Second Attempt

101 25 4
                                    

Madalas akong mahirap dalawin ng antok kaya tuwing ganito ay umiinom ako ng pills pampatulog.

Bumangon ako at binuksan ko yung drawer ng study table ko at hinagilap ang sisidlan ng gamot.

Napasabunot ako sa itim na itim na buhok ko dahil sa pagkadismaya.

Naubos ko na pala ang karga nito. Wala akong choice kundi lumabas uli at maghanap ng mabibilhan ng gamot.

Nagsuot ako uli ng hoodie bago lumabas ng bahay.

Madilim at malamig sa labas. Medyo tahimik na at halos wala ng tao sa kalsada. Dis oras na rin kasi ng gabi.

Wala ng mga sasakyan na maaring masakyan papunta sa bayan kaya wala akong pagpipilian kundi ang lakarin ang destinasyon ko.

Ayos lang dahil wala namang taong magbabalak ng gawan ako ng masama dahil takot sila sa akin.

Habang tinatahak ang tahimik at madilim na daan ay di ko mapigilang maalala ang mga masasayang alaala dito sa lugar na ito.

Madalas kong kuhanan ng litrato ang lugar na ito at ang mga taong masasaya sa paligid ko. Hindi pa ako noon kinakatakutan at pinangingilagan.

Madami akong kaibigan at kakilala na bumabati sa akin tuwing umaga.

Perpekto ang buhay ko noon. Masaya at maraming nagmamahal.

Pero lahat ng iyon ay nagbago dahil sa isang masalimuot na pangyayari.

Napakurap ako at bumalik sa reyalidad ng may bumusina sa harapan ko. Isang truck. Sana ay natuluyan na lang ako.

Pero alam ko na hindi pa ako mamamatay, at ayaw ko pang mamatay. May kailangan pa akong gawin at tapusin.

Gumilid ako para makaraan na yung truck, di ko napansin na nasa gitna na pala ako ng kalsada.

Isang convenience store ang bukas sa bayan kaya sinubukan kong maghanap ng sleeping pills doon.

May mga iba pang tao dun kahit na malalim na ang gabi. Boses ng mga ilang lalaki at ilang babae na nagkakatuwaan ang naririnig ko. Di ako tumitingin sa gawi nila dahil baka maagaw ko pa ang atensyon nila.

Kumuha ako nung gamot at ilang chichirya , carbonated drinks at alak.

Rinig ko ang tawanan nung mga iba pang tao. Masaya sila at parang walang problema.

May isang tawa roon , halakhak ng isang lalaki na nakakahawa ang pagtawa. Pero di ko magawang mahawa sa kasiyahan nito dahil wala nga akong emosyon at pakiramdam.

Dumiretso na lang ako sa counter upang bayaran ang aking mga nakuha.

Mukhang bago itong kahera nila dahil bagong mukha at nagawa pa nitong ngumiti sa akin.

“ 666.00 po lahat ma'am." Nakangiting sabi nito. 666? Sakto numero pa ng demonyo. Yun naman ang tawag sa akin ng marami. Demonyita,anak ni Satanas. At kung ano-ano pa na nauugnay sa demonyo.

Nag-abot lang ako dito ng isang 500 at isang 100 bill.

Nang makuha ko ang mga pinamili ay agad akong naglakad palabas ngunit ramdam ko na may nakatingin sa akin.

Tumingin ako sa direksyon nito at ang sumalubong sa akin ay pares ng kulay asul na mga mata.

Ang pagkakaiba nito sa mga matang madalas tumingin sa akin ay puno ito ng pagtataka at walang halong pandidiri at takot.

Marahil ay bago lang ito dito o hindi ito taga rito.

Nag-iwas ako ng tingin at nagmadaling lumabas.

Kiem KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon