Fifth Attempt

40 3 2
                                    

Naisahan ako ng babaeng iyon! Kaya no choice ako kundi ang bumalik sa tinutuluyan ko. Mabilis akong naligo at nagdala ng ilang damit. Kahit ayaw niya, dun ako tutuloy ng ilang araw para mabantayan siya. Di ko alam kung bakit gan'to ang tinatakbo ng isip ko. Parang naitanim na dito na protektahan si Raven. Parang misyon ko na alamin ang nakaraan niya. Parang dinala ako dito sa lugar na ito para maibalik ang dating siya.
Dahil nakita ko ang ilang pictures nito sa mala-mansyon niyang bahay na nakangiti siya. Masaya at puno ng buhay. Malayong-malayo sa kung sino siya ngayon.
Dumaan muna ako sa isang grocery store para bumili ng makakain namin. Trespassing siguro ang gagawin ko sa lugar ni Raven pero wala na akong pakialam doon.
Basta ang mahalaga sa akin ay ang mabantayan siya. Maprotektahan. At maiahon sa kung ano man ang dinadala niyang problema.

Nakarating ako sa tapat ng bahay nito medyo madilim na.
Ipinark ko sa medyo malayo ang kotse ko para di niya malaman na nandito ako.
Tanging sa living room lang ang may ilaw sa buong bahay. Kaya napagpasiyahan kong sa second floor dumaan papasok.
May puno kasi na malapit sa isang bintana.
Mabuti na lang at bihasa ako sa pag-akyat noon dahil madalas akong sarahan ng pinto ni Sir, ang daddy ko.
Dahan dahan akong umakyat. At parang isang beteranong miyembro ng akyat-bahay ay di ako nakagawa ng malakas na ingay habang binubuksan ang bintana.

Isang kwarto ang napasukan ko.
Kwarto ng isang batang babae. Binukasan ko ang cellphone ko para magkaroon ng ilaw sa madilim na kwartong iyon.
Dinig dito ang tunog ng TV sa ibaba kaya alam kong abala si Raven sa pinapanood niya. Nagkaroon tuloy ako ng panahon para tignan ang kabuoan ng kwarto.
May mga litrato na nakalagay sa frame. Si Raven ito. Halata sa itim na itim na buhok nito at sa green na mga mata nito.
Tulad ng mga ibang litrato sa bahay na ito, nakangiti ang batang Raven. Kasama ang isang may edad na babae at lalake na sa tingin ko ay mga magulang niya.

Raven Perez Larsen.
Iyon ang nakalagay sa isang diploma na nakadisplay.
Perez.
Larsen.
Larsen. Larsen.
Parang pamilyar ang apelyidong iyon.

I shrugged about it.
Ilang minuto rin akong nagtagal sa kwarto na iyon.
Dahan dahan akong lumabas. Ngayon ko lang rin napansin na naka-off na yong TV. Tumingin ako sa pinakadulo ng corridor. Isang kwarto ang nakaawang ang pinto.
Pinuntahan ko iyon. Ngunit halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa nakikita.
Mabilis akong pumasok sa kwarto na yon at tinanggal sa kamay niya ang hawak niyang blade.
Tumingin lang ito sa akin at sa sugat nito sa pulso. Naalarma ako lalo ng makita ang dami ng dugo na tumutulo galing sa wrist nito.
Mabilis kong kinuha ang panyo sa bag ko at itinali iyon sa dumudugong parte ng katawan niya.
" Ano ba 'tong ginagawa mo Raven?!" Malakas na tanong ko. Di ako galit sa kanya. Galit ako sa dahilan kung bakit niya ito ginagawa sa sarili niya.
Tumingin ito sa akin at binawi ang kamay niya na hawak hawak ko.
Tumayo ito kaya sinundan ko siya.
Pumunta itong CR at tinanggal ang itinali kong panyo. " Bakit ba nandito ka na naman?" Tulad ng dati, wala pa ring emosyon na tanong niya. Itinapat nito ang sugat nito sa rumaragasang tubig.
Naghalo ang sarili niyang dugo sa tubig. Nandun lang ako at parang naestatwa. Ganoon ba kasama ang nangyari sa kanya noon para saktan niya ang sarili niya? Kani-kanina lang nanonood lang siya. Tapos ngayon ganito?!
Para siyang isang expert na doctor habang ginagamot ang sarili niyang sugat. At parang wala lang sa kanya ang paglagay niya ng alcohol sa wrist nito na may hiwa.
" Makakaalis ka na." Wika nito ng matapos ito sa pagbabalot ng sugat niya.
Umiling ako. " Di ako aalis. Kahit ipagtulakan mo ako." I firmly said.
Muli ay tinignan lang ako nito at lumabas ng CR.
Napabuntong hininga na lang ako.
Sinusundan ko siya kung saan siya pumupunta.
Mahirap na baka dagdagan niya ang sugat niya.
Hanggang napunta kami sa kusina.
Halatang naiirita na ito dahil sa pagsunod ko sa kanya.

