Twelfth Attempt

35 1 0
                                    

Niyaya ko si Raven na maglibot sa bayan nila.
Dito ko na lang gagawin ang First Tip, ang Get Moving.

Pahamak na Prince! Para tuloy akong tanga nung bigla akong umalis!

Kaya mas mabuti na yung nandito kami sa labas. Nung una ay ayaw niya dahil baka lumayo lang daw ang mga tao sa amin pero sinabi ko na nandito ako, kasama niya ako kaya wag siyang mag-alala.

Hinintay muna naming matuyo ang mga damit niya bago kami umalis. Kaya pala ganun ang suot niya kanina dahil basa lahat ng damit niya.
Akala ko ay inaakit niya ako! Sadyang manyak lang pala ako ng oras na iyon!

" Na-miss ko ito. " she murmur.
" We should do this everyday. Para masanay ka na makihalubilo sa iba. At para magkaroon ka ng exercise through walking. " tugon ko.
Kitang kita ko na ang kaunti na pagbabago kay Raven.
Nakikipag-usap na siya sa akin.
Kumakain na rin siya ng wasto kaya medyo nagkakalaman na siya kahit papaano.
Hindi na rin siya masyadong namumutla.
Naglibot libot lang kami sa plaza, madaming tumitingin sa gawi namin pero di na namin pinapansin. May mga sinasabi sila pero deadma lang kami.

Para nga kaming may sariling mundo. Pasikat na ang araw at heto kami nakaupo sa swing.
Medyo kaunti ang tao rito at malayo sila sa amin.

" King, may pamilya ka di ba? Hindi ka ba nila hinahanap? " tanong niya.
Ito ang unang beses na nagtanong siya tungkol sa akin.
" Sinabi ko kay Momsie na may importante akong gagawin kaya di pa ako makakauwi sa amin. " nung nakaraang linggo kasi ay tumawag siya at nag-aalala kung bakit di pa daw ako umuuwi.
At iyon nga sinagot ko.

" Wala ka bang trabaho?" tinignan ko siya. Para siyang batang nakaupo sa swing at nakatingin sa pasikat na araw.
" Meron. Pero mas importante ang ginagawa ko dito . " sagot ko habang nakatitig pa rin sa mukha niyang nasisinagan ng araw.
Para siyang anghel.
Napaka-inosente ng mukha niya.
Her beauty can captures Everyman's attention.

But right now, she didn't just capture my attention.
I can't explain it.
I can't explain how my stomach tied in knots!
Am I going insane?!
Damn! Now she's looking to my eyes.
" Mas importante ka Raven. "
Pagkasabi ko nun ay bigla akong napatayo dahil bigla siyang umiyak.
Humihikbi siya.
Damn! Mali ba ang sinabi ko?

Pinapatahan ko siya pero ang tagal bago siya huminto kakaiyak.
Sumakay na lang kami ng tricycle dahil di niya na naman ako kinakausap.

" Raven. " pagtawag ko sa pangalan niya ng nasa living room na kami.

Humarap siya sa akin. May luha na naman sa mga mata niya.
Lalapitan ko na sana siya ng siya na mismo ang tumakbo palapit sa akin at niyakap ako.

" Salamat sa lahat King. Ngayon lang uli may nagsabing importante ako. Hindi ko alam kung ano ang turingan natin. Kaibigan mo na ba ako o estranghera pa rin ako para sayo? Pero salamat. Salamat sa lahat. " She whisper. I hugged her tight.

Bakit ang saya saya ko sa mga sinabi niya? Sobrang saya ko.
Parang mas masaya pa ako ngayon kaysa noong sinagot ako ni Reina, ang ex-girlfriend ko na ilang taon kong niligawan.
Hindi ko maipaliwanag.

Hindi na siya estranghera sa akin. Kaibigan?
Kaibigan pa ba ang pwedeng kong itawag kung sa tuwing tinitignan ko siya ay para gusto ko lang siyang ikulong sa mga bisig ko?
Gusto ko ay ako lang ang nakakakita kung gaano talaga siya kaganda?
Kaibigan pa rin pa ba ang maitatawag ko doon kung halos talikuran ko na ang lahat ng opportunity na inoofer sa akin ng kompanya namin makasama lang siya?
Bilang kaibigan pa ba ang nararamdaman ko kung mas inuuna ko siya kaysa sa pamilya ko?
Kaibigan pa ba ang tawag dito sa nararamdaman ko?

" Raven, I think I---"
Ayun knockdown ang kinakausap ko.
Humihilik na siya ng mahina.
Napagod siguro kakalibot at kakaiyak.
Di ko mapigilang di mapangiti.
Ano iyong gusto ko sanang sabihin sa kanya?
I like her?
Yeah, maybe I like her. I really really like her.

Kiem KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon