Nagising ako na nasa loob na ako ng kwarto ko. Ang pinagkaiba lang ay may nakakabit na swero sa kaliwa kong kamay at ang lalaking nakahiga sa couch malapit sa malaking bintana ng kwarto ko.
Nakaplaster na rin ang magkabila kong pulsuhan at nakasuot ako ng loose shirt at sweatpants.
Umupo ako.
Pilit kong inalala yung nangyari kanina.
Napailing ako at napabuntong hininga.
Muntik na akong ma-rape?
Napaungol ako ng biglang kumirot ang hiwa ko sa beywang.
Nagising ang lalaki dahil sa tunog na nilikha ko.
Kinuskos nito ang mga mata nito bago lumapit sa akin. “ May masakit ba sayo?" Nag-aalalang tanong nito.
Sino ba to at laging nag-aalala tuwing nagkikita kami.
Yumuko ako upang di ko mapagmasdan ang mga mata nito.
“ Wala. Sinong gumamot sa akin?" Tanong ko pero nakayuko pa rin.
Umupo ito sa tabi ko kaya parang nanigas ang katawan ko. Di ako sanay na may lumalapit at kusang tumatabi sa akin na estranghero.
“ Dinala kita sa hospital nung mawalan ka ng malay. Ilang oras kang tulog.Pero ng magamot nila ang mga sugat mo at masiguradong ayos ka na ay pinauwi ka na nila. Sabi ni doctor Ruiz, na panigurado ayaw mo daw roon kaya pinauwi ka na lang at babalikan ka na lang daw niya dito bukas para tanggalin yang dextrose mo." Sa haba haba ng paliwanag nito ay isang tango lang ang sinagot ko dito.
“ Gusto mo bang kumain? May nilu---"
“ Maaari ka ng umalis. Di mo ako kailangang alagaan." Bumalik ako sa pagkakahiga.
“ Di ako aalis. Di kita pwedeng iwan. Baka bumalik yong gustong gumahasa sayo." Napakagat ako sa ibabang labi ko.
Naalala ko muli yong mga ginawa ni Deb.
Nagbabadyang tumulo uli ang luha ko ngunit pinigil ko ito. Ayaw kong umiyak sa harap ng estrangherong ito.
“ Bahala ka sa buhay mo." Garalgal na sagot ko at nagtalukbong ng kumot.
Bakit ba pinagtitiisan akong alagaan ng lalaking ito? Gusto niya bang makuha ang pamana ng mga magulang ko? O katulad ba siya ni Deb?
Anong mapapala niya sa isang suicidal freak na sabi nga ni Deb na tulad ko?
Namigat ang mga talukap ng mga mata ko dahil sa mga tanong na iyon.
××××
Di ko mapigilang maawa sa babaeng ito.
Raven.
Iyon daw ang pangalan niya sabi ni Doctor Ruiz isang psychiatrist.
Kagagaling lang nito kanina ilang minuto ng makatulog muli si Raven.
Halong galit, inis at awa ang nararamdaman ko.
Bakit di siya humingi ng tulong?
Kung di ako dumating kanina ay baka kung ano na ang nagawa sa kanya nung lalaki kanina.
Sabi ni Doc Ruiz ay nagsasuffer sa post-traumatic stress disorder o PTSD at maging SH o self harm umano ay mayroon si Raven.
Tinanong ko kung bakit nagkaroon siya ng ganoon. At kung bakit nila kilala si Raven.
BINABASA MO ANG
Kiem King
RomanceShe was wounded, emotionally and physically. But he saved her. He saved her from her nightmares and demons. He did everything. He act like her own Knight in Shining Armour. Sacrificed everything, rescued her, protected her and loved her unconditiona...