi ng ref.
30? Araw pala ng kapanganakan ko ngayon?
Di ko na alam kung anong petsa na ngayon, kaarawan ko na pala.
Bente na pala ako? Ang tagal ko na palang nabubuhay sa mundo? Pero heto ako, unti unti kong pinapaikli ang buhay ko.
Ngunit di pa ako pwedeng mamahinga dahil may kailangan pa akong malaman bago kunin ni Satanas ang wasak kong kaluluwa.
Dinala ko sa sala ang pagkain at inumin ko. Ganito ko uubusin ang oras ko sa buong araw, manunuod ng mga walang kabuluhang programa sa telebisyon at magpapakalunod sa alak.
Nakatatlong lata na ako ng beer at bubuksan ko na sana ang pang-apat ng tumunog ang doorbell.
Nanghihina akong pumunta sa front door. Ilang araw na kasing puro alak at granola o kaya chips ang karga ng tiyan ko.
Pagbukas ko ng pinto ay di ko inaasahan ang nasa harapan ko.
“ Hey beautiful suicidal freak." Ngumiti ito at tangkang papasok ng bigla kong isara ang pinto ngunit naiharang nito ang kanyang katawan.
“ Let me in." Nanggigigil na wika nito. Marahas akong umiling at pilit na isinasara ang pinto.
“ Ano ba ang kailangan mo Deb?" Tanong ko sa lalaking ito na ‘tunay' na demonyo.
Bumagsak ako sa sahig ng buong lakas niyang itulak ang pinto.
“ Gusto lang naman kitang batiin,honey." Lumapit ito sa akin at hinawakan ako sa buhok at hinila pataas. Dahil sa manhid na ang katawan ko at hinang-hina ako ay di ko nagawang pumalag.
Hinila ako nito papunta sa sofa habang hawak pa rin ako sa aking buhok. “ You're now,20? Tama ba?" Tanong nito at ibinalibag ako sa carpeted floor. Napaungol ako ng tumama ang beywang ko, may hiwa kasi ako roon at sariwa pa ito kaya nakaramdam ako ng kirot.
“ Lumayas ka." Blanko pa rin ang mukha ko pero malakas na sabi ko rito.
“ You're already 20 but you are still a virgin. Let me deflower you before you kill your self honey." Makalipas ang tatlong taon ay nakaramdam ako ng kilabot sa katawan. Tunay ngang demonyo itong pamangkin ng mga magulang ko.
Lumapit ito sa akin at akmang hahalikan ako ng bigla ko siyang itulak at mabilis akong tumayo ngunit bigla ako nitong hinila sa paa kaya napahiga akong muli. “ Ahh!" Namimilipit ako sa sakit dahil bumuka ang hiwa ko sa beywang.
Muli ay nakaramdam ako ng sakit. Di pa pala ako ganoon kamanhid?
Hinila ako nito palapit sa kanya at itinaas ang dalawa kong kamay at idinikit sa sahig , pinisil nito ang pulsuhan ko kung saan nandun ang mga bagong hiwa ko.
Napaungol uli ako sa sakit dahil pinisil nito uli, mas madiin kumpara kanina at dahil doon ay may lumabas na pulang likido sa magkabila kong pulsuhan.
Pumatong siya sa akin at doon na talaga naalerto ang isip at katawan ko. Oo sanay na akong saktan ang sarili ko pero di ako makakapayag na marungisan ang pagiging babae ko. Iyon lang kasi ang pwedeng kong maipagmalaki sakali kung makaahon pa ako rito sa putikan ng buhay ko.
Buong lakas ko siyang itinulak at dinampot ang bote ng alak na di ko naitabi nung isang araw. Binasag ko ito at itinutok sa kanya.
Ngumiti ito ng mala-demonyo. Nakakakilabot maging ang mga mata nito na puno ng halo-halong emosyon. Lust. Iyon ang nangingibabaw sa mata ng taong may kaluluwang demonyong ito.
“ Ano, Raven. Papatayin mo rin ako tulad ng ginawa mo sa mga magulang mo?" Nanghina ako lalo sa sinabi nito.
Umiling ako at nabitawan ko ang tanging sandata ko sa taong ito.
“ Hindi. H-hindi ko ginawa iyon." Bulong ko at napasalampak ako sa ibaba.
Makalipas ang tatlong taon ay ngayon lang uli ako napaluha.
At dahil hinang-hina na ako ay sinamantala iyon ni Deb at hinila ako at itinulak sa sofa.
Pumatong uli ito sa ibabaw ko at sinubukang itaas ang suot kong T-shirt.
Sumigaw ako ng napakalakas at sinubukang itulak siya.
Mas rumagasa ang luha ko dahil wala akong magawa at lakas para pigilan siya sa ginagawa niya.
Sinampal ako nito ng pagkalakas-lakas at dumugo ang labi ko.
Napapikit na lang ako dahil bigla akong nahilo.
Ngunit napamulagat ako ng biglang nawala sa ibabaw ko si Deb.
Narinig ko ang boses na minsan ko lang narinig , galit ito at parang isang kulog ang boses nito. Pagkatapos nun ay nilamon na ng dilim ang paningin ko.
× × × × × × × × ×
Kinabukasan nun ay bumalik ako sa lugar kung saan ko ibinaba iyong babaeng may blankong mukha.
Nagtanong tanong ako sa mga tao.
At ang madalas na sagot nila ay. “ Wag mo ng hanapin ang babaeng iyon. Delikado at masama siyang tao. Sa oras na ito baka naglalaslas na uli iyon."
Bakit ganito ang mga sinasabi nila tungkol sa babaeng yon?
Imbes na lumayo at di siya hanapin ay nagtanong tanong pa ako , at isang matandang lalaki ang nagturo sa akin kung saan nakatira yong babae.
Wala akong inaksayang segundo, hindi ko alam pero parang sinasabi ng utak ko na kailangan kong makarating agad doon.
Nang makarating ako sa isang mala-mansyon na bahay ay bigla akong kinabahan ng marinig ang pagsigaw. Sigurado ako na yong babae yon.
Nagimbal ako sa nakita, nasa posisyon siya na gagahasain siya. Kaya parang may sariling utak ang mga kamao ko. Agad kong sinapak yong lalaki at tumilapon ito sa lakas ng suntok ko.
Nakita kong nawalan ng malay yong babae. Pero yong lalaking mananamantala sa kanya ang pinagtuunan ko. Bumwelo kasi ito at babawi sana, pero di ko siya hinayaan. Tinadyakan ko siya kaya napatumba siya. Di ko siya tinigilan hanggat sumuko na ito at mabilis na nakatakbo. Hahabulin ko pa sana ito ng marinig kong parang umungol sa sakit yong babae. Naawa ako sa hitsura nito.
Medyo nakataas ang damit nito at may mga dugong lumalabas sa wrists niya.
Agad ko siyang binuhat at ipinasok sa sasakyan.
Kinakabahan at natatakot ako para sa buhay ng babaeng buhat-buhat ko ngayon.
Please hit the star and comment :)
Thanks :D
BINABASA MO ANG
Kiem King
RomanceShe was wounded, emotionally and physically. But he saved her. He saved her from her nightmares and demons. He did everything. He act like her own Knight in Shining Armour. Sacrificed everything, rescued her, protected her and loved her unconditiona...