Eleventh Attempt

30 2 0
                                    


Get moving

Iyon ang nakalagay sa unang tip para maalis ang PTSD. Binigyan kasi ako ng tip ni doctor Matinong Ruiz, bukod sa pag-undergo ni Raven sa iba't-ibang Psychotherapy at pag-take ng antidepressants ay kailangan din na tulungan niya ang sarili niya gamit ang mga tips na ito.

Nung isang gabi ay mas naguluhan ako sa nararamdaman ko para kay Raven dahil sa halik na iyon. Pero isinantabi ko na muna iyon. Ayaw ko naman na isipin niyang nagsasamantala ako at may kapalit ang pagtulong ko sa kanya.

But I can't still hide the fact na nagustuhan ko ang paghalik ko sa kanya.

Iba ang dating kahit na nakapatong lang.

My lips didn't moved that time pero ibang iba. Parang unang beses ko tuloy makahalik ng babae.

Raven is so innocent.

Madaling araw pa lang pero nandito na ako sa tapat ng kwarto niya para katukin siya.

Get moving... mas mabubuksan daw kasi ang isipan ng isang tao kung medyo pinagpapawisan ito o nakapag physical exercise ang isang tao dahil mas gumagana ang nervous system nito kung ganun.

Maganda rin iyon para ma-'unstuck' na sa isipan niya ang mga nangyari noon.

" Raven. " pagtawag ko sa kanya.

Di ito sumagot kaya pumasok na lang ako.

Sira pa rin kasi iyong pinto niya dahil sa pagsipa ko nung isang gabi.

Ganun talaga siguro kapag kinakabahan ka, parang nagkaroon ako ng super strength kaya nasira ko ang pinto.

Nakahiga ito at masarap ang tulog.

Nilapitan ko siya at ang mukha niyang maamo ang sumalubong sa akin.

Get moving... Kung isa lang si Raven sa mga fling ko ay ibang get moving na ang ginawa ko sa kanya.

Dito ko na siya mismo pagpapawisin sa kamang hinihigaan niya.

" Damn! Iba si Raven sa mga fling mo Kiem! " fuck! Ngayon pa ako naging manyak!

Sinong di maaakit kung ganito kaganda ang nasa harapan mo?!

Oo mapayat si Raven pero makurba pa rin ang katawan niya.

Darn it! Lalaki lang ako! Naaakit din ako!

Pero putangina mo Kiem! Iba si Raven! Hindi siya tulad ng mga babaeng ibubuka agad ang legs sa isang kalabit lang.

She's innocent!

Tag-libog ba ngayon?! Bakit di ko mapigilan ang....

" Jeez! " napasabunot ako sa sarili kong buhok.

Parang magpapanatang makabayan na naman si Prince. Ang junior ko!

" Mmm. " shit! Did she just moan?!

Fuck! Nakakarinig na ako ng kung ano ano!

" King? " nagising ko tuloy siya.

Pero anak ng teteng oh! Bakit parang nakakaakit ang pagtawag niya sa pangalan ko?!

Napaatras ako saglit. Baka di ko mapigilan ang sarili ko.

Wala sa isipan ko ang mga ganito pero dahil siguro sa halik na iyon ay ilang gabi na rin akong parang nagpapantasya kay Raven!

Langhiya! Nakakahiya ako!

" Ah—eh. Gigisingin sana kita para magpapawis." di ko alam pero parang ako ang pinagpapawisan dahil sa mga naiisip ko.

Kinusot niya ang mga mata niya at tumayo.

At...

Putangina ng mga gagong walang hiya!

Nakasuot lang siya ng oversized T-shirt!

Kitang kita ko ang magaganda at mapuputi niyang hita!

Damn! Nakita ko na siyang halos hubad noon pero walang epekto sa akin iyon pero ngayon?! Anong nangyari?!

Si Prince, gising na gising na!

" Shit! " pabulong kong sabi at mabilis na umalis sa matemptasyong kwartong iyon!

Raven maawa ka kay Prince!

Mukhang ako ang mag-geget moving!

Get moving sa banyo! Shit!

Sariling sikap na ito mga men!

———————————————

Bigla na lamang akong iniwan ni King. Hindi ko alam kung bakit.

Baka sobrang nakakatakot ang hitsura ko kaya nagtatakbo siya paalis?

Kaya pumunta na lang ako sa banyo para tignan ang sarili sa salamin.

" Okay naman ah? "

Naghilamos lang ako at nagsipilyo.

Kakalaba ko lang kasi kagabi at basa pa ang mga damit ko kaya ito ang suot ko.

Mahaba naman, umabot hanggang kalahati ng hita ko, siguro nandiri siya nung makita ang malaking peklat sa magkabilang hita ko na parang malaking ekis.

Bakit ko nga ba pinoproblema ang magiging reaksyon niya?

Ano ngayon kung mandiri siya sa mga peklat ko?

Ano ba ito!

Kung ano-ano ang iniisip ko!

Bakit bigla na lang akong na-conscious?

Bumalik ako sa higaan ko para ayusin ang pinaghigaan ko nang makita ko ang calling card na ibinigay ni Doc Ruiz. Number daw iyon ng attorney na may hawak sa iniwang mana sa akin ng mga magulang ko. Ibinigay sa akin iyon ng doktor dahil napagdesisyonan ko na daw na tanggapin ang nangyari sa akin noon.

Masayang masaya ang doktor nung sinabi kong gusto ko ng magpagamot.

Nung nalaman niya noon na may sakit ako dahil sa na-trauma ako sa nangyari ay pinipilit niya akong magpagamot. Pero nung panahong iyon ay wala na talaga ako.

Sinukuan ko na ang lahat.

Ayaw ko ng humarap sa mga taong nagmamalasakit sa akin.

Pero ng dahil kay King, ito ako ngayon. Sinusubukan kong bumalik sa dating ako.

Sinusubukan kong magpagaling.

Tinitigan ko muli ang calling card.

'Pag-iisipan ko muna. Anong gagawin ko sa manang makukuha ko? Ano na ang gagawin ko kapag gumaling na ang sakit ko? Nasa tabi ko pa rin ba si King sa panahon na iyon? Hanggang kailan siya sa piling ko? '

" Parang di ko ata kaya kapag umalis siya. " bulong ko.

---------------------------------------------

Kindly vote and leave some comments :)

Thanks :D


Kiem KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon