Bago ko ilabas si Raven ng hospital, halos one week rin kami doon, kinausap ko muna si doctor Ruiz. Iyong matinong Doctor Ruiz, hindi si Doctor Gagong Ruiz.
Tinanong ko sa kanya kung paano ko matutulungan si Raven para makalimutan niya iyong nakaraan niya at kung paano magagamot ang PTSD at maiwasan ang SH niya. She need to undergo psychotherapy, but I need to ask Raven first kung gusto niya. Dahil bawal daw pilitin ang pasyente patungkol dun.
Sabi niya ay dapat magkaroon siya ng session para unti unting maibukas ni Raven ang nakaraan niya sa iba.
Sinabi niya rin sa akin ang mga dapat at di dapat gawin tuwing kasama si Raven dahil sinabi ko na ako ang makakasama ni Raven sa bahay niya na di naman tinutulan ni doctor Matinong Ruiz pero si Doctor Gagong Ruiz naman ay ayaw sumang ayon buti di ko siya sinikmuraan dahil lagi siyang kontra sa mga sinasabi ko. Ang sarap niyang ipasagasa sa ten Wheeler!
Porque ang gwapo ko at ang pangit niya, lagi na lang siyang kontra!
" Raven, tara na. Gusto mo bang dumaan muna tayo sa McDo?" tanong ko sa kanya habang ikinakabit ang seatbelt niya.
" Ayaw ako ng mga tao do-
I cut her sentence.
" Don't mind them. I'm here. " I smile, but she just nodded.
Nung papasok kami sa loob ay agad niyang sinuot ang hoodie niya. Agad ko namang tinanggal iyon. Anong kinahihiya niya?
" Nakatingin sila." bulong niya ng makitang sa amin nakatuon ang atensyon ng tao sa loob.
Inakbayan ko siya at yumuko ako para bumulong sa kanya. She froze when I did that.
" Ang gwapo ko kasi kaya sila tumitingin. " hindi pwedeng lagi na lang siyang natatakot sa mga tao sa paligid niya. Hindi dapat siya mahiya. Ang mga tao sa paligid niya ang dapat mahiya because they're accusing her! Wala siyang kasalanan pero tinatrato siya na parang isang makasalanang tao!
Nang makarating kami sa bahay niya ay sa kwarto niya agad siya dumiretso.
Hinayaan ko muna siya baka gusto niya munang mapag-isa at magpahinga.
Nagluto na lang ako ng dinner namin. Pero ng di pa rin siya lumabas pagkalipas ng ilang oras ay pumunta na ako sa kwarto niya.
Wala siya doon kaya nagpanic ako. Pinuntahan ko ang lahat ng kwarto sa taas, wala!
Ang mga kwarto naman sa ibaba, wala rin!
Naalala ko na may basement pala sila.
Nasa kabilang part kasi iyon ng mansyon, malayo sa kusina kaya di ko siya napansin.
Nandun siya, sa walang kargang basement. Sa lugar kung saan kita niya ng harap harap kung paano pinatay ang mga magulang niya.
Kung saan nagawa ang bangungot niya.
Nakakapagtaka dahil nakayanan niyang puntahan ang lugar kung saan siya pinahirapan at kung saan pinatay ang mga umampon sa kanya.
Isang light bulb lang ang nandun,nakatayo siya at nakayuko. Para siyang nasa spotlight.
Umaakyat baba ang balikat niya kaya nilapitan ko siya. Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita.
" Gusto ko ng makawala sa bangungot ko. Gusto ko ng makalimutan ang masamang pangyayari sa lugar na ito. Gusto kong mahanap ang gumawa nun sa mga magulang ko. Gusto kong bumalik na sa dati ang takbo ng buhay ko. King, matutulungan mo ba ako?" nakipagtitigan siya sa akin. Right now, I can see the real Raven.
BINABASA MO ANG
Kiem King
RomanceShe was wounded, emotionally and physically. But he saved her. He saved her from her nightmares and demons. He did everything. He act like her own Knight in Shining Armour. Sacrificed everything, rescued her, protected her and loved her unconditiona...