Sunod sunod na update haha.
-------------------------------------------------------------
I don't want to leave her but I need to.
Nandun naman si doctor Gago kaya medyo panatag ako. Kaibigan pala siya ni Raven noon at alam ko kahit na mukha siyang gago ay mapagkakatiwalaan ko siya sa kalagayan ni Raven.
I don't know why Raven has this effect on me. Everytime I look at her, gusto ko ay naproprotektahan ko siya. Ayaw ko siyang nakikitang nasasaktan at lumuluha.
Damn those people who thinks that she's a killer!
Nandito ako ngayon sa bahay ng mga magulang ko, weekend kaya paniguradong andito ang mga Pangit kong kapatid.
Speaking of pangit, unang una pa talagang nagpakita ang pangatlo sa aming magkakapatid, si Kiev Duke. " Hey Duke-ha! " pang-aasar ko sa kanya. Siya kasi ang pinakapikon sa mga nakakabata kong kapatid.
" Oh Hi Kuya King-Kong! You look more stupid than the last time I saw you. " pambawi niya. Oh I miss this.
" At least di supot. " at iniwan ko na siyang pulang pula sa galit.
Di naman talaga siya supot, late lang talaga siyang nagpatuli.
Agad kong hinanap ang kapatid kong si Kier Emperor, na siyang habol ko talaga kung bakit ako umuwi dito.
Naabutan ko siya sa private office niya dito sa bahay ng mga magulang namin.
He's always busy. Graduating pa lang siya pero napakadami na niyang pinagkakaabalahan.
" Hey Kier. " nakipag-manly hug ako sa kanya at umupo sa bakanteng upuan.
" Kuya, I don't know your reasons kung bakit mo pinaimbistigahan ang nangyari sa mga Larsen. Pero payo ko lang sa'yo, huwag mo ng ungkatin ang nakaraan. Itong mga karga nito ay di naipakita sa publiko. Kaya nahirapan ang inutusan ko para sa pinaiimbistigahan mo. "
My brows almost met dahil sa sinabi niya.
" Here. Andiyan iyong mga files at may CD diyan, panoorin mo simula una." nagpasalamat lang ako at pumunta sa tinitirahan kong condo.
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa maari kong malaman. Kinakabahan ako sa maari kong matuklasan tungkol sa nakaraan ni Raven.
Isinalang ko ang CD at umupo. Kinalma ko muna ang sarili ko.
Unang parte pa lang ay para na akong binuhusan ng malamig na tubig.
Ang mga magulang ni Raven na sina Patricia Perez-Larsen at Johnson Larsen ay ang kasosyo ni Sir noon sa negosyo.
Brutal silang pinatay. At death anniversary nila kahapon, kaya pala dumalaw si Raven sa sementeryo kagabi.
Natagpuan umano ang mga labi ng mag-asawa sa loob ng kanilang mansyon sa probinsiya.
Halos masuka ako ng ipakita rin doon ang actual footage, parang hindi tao ang pinatay! Shit!
Halatang tinorture muna ang mga ito bago pinatay!
Ilang saksak sa katawan ang natamo ng mag-asawa, halos bumaha ng dugo sa basement ng mga Larsen.
At ang pinaka nanlamig ako ay ng makita si Raven na puno ng dugo at may hawak na kutsilyo.
Mahabang kutsilyo na puno ng halos tuyo ng dugo.
Nakatingin lang ito sa kawalan at para bang nawawala na sa katinuan. Nanghihina ito at pinakita na may mga saksak din siya.
" Jesus Christ! " bulalas ng nasa video ng makita si Raven.
Di ko mapigilang maawa sa kanya.
Pinakita rin sa video kung paano kausapin si Raven.
Ang tangi lang sinasabi nito ay
" Pinatay ko sila. "
Akala ng marami ay nababaliw na siya. At siya ang pinaghihinalaan na suspek sa pagpatay sa mga nag-ampon sa kanya.
Hindi niya biological parents ang mag-asawang Larsen.
Pero walang matibay na ebidensiya na siya nga ang pumatay sa mga ito. Ngunit ang kamag-anak ng mag-asawang Larsen ay pinipilit na si Raven umano ang pumatay sa mag-asawa.
" Damn! That's stupid! " ang tanga ng mga iyon! Walang finger prints sa kutsilyo na pinangsaksak sa mag-asawa at ang kutsilyo na hawak ni Raven ay pinangsaksak niya sa kanyang sarili! Kaya hindi pwedeng maging suspek si Raven dahil siya mismo ay biktima.
Nasaksihan niya ng harap harapan kung paano pinatay ang mga tinuturing niyang tunay na mga magulang.
Nakakakulo ng dugo ang inasal ng mga kamag-anak ng mag-asawa! Bakit nila pinagpipilitan na si Raven ang gumawa nun?!
Ilan pang mga videos ang nag-play.
Nandun iyong dinala si Raven sa Supreme Court, awang-awa ako sa kanya dahil siya ang pinagbibintangan sa salang di siya ang gumawa.
Natapos ang kaso na walang suspek. Hanggang ngayon ay wala pa ring ideya ang nakatataas kung sino ang pumatay sa mag-asawa.
Sinabi rin sa video na na-trauma ang ampon ng mga pinaslang.
Wala ng iba pang karugtong iyon. Wala ng nasabi tungkol kay Raven.
"Pala-isipan pa rin hanggang ngayon kung sino ang pumaslang sa mag-asawang Patricia at Johnson Larsen." that's the last part of the video.
Tapos na ang video pero parang nakikita ko pa rin ang hitsura ni Raven. Di ko siya masisisi kung nagkaroon siya ng post traumatic stress disorder.
Kung ako ang nakasaksi roon ay baka nabaliw na ako.
Mas lalo akong bumilib sa kanya at the same time ay mas naawa.
Binuksan ko ang files. Nandun ang mga litrato ni Raven. Litrato ng mag-asawa nung buhay pa sila at mga information tungkol sa kanila at sa hawak nilang mga kompanya noon.
Halos mapunit ko naman ang isang litrato doon, iyon yung gustong gumahasa kay Raven! What the hell?! Pamangkin siya ng mag-asawang Larsen?!
At sinasabi sa naimbistigahan ni Kier ay gustong makuha ng mga kamag-anak ng mag-asawa na makuha ang mana na para kay Raven.
This is insane!
Alam ba ni Raven ang tungkol dito?!
----------------------------------------------------
Kindly hit the star and leave some comments :)
Thanks :D
BINABASA MO ANG
Kiem King
RomanceShe was wounded, emotionally and physically. But he saved her. He saved her from her nightmares and demons. He did everything. He act like her own Knight in Shining Armour. Sacrificed everything, rescued her, protected her and loved her unconditiona...