" Wala ka bang sariling buhay at nandito ka sa bahay ko? Alam mo nakakairita ka. Kung ano man ang habol mo sa akin , sabihin mo na at ibibigay ko sa'yo para tigilan mo na ako." For the first time, ito ang pinakamahaba niyang sinabi sa akin.
" Kung pera, wala na. " Kumuha ito ng beer.
Mabilis kong inagaw iyon at nilagok ang karga nito.
Hinawakan ko siya sa kanyang magkabilang balikat at inilapit ang mukha ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata nito.
" Di ko kailangan ang pera mo. Di ko kailangan ang kahit ano dito sa bahay mo. Ang kailangan ko ay pagkatiwalaan mo ako. At ipagkatiwala sa akin ang kaligtasan mo."
Pumikit ito. Pagmulat niya ay nasalubong ko ang mga mata niya na may emosyon. Halo-halong emosyon. Pero mas nakita ko ang tila pag-asa sa mga mata niya. Pero agad din itong naglaho. Bumalik muli ito sa dating blangko.
" Isa akong estranghera. Di mo 'ko kilala at ganoon din ako sa iyo. Kaya di mo ako kailangang protektahan. Sinasayang mo lang ang oras mo sa isang tulad ko. Hindi mo alam kung sino ako."
Tinanggal nito ang pagkakahawak ko sa balikat niya.
Ngunit mabilis kong hinuli ang kamay niya.
" Kaya ako nandito para kilalanin ka. At wag mong itanong kung bakit dahil maging ako ay di ko alam ang dahilan. At tama ka na di mo rin ako kilala. Ako si Kiem King Hood Roberts. 23. Favorite color,pink. Hot and handsome. Biyaya ng Diyos sa mga kababaihan. Pantasya ng mga kabaklaan. Kinaiingitan ng mga kalalakihan.Panganay sa apat na magkakapatid. Anak nila Pie Roberts at Kieth Napoleon Roberts. Ano pa ba?" Tumigil ako saglit at nag-isip. " Mahilig ako sa kare-kare. May aso akong pangalan ay Adobo. Hobby ko ang asarin at paiyakin ang mga kapatid kong sina Kier, Kiev at Kiel. Ako ang pinakagwapo sa amin. At walang kumokontra dahil totoo.At kasalukuyan na nagpapakilala na parang isang grade two pupil sa babaeng hawak-hawak ko ang kamay niya. Kulang pa ba? Sex life gusto mo pa bang malaman?" Mabilis kong pagpapakilala.
At parang isang himala, ngumiti ito at parang natatawa ngunit saglit lang. " Baliw." At naglakad palabas ng kusina.
Sinunda ko siya , laking gulat ko ng humarap ito sa akin.
" Diyan ka sa pangalawang kwarto matulog. Goodnight King."
Parang may kung ano na humaplos sa puso ko ng tawagin niya akong King. Si momsie lang ang tumatawag sa akin ng ganun. At parang achievement dahil pinayagan niya akong matulog dito.
Ibig sabihin ba nito ay tinatanggap na niya ako?

Step by step Kiem. Step by Step. Untag ko sa isip ko.

Bakit ganito ang epekto mo sa akin Raven?




Kindly hit the Star and Leave some Comments :)

Thanks :D

Kiem KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon